Chapter XXXII (Ogre)

4 0 0
                                    

Princess Rhian's POV

Kinuwento na'min kay Jenthrizsa ang nangyare kagabi. Tinanong din na'min kung ano bang kahinaan ng penanggalan pero wala siyang maibigay na sagot dahil kakadiskubre niya lang daw non. Hindi tuloy na'min alam kung paano sila mapapatay. Pagkainom ko ng tubig ay biglang nanginig yung dagger sa lakid ko. Kinuha ko ito at binunot sa suksukan. Bigla akong parang kinontrol ng dagger kaya napatayo ako. Sinenyasan ko si Ashley na sumunod sa'kin. Tapos na rin kase siyang kumain pero sina Jenthrizsa ay hindi pa. Hinila ako ng dagger palabas ng bahay. Tila mayroon iting nais ipahiwatid pero hindi ko alam kung bakit. Pagkalabas na'min ng bahay sa di kalayuan, may nakita kameng isang malaking halimaw. Hindi ito basta ordinaryong draugr. Iba ang nga itsura nila. May nakita akong bata na umiiyak. Nakatakda niya iyong biktimahin.

   "Ashley, ilayo mo na muna yung bata. Ako na ang bahala dito" Sabi ko sabay takbo na'min. Sinaklolohan ni Ashley  at agad na inilayo ang bata. Lumundag ako sa likod ng halimaw at saka ko siya sinaksak ng punyal sa likod. Nagpambuno kame. Uundayan ko pa sana siya sa pangalawang beses ng saksak subalit nahablot niya ang buhok ko at buong pwersang inihagis. Hindi pa man ako nakakatayo ay agad niya akong pinagsusuntok sa tiyan. Muli niyang hinawakan ang aking buhok at aakma siyang aapakan ako. Pero kahit na nanghihina ako ay nagawa ko pa ring putulin ang aking buhok makawala lang sa kanya. Pagkatakas ko ay agad ko siyang sinaksak sa binti. Nang dumating si Ashley ay gumamit siya ng malakas na tulak na may kasamang electic shock. Bahagyang napaurong ang halimaw pero tila hindi ito napuruhan. Dahil malapit si Ashley sa halimaw ay nasikmuraan siya nito at agad siyng iningudngod sa sahig. Hinablot niya rin sa buhok si Ashley at iniangay para saksakin ng kuko. Uundayan na sana siya nang bigla akong pumaimbulog sa ere at mabilis kong tinabas ang kamay ng halimaw. Naputol ko ang kamay niya pero dahil sa makunat ito naputol din ang talim ng aking punyal. Ininda ng halimaw ang saksak ko. Mayroon pa namang talim na natitira kaya sinundan ko pa iyon ng hiwa sa tagiliran niya. Agad na tumayo si Ashley na dala ang kamay ng halimaw ipinangalmot niya ito sa kalaban. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Hiniwaan ko pa siya sa kaliwang binti dahilan ng pagkaluhod niya. Dali-dali siyang hinawakan ni Ashley sa ulo at kinuryente. Sa lakas hindi nakagalaw ang halimaw. Nanghina rin si Ashley ng ginawa niya iyon. Nang dahil hindi na makagalaw ang halimaw ay nakakita na ako ng pagkakataon kaya agad ko siyang hiniwaan sa leeg sabay tarak ko ng punyal sa kanyang dibdib ng naging sanhi ng pagkamatay nito. Nang matapos na'ming pabagsakin ang halimaw ay agad na kameng umuwi ng bahay. Tinulungan ko na makalad si Ashley. Sobra kase siyang nanghina nang gamitin niya ang pinakamalakas niyanh boltahe. Dala-dala niya ang naputol na braso ng halimaw. Naiipan niya kase na itanong iyon kay Jenthrizsa. Nababaka sakali kame na may alam siya doon. Pagkapasok na'min ng bahay au agad akong tinulungan ni Chicken Man na iupo si Ashley sa sofa. Binitawan na ni Ashley ang putol na braso sa gilid niya at nagpunas ng pawis sa noo. 

   "Anong nangyare?" Tanong ni Chicken Man. "Saka bakit may dala kayong putol na braso? Kanino galing yan? At Rhian, bakit ang iksi na ng buhok mo?" Tanong pa niya. Napabuntong hininga ako at tinabihan ko si Ashley sa sofa.

   "Nasaan ba si Jenthrisa? May mahalaga kameng itanong sa kanya" Tanong ko kay Chicken Man.

   "Saglit. Tatawagin ko" Sabi niya sabau alis. Nagulat ako ng biglang nagkukulay puti ang buhok ni Ashley.

   "A-ashley, b-bakit nagkukulay puti ang buhok mo?" Gulat na tanong ko sa kanya.

   "S-sign yan na n-nanghihina ako" Sagot niya habang naghahabol siya ng hininga. Bumalik na si Chicken Man kasama sina Jenthrizsa at Goldrin. Tila nagulat si Jenthrizsa sa nangyayare kay Ashley. 

   "B-bakit nagkukulay puti ang buhok mo, A-Ashley?" Gulat na tanong ni Jenthrizsa.

   "Nagiging ganyan ang buhok niya kapag ginamit niya ng husto ang kapangyarihan niya" Sagot ni Goldrin. Napatingin siya sa'kin at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita na maiksi na ang buhok ko.

   "B-bakit naman maiksi na ang buhok mo, Rhian? Nagpagupit ka ba?" Gulat na tanong niya. 

   "Ayos ha, bagay sa'yo gupit mo" Singit ni Chicken Man.

   "May nakaingkwentro kase kameng isang malaking halimaw. Ang akala ko ay isa siyang dragr pero iba ang laki at isura niya. Nang hablutin niya ang buhok ko ay agad ko iyong pinutol para makawala ako sa kanya" Pagkukwento ko at ibinalin ko ang aking tinginkay Jemthrizsa. "Jenthrizsa, may gusto sana kameng itanong sayo" Sabi ko.

   "Sige, ano yun?" Kinuha ko yung putol na braso ng halimaw.

   "Ito yung naputol kong braso sa halimaw" Sabi ko sabay abot sa kanya noon. Agad niya iyong kinuha at inimbistigahan.

   "Ngayon lang din ako nakakita ng ganito. Pasensya na pero wala akong alam tungkol dito" Sabi niya. Tinanguan ko siya bilang pasang-ayon.

   "Sa kunat ng braso ng halimaw, naputol ang talim ng moonlight dagger" Sabi ko sabay pakita sa kanila ng punyal. Tila nagulat silang lahat sa resulta. Kinuha ni Goldrin ang punyal at pinagmasdan.

   "Pwede pa to. Pwede mo pa tong gamitin. Papandayin ko lang" Sabi niya sabay ngiti sa akin. Kinuha niya rin yung putol na braso ng halimaw at pinagmasdan. "Sa tingin ko ay pwede mo rin itong magamit bilang armor"  Sabi niya pa. May point siya. Nahirapan akong putilin yan dahil makunat kaya sang-ayon dinako sa gagawin niya. "Sige, pagpahingahin niyo muna si Ash doon sa kwarto at gagawin ko naman ito" Bilin niya. Tinanguan na'min siya bilang pagsang-ayon. Binuhat siya ni Chicken Man at dinala a kwarto. Sumama ako sa kanilang dalawa. Dahan-dahan na inihiga ni Chicken Man sa kama si Ashley.

   "Salamat" Nanghihinang sabi ni Ashley. Nginitian siya ng boyfriend niya at saka umalis. Napansin kong unti-uni ng bumabalik sa dati ang buhok ni Ashley.

   "Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya.

   "A-ayos na naman" Sagot niya at tipid siyang ngumiti.

   "Sige na, magpahinga ka muna" Bilin ko sabay alis. Pinuntahan ko ak Chicken Man para bilinan na siya na muna ang mag-alaga kay Ashley. Maghahand na kase ako para sa camping na'min nila Mang Edie, Mang Erwin at ni Mang Dawin. Sila yung mga retirong sundalo na nagtetrain sa'kin. Bukas naman sa camping ay tuturuan naman nila ako ng mga survival tecniques. Sigh. Kailan ba matatapos ang lahat?

DaggerWhere stories live. Discover now