18.(Promise) - Childhood friend

153 8 38
                                    

"Eh sino?" Sabi ko muli.

"Si.........Eunwoo" Sabi ni Eunha at tumango naman ako, bagay naman sila ni Yerin at mukhang mabait naman siya, cute siya...pero mas boto ako kay Sinb dahil meron pa kayong hindi nakikita sa kanya na nakita na namin. Makikita niyo kung paano siya magmahal, paano niya ibibigay ang lahat niya para lang sa minamahal niya, at kung paano niya nilalambing ang minamahal niya.

"Tara puntahan na natin si Sinb...baka ano pang gawin nun" sabi ni Eunha at tumango ako, pinuntahan namin si Sinb sa bar at alam namin yun dahil pag may malala siya ng problema doon siya pumupunta, nang makita namin siya umiinom siya habang umiiyak, sabi na nga ba eh! Nasaktan siya sa nakita niya kanina. Nilapitan namin siya at bigla niya ako niyakap.

"S- Sowon unnie....." yan lang ang masabi at the rest ay puro hikbi at iyak na ang isinalita niya saamin.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko at bigla niyang inalis ang luha na tumutulo ngayon sa mata niya.

"Una...hindi ko alam kung totoo bang tatay ko si Soo sung-jin" sabi niya then nagulat si Eunha.

"Si Sung-jin Pdnim?" Sabi ni Eunha at tumango si Sinb.

"Then second....nang makita kong nagyayakapan si Yerin at yung lalaki, at third....nang halikan ng lalaki ang noo ni Yerin" Sabi ni Sinb.

"Sinb....Si Eunwoo yun.....childhood bestfriend niya" sabi ni Eunha at tumango ako.

"Sinb umuwi na tayo....tignan mo! Nakakailang shot kana! Lasing ka na nyan!" Sabi ko them binitawan niya ang bote at sumama saamin umuwi syemore hinatid muna namin si Eunha.

Yerin's P.O.V

"So.....Buti dumating ka?" Sabi ko kay Eunwoo at nagsmile siya, actually hindi lang siya ang childhood friend ko...siya rin yung crush ko nung bata ako kaso umalis siya at pumunta ng canada nung magcoconfess ako, pero hanggang ngayon nandito parin yung feelings ko para sa kanya, pero paano si Sinb? Gusto ko siya..i like her...paano to.

"Yerin pwede bang maghang out tayo bukas?" Sabi ni Eunwoo at tumango ako. Tumayo ako at aalis sana nang hawakan niya kamay ko.

"Hatid n- na kita sa inyo...." sabi ni Eunwoo.

"Ha sa Dorm ako ngayon naka tira..." sabi ko then tumango siya.

"Hatid parin kita..." -Eunwoo

"Sige sabihin ko nalang direction" sabi ko at shet! Namumula ako.

"Yerin....after....2 days may sasabihin ako...." sabi ni Eunwoo sabay pasok ko sa kotse niya. Then nang pumasok siya...

"Bakit di mo na sabihin ngayon?" Sabi ko then bigla siyang namula.

"Tsaka na lang" sabi niya then hinatid na ako papunta sa dorm.

Eunha's P.O.V

( M O R N I N G )

Dumating ng maaga si Sinb dito sa dorm at di ko alam reason bakit, nang usap muna hangang sa bumaba si Yerin.

"Yerin unnie.....saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Ahhh mag hahang out lang kami ni Eunwoo...o! Nandito na pala siya byebye!!" Sabi ni Yerin but nagsalita si Sinb.

"Hindi mo ba alam na may pupuntahan tayo ngayon?" Sabi ni Sinb.

"Di muna ako sasama...." sabi ni Yerin then biglang pumasok si Eunwoo kaya napaupo nalang si Sinb, nang hawakan ni Eunwoo ang kamay ni Yerin kinuha ni  Sinb ang phone niya sabay alis sa dorm namin actually mas inunahan niya yung dalawa. Napatingin naman saakin si Yerin then binitawan ang pagkaholdimg hands ni Eunwoo.

PROMISE |  [SinRin] (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon