Chapter 1

2.7K 214 30
                                    

Dale's POV

"Wahhhh kuyaaaaaaaa." Sigaw niya habang papasok sa bahay nila. Nang makita niya ang kuya Robi niya ay agad siyang nagtago sa likod nito habang nakatingin sa isa pa niyang kuya na nakasimangot na nakatingin sa kanya.

"Ano na naman to bunso?" Sabi ng panganay nila.

Ngumuso siya bago tumingin sa kuya Donny nya. "Si kuya Donny kasi nambabatok na naman." Sumbong niya kaya napatingin tuloy ang panganay kay donny.

"Pano diko yan babatukan eh nakikipag barkada na naman yan sa mga tambay sa labas. Nakita ko pa yang humawak ng baso ng alak at kung di ako dumating baka uminom na yan." Donny said kaya masama siyang tiningnan ng kuya Robi niya.

"Kuya tikim lang naman, isa pa anong masama kung maging tropa ko sina pekto?" She said bago umupo sa tabi nito. "mababait naman ang mga yon kahit na mukhang mga adik. Isa pa 18 na ako kuya di na ako onse legal na akong uminom ng alak." After she said that ay agad nakalapit sa kanya ang kuya Donny niya at binatukan siya.

"Stop it Donny, wag muna alugin ang utak ni bunso. Maliit na nga yan baka lalong lumiit pa." Nakangising sabi ng kuya niyang pababa ng hagdan. Agad itong tumabi sa kanya at inakbayan siya. Bali nasa gitna siya ng kuya robi niya at ng kuya Marco niya. Habang nakapameywang naman ang Kuya Donny niya sa harap nila.

"Dale makinig ka, alam mong bawal ang uminom sa pamilyang to. Isa pa babae ka bunso, kahit magdamit ka ng panlalaki at magpagupit ka ng panlalaki babae ka parin. Pano kung pagtripan ka ng mga yun? Makakapatay kaming tatlo bunso pag may umagrabyado sayo." Robi said. "We just want what's best for you alam mo yan kaya sana makinig ka sa amin. Kuya mo parin kami Dale." Sabi nito kaya napatingin siya sa Kuya Donny niya.

After awhile ay tumayo siya at yumakap dito. "Sorry kuya." She said na tinanguan lang nito. Lumapit din siya sa kuya Marco niya at yumakap dito bago niyakap ang panganay nila. "promise kuya makikinig na ako at magpapakabait pa." She said sabay taas ng kanang kamay.

"Sus nag joke na naman siya." Marco said kaya napatingin siya dito. Nakangisi ito at agad na ginulo ang buhok niya.

"Bunso ilang pangako na ba ang sinabi mo na hindi natupad? Sa tigas ng ulo mo nako di na kami umaasa." Sabi nito kaya pinalo niya ito na ikinahalakhak ng huli.

"Kuya oh." Sumbong niya sa kuya Robi niya na nakangiti lang na nakatingin sa kanila.

"Stop teasing her Marco." Donny said bago ito tumingin sa kanya. "What do you wanna eat for dinner bunso?" Tanong nito.

"Fried Chicken." Tila batang Sigaw niya. Ngumisi ito bago tumango.

"Sige mag gugulay tayo." Sabi nito sabay talikod at siya namang tawa ng dalawang kuya niya.

"Kuyaaaa asar naman, ayaw ko nang gulay."

-----------------------------####-----------------------
Insight of what kind of sibling love they have.

Gabriel143

Opposite Attract Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon