Chapter XV (Ryan)

8 0 0
                                    

 Sandra's POV

I woke up when I heard the alarm clock. I rose from the bed and I got one thing that caught my atention. The letter from the drawer.

Dear Mommy,

   Paumanhin po kung umalis ako ng hindi man lang po nagpapaalam. Mawawala po ako ng mga ilang araw ngunit babalik naman po ako agad. Pangako. Basta kahit ano poang mangyayare lagi niyo lang pong tatandaan na mahal na mahal ko po kayo.


Rhian

Oh my darling...

Princess Rhian's POV

Pumunta ako sa kulungan kung saan nakakulong si Ashley. Alam kong galit na galit siya sa'kin dahil sa ginawa ko sa kanya kagabi. Nakagapos ang kanyang mga kamay sa bakal. Nandoon ang pinsan kong si Ryan pati na rin ang tagapagsilbi nitang si Rogger. Tila pinaglalaruan ng pinsan ko si Ashley. Maganda kase si Ashley kaya napagtripan tuloy siya ng pinsan ko.

   "Ang bango-bango mo talaga" Pangmamanyak sa kanya ni Ryan habang tinitignan niya ang magandang katawan ni Ashley. Sumakay naman si Ashley sa trip nito. Tinignan niya ng malagkit ang pisan ko sabay kagat labi.

   "Alam mo, sa tuwing tinitignan kita mas lalo akong nahuhulog sayo" Pang-aakit dito ni Ashley. Mas lalo niyang nilapitan si Ashley at gumapang ang kanyang kamay sa binti nito.

   "Talaga?" Paninigurado ni Ryan. Unti-unting naglapit ang kanilang mga labi habang pataas ng pataas ang kamay ni Ryan sa binti ni Ashley. Nang malapit na ang kanilang mga labi ay hinead-but niya si Ryan sabay sipa doon sa gitna nito. Napahawak siya sa sakit. Nang makita niya na tutulong si Rogger ay tumalon siya sabay angkas niya ng kanyang mga paa sa balikat ni Ryan sabay balibag nito kay Rogger. Sa pangyayareng iyon ay parehas natumba ang dalawang bampira. Tama Ashley, lumaban ka. Nagpumuyos sa inis si Ryan sa ginawa ni Ashley. "Iniinis mo talaga akong elemental ka!" Galit na sambit ni niya sabay tayo at handa ng kamao para suntukin si Ashley. Bago pa man niya iyon nagawa ay pumagitna ako sabay hawak ko sa kanyang kamao na dapat ipanununtok niya. "R-Rhian..."

   "Tama na" Pag-awat ko sa kanya. "Bawal galawin ang alay dahil dapat malinis ito bago ialay mamaya" Paliwanag ko sa kanya. Binitawan ko na ang kamao niya at napakamot siya ng ulo.

   "O-oo nga. S-sabi ko nga" Pagsang-ayon niya.

   "Makakaalis na kayo. Ako na ang bahala dito" Pag-ako ko ng responsibilidad ni Ryan. Siya kase ang naatasan na magbantay sa alay. Hinarap ko si Ashley para magpaliwanag. "Ashley mal..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla akong sipain ni Ashley sa sikmura at sunod ay sa mukha kaya tumumba ako. Dumugo ang gilid ng labi ko sa lakas ng pagkakasipa niya.

   "Walang hiya ka! Pagkatapos kitang pagkatiwalaan ito lang pala ang igaganti mo? Dapat sa una pa lang hindi na ako nagtiwala sayo. Manloloko!" Nagpupumuyos sa galit si Ashley nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Hindi niya magamit ang kanyang kapangyrihan dahil bukod sa mahigpit ang pagkakagapos ng kanyang mga kamay ay kulob na lugar pa ito. Nagagawa niya lang kase yun kapag open area.

   "Ashley, makinig ka muna sa'kin"

   "Para saan pa? Para pakinggan ko ang lahat ng kasinungalingan mo? Para utuin ako ulit? Ganon ba?" Sa sobrang galit na nararandaman niya ay hindi na niya mapigilan ang umiyak. Tumayo ako at lumapit ng bahagya sa kanya.

   "Ashley, hayaan mo muna akong magpaliwanag. Pakiusap" Pakiusap ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya sabay punas sa kanyang mga luha pero umiwas siya. "Ashley, paumanhin kung hindi ko agad nasabi sa iyo ang tungkol doon. Hindi ko kase alam kung papaano sisimulan kaya nabigla kita" Unang paliwanag ko. "Ang gusto kong paniwalaan nila ay sumusunod pa rin ako sa mga utos nila kaya ginawa ko yun para hindi nila ako paghinalaan" Tumingin siya sa'kin at muling pumatak ang kanyang luha.

DaggerWhere stories live. Discover now