21.(Promise) - Can i?

163 7 34
                                    

( N E X T  D A Y )

"Sinb yah!!!!" Sigaw saakin ni Yerin sa likod. Nasa dorm pala nila ako ngayon dahil pinapasabi ni Eunha na bigay ko ang binake niyang cake kay Sowon eh sa kamalasan nga naman...nakita ko si Yerin na nakaayos, mukhang excited siya makidate sa Eunwoo na yun kesa sa makita ako.

"Ah....Sowon unnie!! Alis na ako!!" Sigaw ko at iniwan ko sa kamay ni Yerin ang cake kaso dahil medyo dumadating na naman karma ko sumabit hoodie ko sa bakal kaya di ako nakaalis.

"Sinb...ano bang problema mo?" Tanong niya. Actually ikaw! Ikaw problema ko Yerin!! Bakit ba di ko masabi na gusto kita?! Ang hirap parang natatakot akong masaktan!

"W- wala napopoop na kasi ako eh" -Sinb

"Bakit di ka nalang dito?" -Yerin

"Ah...namamahay kasi pwet ko eh!! Geh alis na ko!" Inalis ko yung hoodie ko sa bakal at tumakbo ng mabilis...mas mabilis pa sa sports car. Bumalik kaagad ako sa dorm namin at nakita kong nagaaway sila Jennie unnie at Seulgi unnie.

"Bakit ba pumapatol ka sa kai na yan??" -Seulgi

"Kasi mahal ko siya!! Ano bang pake mo?" -Jennie

"Bahala ka sa buhay mo! Malalaman mo rin ang totoo!!" -Sigaw ni Seulgi unnie sabay akyat sa kwarto niya.

"Ano na naman nagyari?" Tanong ko.

"Ayun di namin alam na may Bf tong si Jeniie na Ex ni Seulgi.." sabi ni Umji at napatango ako.

"Tao po!!" May sumigaw sa labas ng dorm namin kaya lumabas si Rośe unnie at ako naman ay napaupo sa upuan ko.

"Kumusta yung cake?" Sabi ni Umji saakin.

"Sucess naman...." Maikli kong sabi.

"Sinb!!!!" Sabi saakin ni Rośe habang may dalang letter.

"Ano iyan?" Taning ko.

"Letter para sa birthday party ng kapatid mo..." Sabay bigay saakin ng papel at tinabi ko sa tabi ng TV, wala ako sa mood na oumunta ngayon doon dahil tipon tipon na ang mga problema ko!! Kakabuwisit!!

"Sinb!!" -Hwasa

"Ano na naman unnie?!" -Sinb

"Nagtext saakin si Yerin sabi niya pasundo daw siya ng 12:00 PM" sabi ni Hwasa unnie at tumango nalang ako, kailangan ko rin sigurong magpahinga muna...

Joy's P.O.V

"SO IBIG NIYONG SABIHIN MAY KADATE SI YERIN?!" Sigaw ko sa mga alipin ko.

"Opo ma'am!!" Sabi ni Sehun

"BUWISIT!!! SINO? SI SINB BA?!" Sigaw ko ulit

"H- hindi po..." Sabi ni Kai

"Eh sino nga?!" Napasigaw narin si Eunseo.

"SI EUNWOO....AT MAY BALITA PO KAMING MAG CO- " -Chanyeol

"Magsibalikan na kayo sa pwesto niyo! Eunseo! Anong plano?" Tanong ko at bigla siyang tumayo sa pwesto niya.

"What if....kidnapin niyo si Eunwoo??" -Eunseo

"Pwedeng unique naman?" -Joy

"Kaibiganin natin? Then hangang sa mapasama soya saatin!" Sabi ni Eunseo at tumawa rin ako pero binatukan ko siya.

"Ano tayo? Friendly?! Sira ulo!" Sigaw ko at nahisip ng paraan kung paano namin makukuha ang Ex namin.

Yerin's P.O.V

Maaga akong umalis siguro mga sabijin nating 9:30 ng umaga kaso dahil sa traffic nakarating ako ng 11:49 doon.

"Yerin...ang aga mo?" Sabi ni Eunwoo.

"Ahh sige uwi muna ako at pagtime na balik ako ulet ha? " sabi ko ng sarcastically.

"Ito naman di mabiro...btw ang ganda mo" -Eunwoo

"Ikr!" Sabi ko then naghintay kami ng ilang minutes dito hangang sa magsalita si Eunwoo.

"So...! Sundan mo ako..." sabi ni Eunwoo at hinila kamay ko papunta sa garden, wow! Bastus? Wala man lang paalam? Agad agad?. Then nang makapasok kami sa loob ng isang room Wow! Ang ganda ng garden! Sobrang raming makulay na ilaw, malinis...maaliwalas. then kinuha niya ang blindfold sa bulsa niya, ano bang nangyayari? Akala ko kakain lang kami sa resto na to? Tsaka bakit may garden? Sobrang special naman ng restaurant na toh. At kanina pa kami naghihintay dito ah...inalis ko muna ng konti ang blindfold at chineck ko ang time at 12:00 na.

"Yerin tangalin mo na blindfold mo..." Sabi niya then tinangal ko ito at nakita kong may dala siyang flowers at binigay niya saakin yun at napangiti ako. Pakshet! Tumitibok puso ko!! Eunwoo naman eh! Bakit ba ang cute mo?? Then inayos niya sarili niya bago siya magsalita.

"Yerin.....will you be my..........." -Eunwoo

Sinb's P.O.V

"Oy! Sinb! Nakatulog kana diyan! Sunduin mo na si Yerin!!" -Sigaw ni wheein unnie saakin, grabe di man lang niya hinahan ng unti yung boses niya. Kinuha ko kaagad ang susi ng kotse ko at sumakay na dito, binilisan ko na ang pagdrive at wala na akong pake sa mga traffic lights nayun...kaso naalala ko may manghuhuli pala ngayon so huminto ako saglit sa red light at nagstretching ng unti dahil kakagising ko lang at mas malas ang tagal ng traffic light na yan!!! Bumusina ako ng bumusina kaso wala parin eh...

"Bakit ngayon pa!!!" Sigaw ko at himala naggreen yung light so nang makarating na ako sa restaurant. Bumaba ako ng at pumasok sa loob and hinanap si Yerin kaso di ko siya mahanap kaya nagtanong ako kung nasaan sila. Pagkapasok ko sa may bandang garden nakita ko si Eunwoo at Yerin.....but ang worst ang sinabi ni Eunwoo

"Yerin.......will you be my girlfriend?" Tanong ni Eunwoo. Yerin wag!! Pls lang!! Nagmamakaawa ako!

"Matagal ko nang pinipigilan ang feelings ko sayo...ngunit di ko kaya" -Eunwoo

"..." -Yerin

Nakatayo lang ako doon at pinapanood sila, the way na tumingin si Eunwoo kay Yerin...sobrang nakakaasar!

"So...can i be your boyfriend?" -Eunwoo

Tumahimik muna nang saglit at tunog lang ng nature ang naririnig ko hangang sa....

"Eunwoo........." Sabi ni Yerin at kinabahan ako.

"Uhu?......" -Eunwoo

"Yes.......!!" Sabi niya at doon nagsimulang gumuho ang mundo ko, kesa sa makita silang maghalikan or whatever umalis nalang ako at naglakad kung saan saan....hindi ko na sana pipirmahan eh! Nagiba desisyon ko kaso sa nakita ko...sobrang nasaktan ako!
At umalis ako sa resto ng luhaan...











Masaya ako dahil nahanap naniya ang taong magpapatibok sa puso niya habang buhay....







P.s : naedit ko na po! Kaya yung ibang part diyan ay..nagiba 😁

(Sa lahat po ng nanggigil diyan i feel you po!!😂😂😂 it's so the refreshing 😂😂😂 the affle😂😂)

PROMISE |  [SinRin] (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon