Chapter XXVI (Pag-amin)

7 0 0
                                    

Princess Rhian's POV

Pagkamulat ko ng aking mata ay nanibago ako sa aming kwarto ni Ashley. Si Ashley ay nasa tabi ko, natutulog. Nasaan ba kame? Bakit may mga tumitilaok na mga manok? Wala namang manok sina Ashley at kuya Goldrin. Inalis ko yung kumot at saka bumangon. Pagkalabas ko ng kwarto ay mas lalo akong nanibago. Saan bang bahay ito? Bakit ganito ang itsura? Naglibot-libot ako dito sa loob ng bahay. Mas malaki ito kumpara sa bahay nina Ashley. Sa kusina ay nakita ko sina kuya Goldrin at Chicken Man. Oo, si Chicken Man nandi... Wait... S-si Chicken Man nandito? B-bakit siya nandito?

   "O gising ka na pala" Sabini kuya Goldrin. Napatingin ako sa kanya habang clueless pa rin sa nangyayare. "Si Ash ba gising na?" Tanong niya.

   "H-hindi pa" Sagot ko habang pinagmamasdan ang loob ng bahay.

   "Ah oo nga pala. Nandito tayo ngayon sa bahay ko. Sorry kung hindi ka na'min nasabihan. Mahimbing kase ang pagkakatulog mo kaya ayaw ka na na'ming istorbuhin. Baka kase... umiyak ka na naman" Sabi niya. Hindi na ako muling nagsalita nang maalala ko ang nangyare kahapon. Mommy. "Wag mo na munang isipin yung mga problema mo. Kaya nga tayo nandito para mag-enjoy, hindi para magmukmok" Bilin niya. Lumapit ako at umupo sa bangko. Nakahain na ng lahat ng pagkain. Ang sasarap nila pero parang wala talaga ako sa mood ngayon. Hayst!

   "Good morning kuya, Rhi-Rhi" Inaantok na bato ni Ashley pero nung makita niya si Chicken Man ay tila nagising ang kanyang diwa.

   "Good morning, my boyfie" Masayang bati niya sa kanyang kasintahan.

   "Good morning, Ashley my loves" Masayang bati rin ni Chicken Man at naglapit ang dalawa para maghalikan. Pero pumagitna sa kanila si kuya Goldrin kaya hindi nila nagawa. Tinitigan niya ng masama si Chicken Man kaya dali-dali itong umupo. Inis namang umupo si Ashley. 

   "Hayst! Si kuya talag, ang KJ. Palibhasa hindi pinapansin ng isa" Pang-iinis niya kay kuya Goldrin. Napakunot ang aking noo sabay tingin ko kay kuya.

   "Hindi pinapansin ng isa?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko sa kanya na nahirapan siyang makasagot.

   "Ah... w-wala yun. Wag mo na lang pansinin" Sagot niya sabay ngiti. Umupo na rin siya at nagsimula nang kumain. "Nga pala Rhian, ililibot ka na'min dito sa bahay" Sabi ni kuya.

   "Ah nalibot ko na to"  Nagulat siya sa sinagot ko.

   "A-agad?"

   "Oum" Sagot ko sabay ngiti.

 "Ah ganon ba" Pagsang-ayon niya. "Edi... ililibot ka na na'min sa rancho"

   "Anong kame? Kayo lang" Singit ni Ashley. "Ikaw ang mag-tour kay Rhi-Rhi at ako naman ang magtutour kay Chicken Man" Sabi niya sa sabay tingin kay Chicken Man at kagat labi.

   "Saan mo bang balak itour yang boyfriend mo?" Usisa ni kuya sa kanya.

   "Sa... kwarto" Tinignan niya ng masama si Ashley. "Syempre part yun ng bahay, diba Chicken Man?"Tanong niya at tinignan niya ng malagkit si Chicken Man.

DaggerWhere stories live. Discover now