Dale's POV
"Punta nalang kaya tayo ng ospital baks?"
She look at Paolo bago tumango, nadaplisan kasi nang bala ang braso niya after nilang makipagpalitan nang putok sa mga notorious na drug dealers na ilang araw din nilang tiniktikan. May nahuli sila pero mas marami ang nakatakas.
"May nabaril ba sa grupo na tin?" She ask paolo habang lulan sila ng kotse nito.
"Maliban sayo wala pero may tatlong dealers ang napatay nina santos." He said kaya bumuntong hininga siya.
Kung siya lang ang masusunod gusto niya munang dumeretso sa presinto pero namamanhid nadin ang kanang braso niya kung saan siya nadaplisan. Plus she knows Pao will be too stubborn kaya wala din siyang choice.
When they reach to the Hospital ay agad silang dumeretso sa Emergency room. Nakaupo lang siya habang inoobserbahan ang nurse sa paglilinis nang sugat niya while Paolo goes to front desk.
"Entrata."
Agad siyang napaangat ng tingin at nagulat to see Edward's face na punong puno nang pag aalala. After that night ay nagising siyang wala na ito, sabi ng mga kuya niya ay halos umaga nadaw ito umalis at sabing babalik daw pero pinatawag siya ng kapitan nila sa presinto at halos isang linggo ding wala siyang uwian at contact sa pamilya niya. So basically this is the second time she saw him after five long years.
"What happened?" He said matapos nitong paalisin ang nurse at ito ang nagpatuloy sa pag gamot ng sugat niya. "Damn kahit daplis lang to malalim parin." He said without looking at her.
While her eyes room around his face, ayaw niyang kumurap dahil baka mawala ito bigla. A smile appear on her face when she saw how handsome he is in his Doctor's uniform. Napakalinis nitong tingnan at nakadagdag kagwapuhan ang salamin nito sa mata.
"Stop staring babe, nadidistract ako." He said.
She laugh of what he say, bakit ba sa masaya siya na ito ang gumagamot sa kanya. Just like five years ago, gusto niyang titigan lang ito habang inaasikaso siya. Ang lakas ng tibok ng puso niya, walang pagbabago. Agad siyang napakagat labi ng turukan siya nito nang anesthesia bago sinulan ang pagtahi sa sugat niya.
Ganun nalang ang gulat niya nang matapos nitong tahiin ang sugat niya ay bigla itong yumakap ng mahigpit sa kanya. Kitang kita niya ang gulat na mga tingin sa kanila ng mga nurse at ibang doctor sa emergency room habang ang ibang pasyente naman ay curios ang mga matang nakatutok sa kanila.
"Damn it Dale, bat bigla kang di ma contact ha? Then makikita nalang kita dito sa Emergency room sugatan? Talaga bang habit mo ang masaktan ha?" Sermon nito bago hinawakan ang mukha niya. "I'm so damn worried when I didn't contact you this past few days. Kung hindi ko pa nakita si Paolo sa lobby diko pa malalaman na andito ka." He said bago siya hinila payakap dito, ang lakas ng tibok ng puso nito.
"Sorry." She whisper na nagpatigil dito. For few minutes ay ganun lang sila magkayakap sa ER at di alintana ang mga taong nanunuod sa kanila.
"Ok ka lang ba? May iba ka pabang sugat?" Maya maya ay tanong nito at bago paman siya makapagsalita ay sinuri na nito ang katawan niya na nagpapula sa kanya.
"A-ano ok lang ako. Ito lang sugat ko." She said bago hinawakan ang mukha nitong bakas parin ang pag alala. "Ed im ok. Daplis lang to." She said. "Ahm pwede naba akong umuwi?" She ask.
Bumuntong hininga ito bago tumango, he then help her get off the bed at todo alalay ito sa kanya habang palabas sila sa ER. "Ihahatid kita." He said kaya napabaling siya dito.
"Dadaan pa ako sa presinto."
Kita niya ang pagtutol sa mga mata nito pero di ito nagsalita instead ay tumango nalang. Wala siyang binayaran dahil kinausap nito ang billing area at di niya nadinig ang mga pag uusap ng mga to. When he got out ay agad silang nagtungo sa parking lot at inalalayan siya nito sa pagpasok sa kotse nito. When he get inside ay ito pa mismo ang naglagay ng seatbelt sa kanya bago ito nag focus sa pagmamaneho.
While looking at the window ay gusto niyang mapangiti, the silence they're having is comforting for some reason. Namiss niya ang ganito tipong walang usapan pero napaka comfortable nang atmosphere.
Agad siyang napatingin dito nang itigil nito ang kotse sa harap nang police station kung saan siya nagtatrabaho. He smile bago niya nakita ang pamumula ng tenga nito.
"I know where you work is." He said bago ito lumabas.
She shook her head at bago paman niya mabuksan ang pinto ay naunahan na siya nito. He then hold her hand at mas nauna pa itong maglakad papasok sa presinto. Gusto niyang mapayuko nang makita ang nagtatakang tingin nang mga kabaro niya habang nakatingin sa kanya at sa lalaking hawak hawak siya. When she look around ay nahagip nang tingin niya si Paolo na ang laki nang ngisi habang nakatingin sa kanya. Tsk talagang iniwan siya nito sa ospital.
"Entrata."
Agad niyang hinila ang kamay na hawak hawak ni Edward bago tumingin sa hepe nila.
"In my office now." He said bago ito tumalikod.
She bit her lips bago tumingin kay Edward. "Ahm dito ka lang, babalik agad ako." she said bago ito talikuran para sumunod sa hepe nila.
When she get inside ay agad siyang nagtaka nang makita ang ibang mataas na opisyal na nakatingin sa kanya. At gamit ang kaliwang kamay ay sumaludo siya sa mga ito.
"Sit down Entrata." Sabi ng hepe nila na agad niyang sinunod. "First of all we wanna congratulate you for a job will done today. And I wanna say this directly we would like to assign you in Mindanao after your leave."
"Leave po?"
Tumango ito. "Yes you need to heal up first bago ka sumabak sa trabaho. Tama na ba ang isang buwan na bakasyon sayo?" Tanong nito.
"Ahm hepe ok naman ako, kaya ko namang mag trabaho." She said.
"We know iha but we want you to take a vacation dahil naging matunog kana sa mga kalaban natin. We don't wanna loose a good police officer kaya sa ayaw at sa hindi magbabakasyon ka." Sabi nang isa sa malaking opisyal.
Kahit gusto niyang tumutol ay tumango nalang siya.
"And please think about our offer on assigning you to Mindanao, you can decline it but I would love to hear that you gonna accept it." Sabi pa nang hepe niya.
Tumango siya bago sumagot. "Pag iisipan ko po muna Sir." She said bago sumaludo sa mga ito and bid her goodbye.
When she got out ay sinalubong siya ng mga palakpak ng mga kasama niya habang ang iba ay pinupuri siya.
"Salamat." She said bago naglakad palapit kay Edward na nakatitig lang sa kanya. "Ahm ihahatid mo paba ako pauwi?" She ask.
Tumango ito kaya agad niyang kinuha ang backpack niya na agad nitong hinila para ito ang magbitbit.
"Ahm sige uwi na ako. Ano salamat." She said to her fellow police officers bago sumunod sa binata.
Papasok na sana siya sa kotse nang hinila siya ni Edward at agad na niyakap ng mahigpit.
"B-bakit?" She ask.
He look at her bago nito hinaplos ang mukha niya.
"I'm so proud of what you become Dale, way proud baby."
----------####---------
Hindi ko alam pero everytime na sinusulat ko ang kwentong to palaging kalma lang ang naiisip ko hahahahaha walang leptolelong ganern
Gabriel143
BINABASA MO ANG
Opposite Attract
FanfictionShe is Astig, He is tahimik. She is basagulero, He is Mabait. She is always madungis, He is the Mr. neat and clean. magkaiba pero sabi nila bagay. magjowa? bah kung sasagot siya.
