Chapter XXXVI (Sandra)

4 0 0
                                    

Princess Rhian's POV

Ang sakit ng ulo ko pagkagising ko. Bumango ako at nagtungo sa bintana. Ayoko sa sinag ng araw, masakit sa mata at sa balat. Sinara ko ito at hinarang ang mga kurtina. Napatingin ako sa aking suot. Bakit ito na ang suot ko? Kahapon lang ay nakat-shirt ako samantalang ngayon ay nakasleeveless na? Ano bang nangyare? Sinubukan kong alalahanin ang mga pangyayare kahapon. Nandoon ako sa living area habang hawak ko ang phone ni mommy. Nanh biglang dumating si Ashley at... niyaya niya ako sa isang kubo. Nandoon kame maghapon. Masyang nag-uusap at... at... Aw! Lalong sumakit ang ulo ko habang inaalala ko ang sunod na pangyayare. Wala na akong maalala. Nakatulog ba ako doon? At dinala na lang ako dito? Pero... imposible. Saka bakit biglang nag-iba ang suot ko? Lumabas na ako ng kwarto at agad na hinanap sina Ashley. Nakita ko silang lahat sa living area. Nag-uusap. At mukhang seryoso sila. Ano kayang pinag-uusapan nila?

   "Magandang umaga" Masayang bati ko sa kanila. Natigil sila sa kanilang usapan at tila gulat silang lahat na napatingin sa'kin. "Bakit... ganyan kayo makatingin sa akin?" Curious na tanong ko sa kanila.

   "Ah Rhian, stay ka lang diyan. Pipicturan lang kita" Utos ni Chicken Man. 

   "At bakit naman?"

   "Basta" Tanging tugon niya at inihanda na niya ang kanyang camerang pangkuha ng litrato. "Ok, smile" Sinunod ko na lang yung sinabi niya. Pagkataos niya akong kunan ng litrato ay agad nilang tignan iyon. Tila gulat na gulat sila ng pagmasdan iyon.

   "Patingin nga" Sabi ko sabay lapit sa kanila.

   "Ah hindi pwede" Pagtaliwas ni Jenthrizsa sabay layo ng camera. Mas lalo akong naguluhan at nawirduhan sa mga kinikulos nila.

   "A-ano ba talagang nangyayare?" Naguguluhang tanong ko.

   "Ah Rhi-Rhi, this is your drink oh" Nakangiting alok ni Ashley sabay abot niya sa'kin ng baso. Tinanggap ko na lanh iyon at ininom. Pagkatikim ko pa lang ay agad ko itong idinura dahil hindi ko nagustuhan ang lasa. 

   "Pwe! Ano to? Bakit ang pangit ng lasa?" Tanong ko kay Ashley.

   "Aw!" Nabalin ang tingin ko kay Goldin ng humiyaw siya. Nakita ko na dumudugo ang daliri niya kaya agad ko siyang nilapitan upang alamin kung ayos lang ba siya. Pinagmasdan ko ang kanyang may dugong daliri. Tila kinakabahan ako habang tinitignana ito at parang natutuyo ang aking lalamunan. Binitawan ko ang kanyang kanay at agad na umiwas.

   "Confirm. Isa ka na ngang ganap na bampira, Rhian" Nakangising sabi ni Jenthrizsa. Nabaling ang tingin ko sa sinabi ni Jenthrizsa. "Now thay you're a vampire, I have to kill you" Sabi niya sabay tutok niya sa'kin ng kanyang baril sa ulo ko. Nabigla ako sa mga nangyayare. Paano ako naging isang ganap na bampira eh wala pa naman akong sinuunod na tradisyon nila? 

   "Jenthrizsa, stop! Put it down" Pag-awat sa kanya ni Ashley. "Take it easy, ok?" Pagpapakalma niya. Bumuntong hininga si Jenthrizsa at gigil niyang binaba ang kanyang baril. "Maybe she doesn't even know that she's now officially a vampire" Sabi ni Ashley.

   "Ano bang nangyayare? Bakit ba sinasabi niyo na isa na akong ganap na bampira? Isa lang akong Vrykolakas" Pangangatwiran ko.

   "Paano mo ieexplain ito?" Tanong ni Jenthrizsa sabay pakita ng camera. Yun yung kuha niya sa'kin. Laking gulat ko nang wala ako samantalang nung kinunan niya ako ay nakatayo ako diyan.

   "P-paanong.."

   "Sige, ngayon mo ipaliwang ang lahat. Bakit nang kinunan kita wala ka sa litrato? Yung juice, bakit mo dinura? At yung nagdudugong daliri ni Goldin nanh makita mo, bakit parang nauuhaw? Ngayon mo ipaliwanag sa amin ang lahat, Princess Rhian. Sige!" Pagsigaw niya sa akin.

DaggerWhere stories live. Discover now