Chapter XVI (Ritwal)

4 0 0
                                    

Claire's POV

Isang karangalan na mayakap ng isang prinsesa... Simula na nang Blood Moonlight Ritual. Binuksan ko ang kahon upang linisan ang punyal bago maisagawa ang ritwal. Ngunit nang hahawakan ko na ito ay parang bigla akong nakuryente. Sinubukan ko ulit ito hawakan ngunit ganon pa rin. Hindi ko na siya mahawakan. Isa lang ang ibig sabihin nito. Mayroon ng napili ang moonlight dagger na tagapagmana. Paano na ito? Paano na maitatakas ni Princess Rhian ang punyal? Agad akong nagtungo sa silid ng prinsesa upang ipaalam ang tungkol sa punyal. Mabuti na lang at naabutan ko pa siyang nag-aayos at naghahanda para sa ritwal. Yumuko ako bago pumasok.

   "O Claire, bakit ka naparito? Hindi ba ikaw ang naatasan na maglinis sa moonlight dagger?" Tanong niya.

   "Kamahalan, yun na nga po ang sinadya ko dito" Napatyo siya at lumapit sa'kin ng bahagya.

   "Bakit? May nangyare ba?" Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tanong ng prinsesa.

   "Mayroon na pong napili ang moonlight dagger na tagapagmana" Nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang narinig. Hinawi niya ang kanyang kapa at agad na lumabas ng silid. Sinundan ko naman siya. Binuksan niya ang kahon at napalayo siya ng umilaw ito. Pinagmasdan niya ang punyal. Sinubukan niya itong hawakan. Laking gulat ko ng mahawakan niya iyon ng hindi man lang siya napapaso. Mas lalong lumakas ang ilaw nito, senyales na siya na nga ang napiling tagapagmana. "Isa lang po ang ibig sabihin niyan"

   "Ako ang napiling tagapagmana ng moonlight dagger?" Tanong niya sabay tingin sa'kin. Ngumiti ako at masayang tumango bilang pagsang-ayon.

   "Opo. Kayo nga ang napiling tagapagmana ng punyal" Natutuwang sabi ko. Unti-unti siyang napangiti ngunit bakas pa rin sa mukha ng prinsesa ang hindi makapaniwala. Binalik na niya iyon sa kahon at tinakpan.

   "Sige na, pupunta na ako sa seremonial hall" Paalam niya. Yumuko ako at saka siya umalis.

Princess Rhian's POV

Pumunta na ako sa seremonial hall para sa gaganaping Blood Moonlight Ritual. Hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang pinili ng moonlight dagger na tagapagmana. Nasa loob ako ng malaking bilog pati na rin si Ashley. Nakagapos ang kanyang dalawa sa tali. Nakapalibot naman ang mga class b vampires. Nasa unahan si ina at nasa gilid naman ang kanyang tagapagsilbing si Goracio. Pagkatingin sa'kin ni Ashley ay kinindatan niya ako. Nginisian ko naman siya. Malayo ang distansya ko sa kanya. Lumapit sa'kin si Prime Minister dala ang kahon ng moonlight dagger. Siya muna ang pumalit kay ama dahil mahina pa ito. Pagkayuko ko ay lumuhod din ako bilang paalam na kukunin ko ang punyal. Nang tumayo ako ay binuksan na niya ang kahon. Marahan kong kinuha ang punyal. Sinara na ni Prime Minister ang kahon at pumunta na sa kanyang pwesto. Dahan-dahan kong inalis ang punyal sa suksukan nito. Itinaas ko ito dahilan ng paghiyawan at pagpapalakpakan ng mga bampira. Tumigil sila nang maibaba ko na ang punyal. Tinago ko na ang suksukan ng nito at nagsimula na akong maglakad patungo kay Ashley. Bawat hakbang ko ay naaalala ko ang aking mga hinanakit na dinanas ko sa lugar na ito kaya nasimula na akong magpumuyos sa galit. Binilisan ko na ang paglakad. Nang malapit na ako kay Ashley ay huminto ako saglit. Nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Lahat sila ay tila sabik na sabik na masilayan ang gagawin kong ritwal. Tumingin ako kay Prime Minister. Nakangiti ito at maaliwalas ang kanyang mukha samantalang si ina ay naiinis at halatang hindi siya sang-ayon na ako na ang magiging reyna ngunit wala na siyang magagawa dahil ipinag-utos ito ni amang hari. Ibinalik ko ang aking tingin kay Ashley. Nagbilang kame ng tatlo gamit ang pagkurap ng aming mga mata. Isa... Dalawa... Tatlo! Nilapitan ko siya at pinutol ang tali na nakagapos sa kanya. Nagulat ang lahat sa ginawa ko. Pumwesto kame ni Ashley sa gitna. Tinaas niya ang kanyang kamay upang mag-ipon ng boltahe. Tumayo si ina sa nangyare.

DaggerWhere stories live. Discover now