Dale's POV
Inis na sumalampak siya ng upo sa bench sa likod ng laboratory room. Tangna napagtripan na naman siya ng mga kaklase niya. Akala siguro ng mga gago na hindi siya lalaban, huh hindi siya pinalaki ng mga kuya niya para apihin lang ng kung sino.
Pero shet magagalit na talaga ang kuya Robi niya pag nalaman nitong nakipag away na naman siya at may pasa na naman ang mukha niya. Buti nalang walang nakakitang guro o mga tsimoso na magsusumbong agad sa dean kundi goodbye pag aaral na siya.
"Do you always get yourself into a fight?"
Gulat na napalingon siya sa nagsalita, at ganun nalang ang pagkabog ng dibdib niya ng makasalubong ng tingin ang lalaking gumamot sa kanya dati. Bagay dito ang purong puti na uniporme habang nasa balikat ang bag nito at nasa kanang kamay ang isang makapal na libro.
"Hey you ok?" Tanong nito sabay pitik sa harap niya na nagpakurap sa kanya.
Agad siyang tumango at umiwas ng tingin bago paman nito makita ang pamumula ng pisngi niya. Shet ito ba ang crush? Mga kuya ang lakas ng tibok ng puso ko. Sigaw ng isip niya.
"Let me see your wounds." Dinig niyang sabi nito bago ito umupo sa tabi niya.
Jusko lord ang bango ng lalaking to.
Before she could say something ay hinawakan na nito ang kamay niya at sinuri ang mga sugat na natamo niya. Hindi niya alam kung anong meron dito pero tila na engkanto siya sa pagtitig dito. Kitang kita niya ang kawalan ng ekspresiyon nito habang may bulak na idinadampi sa sugat niya na hindi niya alam kung saan nito nakuha.
"Next time pagalingin mo muna ang sugat mo bago ka makipag basag ulo. Tsk you're a woman, you should not involve yourself into fist fighting." Blangko ang mukha nitong sabi. Ganun nalang ang pagkurap niya nang magkasalubong ang mga mata nila ng umangat ang tingin nito.
Dug Dug Dug Dug Dug
Jusko naninikip na naman ang puso niya. Normal paba to?
"Are you ok?" Tanong nito sabay angat ng kamay nito at haplos sa pasa niya sa may panga. "Tsk of course you're not ok." He said bago ito yumuko at may kinuha sa bag nito.
Ramdam niya ang pamumula ng matitigan ang gwapo nitong mukha, shet Dale kalma. Tangna paano kakalma? Ang gwapo ni kuya shet. Sabi ng isip niya.
"Can you wait for me here for awhile?" Biglang sabi nito kaya napakunot noo siya. "I'll just get something inside the lab, anyway watch my things and Don't move." Sabi nito bago ito tumalikod at iwan siya.
Ni hindi man lang umabot ng tatlong minuto ay nakabalik na ito habang may hawak hawak na ice pack. Halos manginig siya ng hawakan nito ang mukha niya ay dahan dahang inilagay ang ice pack sa may panga niya. Ang lapit nito sa kanya.
"This well help para di mamaga tong pasa mo." Sabi nito habang nakahawak parin sa mukha niya. "Here hold it, may pasok pa ako." Biglang pasuplado nitong sabi ay bigay ng icepack sa kanya.
Ni walang salita na tumalikod ito pero bago paman ito makalayo ng tuluyan ay umarangkada na ang bibig niya.
"Sandali. Anong pangalan mo ulit?" Tanong niya.
Lumingon ito at sinalubong ang tingin niya. "Edward." Simpleng sagot nito bago tumalikod.
"Salamat." Habol na sigaw niya. Ni hindi man lang ito lumingon pero nakita niya ang pag taas ng kamay nito na hudyat na narinig siya nito na siyang nagpangiti sa kanya.
Puso kalma.
---------------------------####-------------------------
This is the last update the last time kaya ang expect a new chapter later hahhaha love lots
Gabriel143
BINABASA MO ANG
Opposite Attract
FanficShe is Astig, He is tahimik. She is basagulero, He is Mabait. She is always madungis, He is the Mr. neat and clean. magkaiba pero sabi nila bagay. magjowa? bah kung sasagot siya.