Chapter 12

2.1K 227 52
                                    

Dale's POV

"Ano kasya ba sayo ang damit ni kuya Marco?" Tanong niya sa labas nang pinto nang banyo ng kwarto niya. She was talking to Edward na nagpapalit na ngayon sa loob dahil ang isa nilang banyo ay sira at inaayos na nga ng kuya Marco niya.

Kung nagtataka kayo bat siya andito sa bahay namin well nakita kasi namin siya ng mga kuya ko sa may labas nang 7/11 malapit dito sa bahay namin na mukhang inaayos ang kotse. Eh subrang lakas nang ulan kaya pinilit niya ang mga kuya niya na tulungan ito, which they did and they also ask him to come to their house nang sabihin nang kuya robi niya na yun si Edward.

"Bunso baba na kayo bago umuwi yan nang nakasaklay na." Sigaw ng kuya Donny niya napapadyak siya sa inis. Sino ba ang hindi eh wala naman silang ginagawa, tas nakabukas pa nga ang pinto nang kwarto niya.

"Oo na kuya, bababa na po." Ganting sigaw niya bago kumatok ulit sa banyo. "Oy ed mauuna na akong bumaba ha? Sunod ka nalang. Ano basta bilisan mo." She said bago nauna nang bumaba sa sala nila.

-------------------------

Edward's POV

When he felt that dale already left ay tsaka palang niya binuksan ang pinto nang banyo. A smile appear on his face nang makita ang kabuuan nang kwarto nito. Simple at walang ka arte arte. May studying table ito, kama at isang may kalakihang kabenit. Malinis at maaliwalas.

He was about to go out nang mahagilap nang tingin niya ang mga litrato sa ibabaw nang kabenit nito. It was her with her siblings na nakilala na niya.

"She was eleven on that picture."

Napalingon siya sa nagsalita only to see the eldest robi looking at him, humakbang ito palapit at gaya niya ay tumingin din ito sa mga litrato.

"Dale was only eleven when both our parents died in an accident." Sabi nito na nagpagulat sa kanya. "I was only eighteen that time, and as an eldest kahit mahirap hindi ako pinanghinaan nang loob na itaguyod ang mga kapatid ko. And in that picture, that's her first smile mula nang mamatay ang mga magulang namin." Sabi nito kaya napatingin siya sa lalaki nang maramdaman niya ang pag titig nito.

"Bakit?"

"Wala, naninibago lang ako na may ibang lalaki sa buhay nang kapatid ko maliban sa aming tatlo." He said bago ito tumalikod. "Tara, nakapag luto na si Donny dito kana mag hapunan." He said bago ito tuluyang lumabas.

He look at the picture one last time bago sumunod dito. Nang pababa na siya ay agad niyang nakita ang saya ni Dale habang nakikipag kwentuhan sa mga kuya nito. Kaya talagang nagulat siya nang malaman ang pinagdaanan nang magkakapatid.

"Come on Ed, kain na tayo." Marco said nang makita siya nito. Tumango siya bago umupo sa tabi nito at ganun nalang ang gulat niya nang makita ang madaming pagkain na nakahanda sa mesa. May isang plato nang sushi din na agad nagpatakam sa kanya.

"Kumain ka na, this is the first time na may bisita kami kaya naparami ang luto ko." Donny said. "Isa pa kaibigan ka ni Bunso kaya kumain ka na."

He look at dale pero agad itong umiwas nang tingin habang namumula, napangiti siya bago nagpasalamat at kumuha nang pagkain. Habang kumakain ay nakikinig lang siya sa kwentohan nang magkakapatid, at nalaman nga niyang puro professional na ang tatlo at may mga maayos na trabaho.

"Ikaw Edward anong kurso mo?" Napatingin siya kay robi na siyang nag tanong.

Nilunok muna niya ang kinakain bago sumagot. "I'm taking up medicine right now, I already finish my premed course and just studying to be a doctor." He said na nagpagulat dito.

Alam niya marami angnagugulat dahil nadin sa edad niyang aakalain mong gagraduate palang nang koleheyo.

"Wow, anong kinukuha mo ngayon?" Marco ask.

"Cardiology." He said at ganun nalang ang pagtataka niya nang mag tinginan ang tatlo sa kapatid na bunso na tila walang pakialam na kumakain lang. Napangiti siya nang mag angat nang tingin si dale at nagtaka kung bakit lahat sila nakatingin dito.

"B-bakit?" She ask.

"Bunso doctor nang puso pala itong si Edward." Marco said to dale habang may pilyong ngiti sa labi.

"Oh ano ngayon?" Dale ask pero kitang kita niya ang pamumula nang magkasalubong ang tinginan nila.

Magtatanong din sana siya nang sumagot si Robi.

"Edi marunong tong mag alaga nang puso."

At nabulunan si Dale.

-----------------------####------------------
Hahaha ok naaliw lang ako dito. This scene just pop out of nowhere hahaha kaya sinulat ko nalang bago ko makalimutan.

Gabriel143

Opposite Attract Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon