Chapter XLIII (Claire)

11 0 0
                                    

Princess Rhian's POV

Pagkamulat ko ng aking mga mata ay nandito ako sa kwarto. Bahay na ito ni Ashley. Babangon sana ako ng bigla akong napahawak sa aking tiyan sa sakit. Mayroon itong puting takip. Yung damit ko ay may dugo at may punit. Ano bang nangyare? Sinubukan kong alalahanin ang pangyayare ngunit sumakit lang ang aking ulo. Nakita ko ang dagger sa table. Nang kunin ko ito ay bigla itong umilaw. Nginisian ko siya ng mapagalaman ko ang kaniyang ibig sabihin. Tinapat ko ito sa aking mga sugat.

   "Therapevo" Utos ko sa kanya. Pinagaling niya lahat ng akinh sugat at aking mga galos. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin ng aking mga sinasabi.

   "O gising ka na pala" Wika ni Goldrin pagkapasok niya dito sa loob ng kwarto. Nilapitan niya ako at umupo siya sa gilid ng kama. Bumangon naman ako at sumandal para makausap siya ng maayos. "Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalala niyang tanong. Tinanguan ko siya at tipid na nginitian.

   "Ano ba ang nangyare? Bakit may dugo at punit ang aking damit?" Tanong ko sa kanya. Kinuwento sa'kin ni Goldrin ang buong pangyayare na naganap na labanan sa Vampire Clan. Isang linggo pala akonv walang malay. Bakas ang kagat ni Krestus sa aking leeg pero hindi naman siya ganon kasakit.

   "Nasaan sina Ashley at Chicken Man?" Tanong ko.

   "Uhmm... Busy silang pareho"

   "Busy saan?"

   "Next month, ikakasal na sila" Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi.

   "T-totoo ba yan?" Gulat kong tanong. Nagkagit labi siya at tinanguan ako bilang tugon. Ang pagkagulat ko ay unti-unting napalitan ng pagkagalak.

   "Kaya dapat magpagaling ka na para makadalo ka sa wedding"

   "Galing na ko" Tugon ko sabay tanggal ng ko balot sa aking tagiliran. Nagulat siya ng makita niyang wala na iyong sugat.

   "M-mabuti naman" Natutuwa nitong sambit. "Sige, ikukuha muna kiya ng makakain. Alam kong gutom na gutom ka na" Ani niya sabay tayo. "Sa bagay kailan ka ba nabusog?" Bulong niya. Tinignan ko siya ng masama sabay kuha ng unan at hampas sa kanya. "Aray!" Pag-inda niya sa hampas ko. Inagaw niya sa'kin yung unan at lumayo sa akin ng distansya saka niya iyon ipinukol sa akin sabay lakad patungo sa pinto. Binato ko rin siya ng unan ngunit hindi siya natamaan dahil tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto at naisara ang pinto kaya doon lang ito tumama. Hayst! Tumayo ako at lumabas ng kwarto para sundan siya. Agad ko naman siyang nakita sa kusina na naghahanda ng pagkain na idadala niya para sa akin. Hindi ko siya nilapitan bagkus pinagmamasdan ko lang siya. Tama na si Ashley, husband material talaga si Goldrin. Sobrang siyang maalaga kaya sino ba namang babaeng hindi mahuhulog sa kanya? Nakita ko si Claire na dahan-dahang lumalakad patungo kay Goldrin na may dalang kutsilyo. Maya-maya pa'y huminto siya sa likod ni Goldrin.

   "Claire, a-anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi man lang siya sumagot at lumingon.
 

   "Mamatay ka na!" Sigaw niya sabay taas ng dalawang kamay na aambang sasaksakin si Goldrin. Nagulat naman ai Goldrin pagkaharap niya kay Claire.

   "Waaag!" Sigaw ko sabay bunot ng punyal. Agad akong sumugod kay Claire upang unahan siya ng saksak ngunit sa kabilang banda ay mayroon kameng narinig na isang putok ng baril. Nabitawan ni Claire ang hawak nitong kutsilyo at napahawak siya sa kanyang dumudugong dibdib dahil sa tama ng baril. Lumapit si Jenthrizsa sabay tutok ng malapitan kay Claire ng baril at kalabit nito. Sa pangyayareng iyon ay agad na bumulagta si Claire sa sahig ngunit dilat pa rin ito.

DaggerWhere stories live. Discover now