Chapter XVIII (Chicken Man)

6 0 0
                                    

Sandra's POV 

When I woke up, I saw my daughter is sleeping beside me. Am I dreaming again? I hope, I'm not. I rose from the sofa and I try to touched her to know If she's real. I'm so glad when I did.

   "Darling" Paggigising ko sa kanya but she's still sleeping. I repeat to called her thrice.

   "Mommy" I felt glad when I heard her to call me in that way. I actually miss it, so much. I hold her shoulder and her rossy chicks.

   "Darling, where have you been? Sobra akong nagworried sayo, alam mo ba yun?" Instead of answering, niyakap niya ako. Tightly.

   "Sorry mommy kung hindi ako nagpaalam sayo" Nangingiyak na sabi niya. Umalis ako sa pagkakayakap niya and I hold her chicks again.

   "It's fine If you left without saying goodbye. You did that because you know na babalik ka" I said with a smile. I wiped her tears and kiss her to her forehead. "Just rest ok? I have to fix myself and then I will go the the office" Bilin ko sa kanya at umalis na ako.

Princess Rhian's POV

Tulad ng bilin ni mommy ay nanatili lang sa mansion. Medyo napagod din ako sa naganap na labanan kahapon. Marami-rami ring kameng napatay na bampira pero mas marami pa ring natitira. Paniguradong umabot na kay ama ang balita. Panigurado ring hindi sila titigil habang hindi ako natutonton at naibabalik sa kaharian. Someone's knocking... Pinagbuksan ko ng pinto ang kumatok. Bumungad sa'kin ang tagapagsilbi dito sa mansion.

   "Ma'am Rhian, may bisita po kayo" Sabi niya.

   "Ah sige, susunod na ako" Tugon ko at umalis na ang tagapagsilbi. Napakunot ang noo ko. Sino naman yun? Sinara ko ang pinto ng kwarto at dali-dali akong bumaba sa hagdan upang alamin kung sino iyon. Pakababa ko ay nakita kong nakaupo si Ashley sa sofa. Agad ko siyang nilapitan. "Ashley, anong ginagawa mo dito?" Bungad na tanong ko sa kanya.

   "Binibisita ka" Masayang sagot niya. "Ayaw mo ata eh. Edi aalis ako" Paalam niya sabay talikod. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Humarap siya sa'kin.

   "Ayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

   "Of course, ako pa ba?" Confident na sagot niya. "Eh ikaw?" Pagbalik niya ng tanong.

   "Oo, ayos lang ako" Sagot ko sabay ngiti sa kanya. 

   "Kung ganon... tara labas tayo" Yaya niya.

   "Pero..."

   "Sige na. Wag ka ng kj"

   "Kj?"

   "Never mind. Tara na" Pagyaya niya ulit. Huminga ako ng malalim at nginisian siya.

   "Sige na nga" Pagpayag ko. "Mauna ka na. May kukunin lang ako" Sabi ko.

   "Ok" Pagsang-ayon niya at lumabas na siya ng mansion. Muli akong umakyat ng hagdan at bumalik bg kwarto. Kinuha ko sa ilalim ng unan yung moonlight dagger at itinago ko ito sa likod ko. Pagkatapos ay agad ko nang pinuntahan si Ashley. Naghihintay siya sa labas ng mansion. Hinawakan niya ang kamay ko sabay hila at takbo. Sumakay siya sa driver seat at ako naman ay sa passenger seat. Sinusian niya ito at agad na pinaandar.

   "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

   "Sa convinience store na muna. May pinapabili kase sa'kin si kuya. Baka kase makalimutan ko yun kaya uunahin ko na munang gawin yun." Sagot niya.



*--*



Maya-maya ay nakarating na kame sa convinience store. Pinarada niya ang kotse sa parking lot at agad kameng bumaba. Pumasok na kame sa loob at kumuha siya ng tray para doon niya ilalagay ang kanyang ipamimili. Medyo natagalan din kame dito. Ang konti lang pala ng bibilin niya nagtray pa siya. Hayt! Si Ashley talaga. Pumunta na kame sa cashier upang magbayad sa pinamili niya.

   "Pagkatapos nito, saan na tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

   "Sa mall"

   "Anong gagawin na'tin don?" Tanong ko pa.

   "Ano pa? Edi magrerelax at magtatanggal ng hassel. Grabe kaya yung nangyare kagabi" Sagot niya. Ibinigay na niya ang card niya for payment. Maya-maya ay nagkagulo sa loob. May dalawang lalake na pumasok dito sa loob. Nakamaskara at may dala silang kutsilyo at baril. Kinuha ng lalakeng may hawak na kutsilyo si Ashley at agad siyang tinutukan sa leeg nito habang nakasakal naman ang isang kamay non kay Ashley. Tutulungan ko sana siya nang bigla akong tutukan ng baril ng kasama niya.

   "Wag kang kikilos" Pananakot nito. Tinitigan ko si Ashley. Dudukutin ko na sana ang punyal ko nang bigla akong sinenyasan ni Ashley na wag kaya hindi ko na itinuloy ang balak ko. Lahat ng tao ay naghihiyawan na. "Ilabas mo lahat ng pera, ngayon na" Utos niya sa cashier. Natakot ito kaya agad niya iyong sinunod.

   "Wag!" Pagpigil ko sa kanya. Mas lalo pa niyang nilapit ang baril sa ulo ko.

   "Tumahimik ka!" Galit niyang sambit. Hindi ko alam kung paano ako makakawala. Hindi ko pwedeng gamitin ang punyal dahil nasa pampublikong lugar kame. Nabitawan ng lalake yung hawak niyang baril dahil may nambato dito. Sa pangyayareng iyon ay nakahanap ako ng tiyempo na gamitan siya ng palm strike sa kanyang panga. Nang ginawa ko iyon ay bumagsak ito. Sinubukang ilayo ni Ashley ang kutsilyo ngunit nanlalaban yung lalake.

   "Ashley, anong pang hinihintay mo? Kumilos ka na" Sabi ko.

   "Wait lang nakatutok pa yung isa" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano ba kuya, wag mo namang masyadong ipagkatutok yang patalim mo sa baba" Pangdidistract niya sa lalake sabay dikit niya pa ng kanyang sarili sa harapan noon. Nailang yung lalake kaya napaurong ito. Agad niyang inalis ang kamay ng lalake at kuwala. May nambato dito kaya siya natumba. Lumabas ang isang lalake na naksuot ng leather jacket ngunit pagdating sa taas ay nakamaskara itong pangmanok.

   "Ako si Chicken Man. Ang tagapagtanggol ng bayan" Pagpapakilala niya habang nakapamewang at nakachin-up. Pumalakpak si Ashley.

   "Ang galing niya. At ang... kisig pa"Natutuwang puri niya kay Chicken man. Tumingin sa kanya ito at kinindatan siya.

   "Salamat Chicken Man" Sabi nung cashier.

   "Walang anuman" Tugon nito. Lumapit si Ashley sa kanya at nagpacute.

   "H-hi Chicken Man. I'm Ashley" Pagpapakilala niya sabay hawi ng kanyang buhok. Nag-abot ng kamay si Chicken Man pero hindi niya iyon tinanggap.

   "I don't do shakehands. I do hug" Sabi niya sabay yakap doon kay Chicken Man. "You're my hero!" Puri niya.Bumitaw na si Ashley sa pagkakayakap niya kay Chicken Man. "Tara sama ka sa'min" Yaya niya dito.

   "Ah... eh..."

   "Sige na, please" Pagpapacute niya. Napakamot ng batok si chicken man pero sa huli ay pumayag din ito.

   "S-sige na nga" Pagpayag niya. Hinawakan ni Ashley ang  kamay nito at hinila palabas ng convinien store. 

   "Ma'am yung pinamili niyo po" Sigaw nung cashier. Ako na ang kumuha non.

   "Salamat" Sabi ko at sinundan ko na sina Ashley. Sumakay na ako sa back seat dahil si Ashley ay nasa passenger seat at yung Chicken Man naman sa ang nasa driver seat.

DaggerWhere stories live. Discover now