Chapter 8

1.9K 203 27
                                    

Dale's POV

"Shet ang talino mo pala." She said to Edward na ngayon ay nakaupo sa bench habang siya ay nakahiga sa may damuhan nang garden. Tapos na silang kumain at ito nga nagkekwentuhan nalang.

Literal na nagulat siya nang malamang nakapagtapos na pala ito sa unang kurso at nag aaral na ngayon para maging doctor. Hindi kasi halata akala nga niya nursing ang kinukuha nito dahil laging naka all white si Edward at laging may bitbit na first aide kit.

"Ikaw bat criminology ang kinuha mo? Madami namang ibang kurso na pepwede."

Ngumiti siya bago umayos nang higa. Ang applicable talaga nang uniform nang criminology, hindi hassle gumalaw dahil naka parang pantalon din siya at hindi saya. "Pangarap ko kasi to, bata pa lang ako nahilig na ako sa mga ma aksiyon na palabas. Tas yung tatay namin ito yung pangarap niya, di lang siya nakapag aral dahil sa kawalan nang pera dati." Sabi niya bago dumilat at tumingin sa langit. "Kaya ako nalang ang magtutuloy nang pangarap niya tutal naging pangarap ko narin naman. Ayaw nga ng mga kuya ko nung una, pero talagang pursigedo ako. Gusto ko talagang mag pulis kahit pa delikado to lalo na sa babaeng katulad ko."

"Hindi ka tomboy?" Gulat na tanong nito kaya dumilat siya at tiningnan ito nang masama.

"Eh kung sapakin kaya kita?" She said bago umirap. "Babae ako noh, yes kilos lalaki ako pero babae ako. Letse to." Nakanguso niyang sabi kaasar lahat nalang sila tomboy ang tingin sa kanya.

Tumikhim ito bago tumayo. "Sorry for that." He said then offer his hand infront of her. "Come on get up now, baka malate ka na."

Di na siya nag inarte at tinanggap ang kamay nito. He help her stand at agad siyang nag pagpag bago kinuha ang bag niya.

At gaya kahapon sabay silang naglakad papunta sa classroom niya nang tahimik, but this time hindi na sila subrang layo sa isat isa. He was walking next to her this time.

"Sige hanggang dito na lang ako." She said bago tumingin dito. Ngumiti siya "salamat nga pala sa cupcake kanina."

Nagtaka siya nang humakbang ito palapit lalo sa kanya. Halos manindig ang balahibo sa katawan niya nang yumuko ito at bumulong sa may tenga niya. "About dun sa sinabi mong tsismis na kumakalat sa atin. Hayaan mo nalang at wag bigyan pansin. Ang importante alam natin kung ano ang tama." He said bago umayos nang tayo.

At sa gulat niya ay ngumiti ito bago ginulo ang buhok niya. "Get inside now, bye." He said bago ito tumalikod at walang lingon na lumakad paalis.

"So kayo na nga?" Bungad agad na tanong nang kaklase niya sa kanya.

Umiling siya bago umupo sa upuan niya. Agad din siyang nag suot nang headphone para hindi na marinig ang mga sinasabi nang mga to tutal wala pa naman ang prof nila.

Tsk ang big deal sa mga to ang tsismis na kinasasangkutan nila ni Edward. Kaloka malay ba niyang binansagan palang prinsepe ng campus si Edward. Kalokohan nang mga babaeng makakita lang nang gwapo pasok na agad as popular sa university.

Eh gwapo naman talaga kasi si Edward bhe tas nalaman mo pang matalino. Sabi nang isip niya.

Bumuntong hininga siya bago itinapat ang kamay sa may bandang puso niya na kanina pa malakas ang kabog.

"Kalma lang, wag kang ma fall."

--------####--------
Gabriel143

Opposite Attract Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon