Dale's POV
"Badtrip kingina." She said sabay ngiwi nang maramdaman ang sakit sa panga niya. "lintik kung diko lang talaga pangarap mag pulis huh baka nasagot na kitang kalbo ka." Inis na sabi niya patukoy sa instructor nila sa criminology training.
Paano kasi isa siya sa pinag initan nito kanina, napatid pa siya nung tumatakbo sila tas ang sabi lang nito hindi daw sinasadya. Pakyu siyang kalbo siya, ni hindi man lang humingi nang paumanhin at sinabihan pa siyang wag tatanga tanga bwesit.
"What happen to you?"
Napalingon siya at agad pumormal nang makita si Edward na papalapit sa kanya, nasa garden kasi siya at naglalabas lang nang init nang ulo kasama na pagpapahinga. Bago paman siya makasagot ay nahawakan na nito ang mukha niya at napakunot noo ng makita ang pasa niya sa panga na tumama sa bato ng mapatid siya.
"What the hell, who did this to you?" Seryoso nitong sabi bago umupo sa tabi niya at may kinuha sa bag nito na malamig na mineral water at agad iyong itinapat sa may pasa niya. "I don't have an ice compact so ito muna." Sabi nito.
Hindi siya sumagot at tinitigan lang ito. Ang bango at gwapo lang talaga nitong tingnan sa suot na white polo at black slacks. Very neat and clean si kuya ganern.
"Bat ang hilig mong makipag away? Tsk sa apat na beses nating pagkikita ay isang beses lang kitang hindi nakita na may pasa o sugat at kahapon yun. Kababaeng tao napakabasagulero." Litanya nito na ikinasimagot niya.
"Hindi naman kasi ako nakipag away ngayon noh, pinatid kasi ako nang instructor namin at tumama ang panga ko sa bato kaya may pasa."she said. Bago iiwas na sana ang mukha nang hawakan nito lalo ang mukha niya.
"Stay still Entrata." Sabi nito kaya hindi nalang siya gumalaw. "You said pinatid ka? That's not good why not complain to the dean? He's an instructor he should not do that to his students. Do you want me to accompany you on complaining to the deans office?" Sabi pa nito.
Umiling siya bago hinawakan ang kamay nitong may mineral water bottle bago iyon ibaba. "Wag na, sasabihin lang nang kalbo na yun na its part of training at ako yung tatanga tanga. Plus ayaw ko na nang gulo, baka patawagin pa ang mga kuya ko." She said.
Bumuntong hininga ito bago tumango he then grab a small box inside his bag sabay bigay sa kanya. "Here eat this." He said.
Nagtatakang inabot niya iyon, one thing her Kuya Marco thought her is to never say no to a gift. Kahit ano pa iyon basta bigay sayo kailangan mong tanggapin at dapat magpasalamat dahil ibig sabihin nun ay naalala ka nang taong nagbigay nun sayo.
"Salamat." She said bago tiningnan ang maliit na box at agad napangiti nang makitang chocolate cupcake iyon na vanilla flavor ang icing. "Wahhh salamat Edward, sandali may ibibigay din ako." She said bago kinuha ang lunchbox niya.
She open it at agad pinakita ang sushi na isa sa mga inihanda nang kuya marco niya. "Ito oh kunin mo, yung sushi lang ha." She said.
Edward stare at her bago may maliit na ngiti na tumango. Bali anim ang sushi na nilagay nang kuya marco niya tas menudo at kanin may slices nang watermelon din.
"Thanks." Dinig niyang sabi nito kaya tumango lang siya at nagsimula nang kumain. Pero agad napatigil nang may maalala.
"Hala nadinig mo ba ang balita?" She ask humarap ito pero tinaasan lang siya ng kilay dahil busy ito sa kakanguya. "May tsismis ka ay mali tayo pala." She said sabay subo nang ulam habang nakatingin padin dito.
"Hmm anong tsismis?" He said bago dampot nang isa pa uling sushi sa baunan niya.
Nilunok muna niya ang kinain bago sumagot. "Mag jowa daw tayo."
Agad itong nabulunan na ikinataranta niya. Buti nalang may tubig ito at agad ding nahimasmasan. "What?"
Tumango siya bago kumain. "Hmm kalat nga sa school website eh." She said in between chewing her food.
Umiling ito bago inabot sa kanya ang tubig nito na agad naman niyang ininuman. "Don't talk when your mouth is full Entrata." Sabi pa nito kaya nag thumbs up siya dito. "But seriously sino namang walang magawa ang nagpakalat niyan?"
Nagkibit balikat siya bago kumuha nang watermelon. "Malay ko, mga adik na yun kaya pa kung titingnan ako nang mga babae sa school parang kakainin ako nang buhay. Sikat ka pala eh." She said bago kagat sa watermelon.
Oo na mukha siyang patay gutom pero shet gutom talaga siya mga bes tas ang sarap pa nang luto nang kuya niya. Isa pa ang pag kain ay isang distraction din para hindi siya matulala bigla dahil sa lalaking katabi niya na kanina pa umaalingasaw ang bango.
Nang hindi ito sumagot ay tumingin siya dito at agag napatulala nang makita itong may maliit na ngiti sa labi habang nakatitig sa kanya.
"B-bakit?" Namumulang tanong niya na agad niyang pinagsisihan nang madinig ang sagot nito.
"Ang cute mo pala."
-------------------------####-----------------------
Miridil Uwiii hahahhahahahaGabriel143
![](https://img.wattpad.com/cover/182765022-288-k736805.jpg)
BINABASA MO ANG
Opposite Attract
FanfictionShe is Astig, He is tahimik. She is basagulero, He is Mabait. She is always madungis, He is the Mr. neat and clean. magkaiba pero sabi nila bagay. magjowa? bah kung sasagot siya.