Chapter VIII (Kwintas)

8 0 0
                                    

Princess Rhian's POV

Masaya kameng nagkukwentuhan ni Ashley dito sa cafetertia. Kame nga lang ata ang maingay dito eh. Ngunit may isang bagay na nagpatigil sa'kin. Ang kwintas niya. Bakit may ganon siyang kwintas? Para lang iyon sa mga elementals.

   "Uy nakikinig ka ba sa'kin?" Tanong niya. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kwintas niya ay agad niya iyong tinago sa loob ng uniform niya.

   "Ashley, may hindi ka ba sinasabi sa'kin?" Seryosong tanong ko sa kanya.

   "A-ako? W-wala" Sagot niya.

  "Bat parang namumutla ka?" Usisa ko sa kanya.

   "Ah... m-mainit kase. Tara doon natayo sa labas" Yaya niya sabay tayo. Hinawakan ko siya sa kamay para pigilan.

   "Bakit may ganyan kang kwintas?" Usisa ko sa kanya. 

   "B-bakit mo naman tinatanong?" Pag-balik niya ng tanong sa akin.

   "Ashley, sagutin mo na lang ako. Bakit may ganyan kang kwintas?" Tanong ko ulit.

   "Pamana ito ng mommy ko" Sagot niya. Tumayo ako at muli kong tinitigan ang kwintas niya. Isa iyong kidlat. Kung isa nga siyang elementals, hindi ko mahahawakan ang kwintas niya.

   "Maaari ko bang mahawakan?" Tanong ko nang nakatingin sa kanyan para kumbinsihin siya.

   "Ah... b-bakit naman?" Nauutal na tanong niya na may halong kaba.

   "May gusto lang akong malaman" Sagot ko. Dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko sa kwintas. Nang malapit na ay hinawi ni Ashley ang kamay ko.

   "Hindi maaari" Nagulat ako sa pag-tutol niya kaya mas lalo akong nag-hinala na totoo nga yung kwintas niya.

   "At bakit hindi?" Tanong ko.

  "Basta ayoko" Sagot niya.

  "Bakit nga?"

  "Pag sinabi kong ayoko, AYOKO!" Sigaw niya sabay alis. Kung ayaw niya ipahawak sa akin yun, isa lang ang sagot. TOTOO YUNG KWINTAS AT ISA NGA SIYANG ELEMENTALS.


Magkatabi nga kame ni Ashley hindi naman kame nakikibuan. Hayst! Ang lungkot pala pag hindi kame nagpapansinan. Hanggang sa pag-uwi, hindi niya ako pinansin. Pagdating ko sa mansio ay agad akong dumeretso sa kwarto. Wala ako sa mood kumain. Gusto ko lang mapag-isa. Maya-maya ay may kumatok sa pinto ngunit nanatili akong nakahiga at hindi pinagbuksan kung sino man yun. Nang bumukas iyon ay tumagilid ako at nagpanggap na natutulog.

   "I know, you're still awake, honey" Boses iyon ni mommy. Naramdaman kong umupo siya sa kama. "Is there any problem,?" Nag-aalalang tanong niya.

  "Wala naman po, mommy. Napagod lang po ako" Pagsisinungaling ko.

  "Ok. Basta kung may problem ka, just tell me. I'm always ready to listen" Payo niya. Hinalikan niya ako sa noo sabay alis...

DaggerWhere stories live. Discover now