Dale's POV
"Here let me do that." Edward said sabay kuha nito sa sapatos niyang nilalagyan niya nang glue dahil nga natanggal ang swelas nito kanina.
Nasa tambayan silang dalawa dahil lunchtime naman at kanina pa sila tapos kumain. Pareho silang nakaupo sa damuhan at ito nga inaayos ang sapatos niya.
"Bakit kasi ngayon pa yan nasira. Nakakainis." Maktol niya bago pinabayaan ito at humiga nalang sa damuha. Bakit ba sa masarap lagi humiga.
"Nga pala sabi nina kuya punta ka daw sa linggo sa bahay, may pa liga ng basketball ang barangay namin at balak kang gawing myembro ng mga kuya ko." She said.
Tumango ito bago siya tiningnan. "Kasali ka?" He ask na nagpasimangot sa kanya.
"Ako ba iniinis mo ha edward? Kasi kung away ang gusto mo di naman kita aatrasan." She said na nagpahalakhak dito. "Kainis ka, babae ako ok? At san ka nakakita nang solong babae sa man's basketball?" Nakasimangot niyang sabi.
Ngumiti ito bago bumalik ulit ang tingin sa ginagawa at yun ay ang ipagdikit ang sapatos niya. "I'm sorry, you're just too cute when your pissed."
Kuyari ignore nalang siya sa sinabi nito, letse swabe magpafall ang koya niyo.
After him meeting her brothers ay naging close na ito sa mga kuya niya, he even visited their house three times already. Ok lang naman pero kasi pag umuuwi na ito ay walang tigil na pang aasar ang nakukuha niya sa mga kapatid. Buti nalang minsan slow tong si Edward at hindi gets ang mga salitang pang kalye nila.
"Here all done." He said bago ipakita ang sapatos niyang nadikit na nito.
Agad siyang tumayo at isinuot ito pero naka isang hakbang palang siya ay natanggal na agad ang swelas ng sapatos kaya halos mapaiyak siya sa kakatingin dito. "Expired ata yung glue eh." Naiiyak na sabi niya. Sino ba ang hindi eh malapit na ang time nila tas nakakahiya kaya mag lakad nang naka medyas lang.
Edward stand up at nagtaka siya nang ialis nito ang suot na sapatos bago siya tiningnan. "Wear my shoes then. Medyo malaki nga lang sayo." He said kaya napatingin siya dito.
Ganun nalang ang pamumula niya nang bigla itong lumuhod at ito na mismo ang nagsuot nang sapatos nito sa kanya. And when his finish ay nakuha pa nitong ngumiti sa kanya kaya napaiwas tingin siya.
"Let's go?" Sabi nito nang makatayo he then grab her shoes at ito na ang nagbitbit bago ito naunang mag lakad.
Hindi siya gumalaw instead she look at her feet at agad napalagat labi nang makita ang sapatos nito na suot niya. Paano ulit magpigil nang kilig?
"Dale."
Napaangat siya nang tingin only to see him looking at her. "B-bakit?" Nauutal na tanong niya.
Bumuntong hininga ito bago lumakad pabalik sa kanya, and before she could ask something ay hinawakan na nito ang kamay niya bago siya hinila sa tabi nito. "Malelate ka na." He said and without letting her hand go ay naglakad na ito bitbit siya.
Kitang kita niya ang mga gulat na tingin nang ibang estudyante sa kanya lalo na sa mga kamay nilang magkahawak at dahil naka medyas lang itong naglakakad sa hallway.
"Oh my look at them ang sweet."
"Girl how lucky can she get ba? Holding hands while walking ang peg and look bitbit ni fafa ed ang sapatos ni ateng."
"Aww hashtag couple goals bes."
"Sus di bagay."
Napalingon siya sa huling nagsalita pero inirapan lang siya ng babae na akala mo naman maganda. Kaya umirap din siya na ikinalaki nang mga mata nito hahaha.
"Dale."
Napatingin siya kay Edward, magtatanong sana siya nang makitang nasa tapat na pala sila nang classroom niya.
"Ahm sige salamat." She said at huhubarin na sana ang sapatos nito nang humigpit ang hawak nito sa kamay niyang hawak hawak pa pala nito. "Bakit?"
"Just wear my shoes for today. I still have a pair in my car." He said bago nito binitiwan ang kamay niya. Yumuko ito , "see you later, dale." He said bago ito kumindat sabay takbo paalis.
Anong nangyari? Bat may pakindat ang lalaking yun? Jusko ang marupok kung puso.
Kuyaaaaaaaaa
-----------####---------
Sorry kung hindi natuloy kahapon ang update, nasira ang cellphone nang ateng niyo. But anyway enjoy the update.Gabriel143

BINABASA MO ANG
Opposite Attract
FanfictionShe is Astig, He is tahimik. She is basagulero, He is Mabait. She is always madungis, He is the Mr. neat and clean. magkaiba pero sabi nila bagay. magjowa? bah kung sasagot siya.