Chapter XL (Krestus Vs. Ashley)

7 0 0
                                    

Princess Rhian's POV

Sa gigil ni Ashley, hindi siya nagdalawang isip na gamitin ang isa sa pinakamalakas niyang teknik. Ang lightning dash. Sa lightning dash ay nagiging kidlat mismo si Ashley at siya ang tatagos sa katawan ng kalaban ngunit ang paraan na ito ay isa hanggang tatlong beses lang pwedeng magamit dahil nakakaubos ito ng maraming enerhiya. Nang matamaan niya si Krestus, pansamantala niya itong napabagsak kaya alam ni Ashley na dapat niya pang tuloy-tuloyin ang pag-atake. Kaya gumamit pa siya ng isa pang teknik. Ang lightning god. Ito ay ang paglalagay ni Ashley ng kuryente sa kanyang sarili para buhayin ang lahat ng kanyang cells at maging hyper ang kanyang kilos at mula doon ay sunod-sunod niyang pinagsusuntok at pinagsisipa si Krestus. Halos walang magawa si Krestus sa bawat pag-atake ni Ashley lalo na sa kakaibang bilis nito. Nang makakuha ng pagkakataon si Ashley ay agad itong nakalapit at ginamit ang huling pag-stay. Ang thunder dragon. Ito ay isang double palm stike na ang isang kamay ay nakapormang patayo samantalang yung isa ay paibaba, katulad ng ibang atake niya ay naglalaman din ito ng kidlat. Ang atake na yun ay sapat para makapatay ng tao sa isang tira lang kaya nung tinamaan ang kalaban, nakuryente ito at tumilapon patungo sa isang pader at tumagos ito. Subali't kaunti na lamang ang kanyang enerhiya kaya nawala na ang kanyang lightning god mode at medyo nanghihina. Naramdaman iyon ni Krestus kaya sinamantala niya ito. Pinalutang ni Krestus ang isang malaking bato at inihagis kay Ashley ngunit habang umiilag si Ashley ay mabilis na binunot ni Krestus ang kanyang espada at ibinato kay Ashley. Nagawa niyang tamaan si Ashley sa parteng kaliwang hita at tumagos pa ang espada dito. Napabagsak si Ashley at napasigaw sa sobrang sakit. Sa pagkakataong iyon ay lumapit si Krestus gamit naman ngayon ang suksukan ng kanyang espada at ubos-lakas niyang pinagpapalo si Ashley sa mukha at buong katawan. Nang mawalan ng malay si Ashley hinugot niya ang espada sa hita nito sabay angat ang espada at pinaapoy. Nang nagbabaga na ay umamba na ito para sa huling paghalibas habang tumatawa.

   "Magpaalam ka na, magkikita rin naman kayo ng kapatid mo" Wika niya. Bago niya tuluyang maihalibas ang espada ay biglang pumaimbilog si Chicken Man at isang malakas na suntok ang ibinigay kay Krestus. Pagkasuntok ay napaupo ito at medyo natulala.

   "Rhian, pagalingin mo tong magkapatid" Utos niya sa'kin. Agad akong lumapit upang saklolohan ang dalawa kong kasama at habang ginagawa ko iyon ay nilabanan na niya si Krestus.

DaggerWhere stories live. Discover now