Chapter XXXIV (Rematch)

5 0 0
                                    

Princess Rhian's POV

Medyo maganda na ang pakiramdam ko pagkatapos kong makatulog ng maayos. Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa unan. May puting benda ang kanang braso ko kung saan may pilay at kalmot ng sampiro. Hindi na siya masyadongmasakit pero hindi ko pa rin siya maigalaw. Balak sana ako dalhin ni Mang Erwin sa ospital pero pinigilan siya nila Mang Edie at Mang Dawin. Nasabi ko kase sa kanila ang sikreto ko kaya mas mapapabuti kung sa bahay na lang ako nila Ashley magpagaling. Starving. Nagugutom na ako. Inalis ko ang kumot at umapak ako sa lapag sabay tayo. Naglakad ako patungo sa pinto upang lumabas.

   "O Rhian, saan ka pupunta?" Bungad na tanong ni Goldrin pagkabukas ko ng pinto.

   "Pupunta ako sa kusina. Nagugutom ako" Sagot ko. "Eh ikaw? Bakit ka nandito sa labas ng kwarto?" Tanong ko naman sa kanya.

   "Ah sige, ako na ang kukuha ng pagkain para sayo. Magpahinga ka na lang diyan" Sabi niya. 

   "Ah..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nakaalis na siya para kumuha ng makakain ko. Sigh. Sinara ko na yung pinto at bumalik sa kama para mahintay sa kanya. Maya-maya ay dumating na siya na may dalang pagkain at tubig. 

   "Ito na" Sabi niya sabay abot niya sa'kin tray.

   "Salamat" Sabi ko sabay tanggap. Pagkalabas niya ng kwarto ay nagsimula na akong kumain. Hmm.. ang sarap talaga... Tapos na akong kumain pero parang... gutom pa ko. Ang tagal ko kaseng nawala dito. Puro prutas at hayop lang ang nakain ko ng isang linggo. Hayst! Nilapag ko ang tray sa table at tumayo ako sabay lakad ko patungong pinto. Pagkabukas ko ay nandito pa si Goldrin.

   "O tapos ka na bang kumain?" Tanong niya. Tumango ako bilang tugon. "Saan ka naman pupunta?" Tanong pa niya.

   "Nagugutom pa ako eh"

   "Ah sige, kukuha pa kita ng makakain" Sabi niya sabay hakbang pero hinawakan ko ang braso niya kaya tumigil siya.

   "Ako na, Goldrin. Kaya ko naman" Sabi ko.

   "Pero..." Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin ng umalis na ako pero hinabol niya ako para pigilan. "Rhian, magpahinga ka na lang. Hindi ka pa magaling" Sabi niya habang patuloy akong sinusundan.

   "Eh bakit ba? Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi na ako bata" Pangangatwiran ko. Hinawakan niya ang kanang braso ko sabay hila. "Aray! Ano ba?" Naiinis na sabi ko.

   "Sorry" Sabi niya sabay taas niya ng kanyang dalawang kamay.

   "Bakit mo ba ako sinusundan? Kukuha lang naman ako ng pagkain" Kompronta ko sa kanya. 

   "P-para... ano... Baka kase... ano" Pautal-utal na sabi niya.

   "Ewan ko sayo" Sabi ko at nagpatuloy ako sa paglakad. Kumuha ako ng mga snacks at agad na kinain. Hayst! Ang boring dito. Lalabas na sana ako ng bigla akong harangan ni Chicken Man naman.

   "O saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling, ha?" Sita niya.

   "Lalabas lang" Sagot ko sabay hawi sa kanya pero hindi siya tumabi. "Bakit ba parang ayaw niyo akong palabasin?" Naiinis na tanong ko.

   "Hindi ka pa kase magaling, ok?" Singit ni Goldrin. Inirapan ko lang siya at pilit na hinawi si Chicken Man hanggang sa makalabas ako. Laking gulat ko ng makita kong nakikipaglaban sina Ashley at Jenthrizsa sa mga aswang.

DaggerWhere stories live. Discover now