Chapter XI (Moonlight Dagger)

5 0 0
                                    

Princess Ashley's POV

Sa wakas ay nakabalik na rin ako sa school. Marami na akong nalagpasang lesson but Rhian helped me. Kaya ako ulit ang top notcher sa klase. Pumapangalawa naman ang bestfriend kong si Rhian syempre. Believe din ako sa bestfriend ko kase kahit na ikinulong siya sa Vampire Clan ay nagawa niyang sundan ang edukasyon ng mga tao. Hindi naman siya totally kinulong. Kung sabaga ay hindi sa kanya itunuro ang gawain ng mga tao. Gaya nung sa t.v. Inispin niya ng dagger kase hindi niya alam, hayst! Marami-rami na rin sitang naikwento sa'kin tungkol sa naging pamumuhay niya sa Vampire Clan. Ang hindi ko lang lubos na maisip ay yung sa Moonlight Dagger. Ang sabi niya bago pa man siya pumunta dito sa mundo ng mga tao ay araw araw siyang nag-eensayo para sa darating na BloodMoonlight Ritual gamit ang Moonlight Dagger. Ang pagkakaalam ko kase ay ang tangging tagapagmana lang ang maaaring makahawak dito. So does it means, she's the heirs?

   "Uy, lalim ng iniisip, ha?" Biro ni Rhian.

   "Ay sorry"

   "Ayos lang" Natatawa niyang sabi. Huminto ako at seryoso siyang hinarap.

   "Rhian, may itatanong ako sayo"

   "Ano yun?" Huminga ako ng malalim bago ako magtanong sa kanya.

   "Bakit... gusto mong kunin ang Moonlight Dagger?" Curious na tanong ko. She cleared her throat before she start.

   "Dahil mas mapapabuti ang lahat kung nasa akin ito" Sagot niya.

   "Yun lang na talaga ang dahilan?" Tanong ko pa.

   "Oo" Sagot niya. Actually, hindi yun yung ineexpect ko na isagot niya. Ang gusto kong malaman kung siya ba ang tagapagmana nito. Nang sa ganon, makahinga ako ng maayos kung siya nga. "Bakit mo naitanong?" Tanong naman niya.

   "Doon tayo mag-usap sa classroom" Sabi ko.

   "O s-sige" Nag-aalangan niyang sagot.

At the classroom...

Umupo kame sa aming upuan. Mabuti na lang ay kame pa lang dalawa ang nandito nang sa ganon ay maipagtapat ko sa kanya ang tungkol sa Moonlight Dagger.

   "Ang moonlight dagger ba na tinutukoy mo ay... ito?" Curious na tanong ko sabay pakita ko sa kanya ng Dagger History Book. Tinitigan at inusisa niya ito ng maigi.

   "Oo, ito nga" Sagot niya. Huminga ako ng malalim bago ko sabihin ang totoo.

   "Actually... matagal ko na itong hinahanap" Pag-amin ko sa kanya. Gulat siyang tumingin sa akin.

   "Huh? Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

   "1900 ago. Sumugod dito ang mga vampires sa mundo ng mga tao upang hanapin kung nasaan ang nagtakas ng moonlight dagger. Naghasik din sila ng lagim dito kaya tumulong na ang angkan na'min na pigilan sila. Nilagyan nila ng harang ang mundo ng mga tao para hindi na makapaghasik ng lagim dito ang mga bampira. Ngunit maaaring mawasak ang harang na yun sa pamamagitan ng Moonlight Dagger" Pagkukwento ko.

   "Totoo ba yan?"

   "Oo, Rhian. Kaya talagang kailangan mo ng makuha ang Moonlight Dagger habang hindi pa nila alam kung sino ang tagapagmana nito"

   "Tagapagmana? May tagapagmana ang Moonlight Dagger?" I was about to answer her nang biglang nagsidatingan na ang mga kaklase na'min. Agad kong tinago ang aking libro at umayos na kame ng upo dahil nandito na rin ang teacher na'min.

Princess Rhian's POV 

 1900 ago.Sumugod dito ang mga vampires sa mundo ng mga tao upang hanapin kung nasaan ang nagtakas ng moonlight dagger.

   Paulit-ulit na nagsisink-in sa utak ko ang sinabi ni Ashley. Sino kaya ang tinutukoy niya? Sino ang nagtakas sa moonlight dagger? 1900 ay pinugutan ng ulo si Queen Alexa dahil sa pagtataksil niya sa Vampire Clan. Naalala ko yung nabasa kong Vampire Queen's History. Posible kayang si Queen Alexa yung nagtakas sa moonlight dagger? Tinakas niya kaya ito dahil mas alam niyang mas mapapabuti ang moonlight dagger kapag nasa kamay niya ito?

DaggerWhere stories live. Discover now