Chapter 11

2.1K 209 60
                                        

Dale's POV

"Ayos ka lang?" Tanong ni Elena kaklase niya. Pareho silang nakaupo sa sementadong sahig nang open court at kakatapos lang nilang mag push up.

Tumango siya. "Oo ngalay lang ang balikat ko." She said bago pumikit. Nakakapagod ang araw na to, peste bugbug sa ehersisyo ang katawan niya.

"Nga pala anong araw ang klase mo sa taekwondo?" Tanong nito.

"Lunes, huwebes at biyernes ang akin." She said habang nakapikit parin. Yes may taekwondo class din sila, required sa lahat nang criminology students. Though black belt na siya dahil high school pa lang ay pinag aral na siya nun nang mga kuya or mostly nang kuya Marco niya.

"Boyfriend mo palapit dito." Tila kinikilig na sabi ni Elena kaya dumilat siya at tiningnan ang tinutukoy nito.

It was Edward with his usual get up na all white, may kasama itong lalaki na singtangkad nito at parehong may mga bitbit na makapal na libro but only ed is the one with a paper bag. Nag uusap ang mga ito at hindi siya sigurado kung pupunta ito palapit sa kanila o dadaan lang.

"Shet ang snob prince at ang knight ay magkasama." Bulalas ni Elena kaya napatingin siya dito. Tila ito kinikilig habang nakatutok sa dalawang lalaki.

"Knight at snob prince?"

Gulat siya nitong tiningnan bago nagsalita. "Hindi mo alam? Yung jowa mo binansagan yang snob prince dahil sa dami nang magagandang bebot na nagpacute diyan eh walang pake yan. Pag nag hi ka naman eh dadaanan ka lang na parang hangin. Snob prince literal. At yang si Knight, well maliban sa knight talaga ang name niya eh bagay na bagay naman sa kanya. Mabait yan, tahimik lang din pero ilang ulit na yang may pinagtanggol na babae dito sa campus. Kaya ikaw ateng ang swerte mo, napa sa iyo ang isang prinsepe. Imagine mo naman ang gulat nang mga kababaehan dito nung makita ka nilang ngitian at kausapin ni Edward nung nakaraang linggo. Kaya kaw na talaga ganda mo friend." Sabi nito na nagpailing sa kanya.

Yeah week passed already mula nung mangyari ang moments nila sa ulan. At isang linggo nadin na hindi siya nag pupunta sa garden. Ewan ba niya pero umiiwas siya na makita ito o magkita sila dahil nababahala siya sa mga comments nang ibang estudyante patungkol sa kanya.

"Entrata." Dinig niya ang pag singhap ni Elena na siya ring nagawa niya nang makita si Edward na nakatayo sa harap niya. Nakatingin din sa kanila ni Elena si Knight na tila sila mga insekto na pinag aaralan nito.

"E-ed." She said bago tumikhim ."ahm bakit?"

Tiningnan siya nito bago buntong hininga na yumuko. "Lunch time na, come on." He said bago inilahad ang kamay sa harap niya na nagpasinghap ulit kay Elena.

Kahit ayaw niyang abutin ay tila may sariling buhay ang kamay niya na hinawakan ang kamay nito na agad din siyang hinila patayo. "Salamat." Namumula ang pisngi na sabi niya bago tingnan si Elena na ngayon ay nakatayo nadin na mukhang tinulungan ni Knight. "Ahm kakain na ako, gusto mong sumabay sa amin?" She ask pero agad itong umiling at sa gulat niya ay wala itong paalam na tumakbo habang parang kamatis sa pula ang mukha. "The heck."

"Let's go?"

Agad siyang napabaling kay Ed at tumango. She then grab her backpack at sumabay dito. Knight bid his goodbye bago ito naglakad papuntang cafeteria. While walking on the way to the Garden na naging tambayan nilang dalawa ay tahimik lang sila. Pero yung comforting na tahimik ha, hindi awkward ganun.

"Here." Agad na abot ni Edward sa paper bag na dala nito sa kanya. "I bake alot last night and I know you would like it." He said bago namumula ang tenga na umiwas nang tingin at umupo sa bench na agad niyang ginaya.

She check the paper bag at agad napangiti nang makitang mga cupcakes iyon. "Wahhh salamat ed." She said bago kinuha ang baon niya at ini offer ito sa lalaki. "Here get the sushi ako mismo gumawa niyan." Nakangiting sabi niya at nang tumingin ito ay tumango siya. "Malinis yan at masarap nagpaturo ako sa kuya ko." She said which is true naman.

Sa isang linggo na hindi niya nakakasama ang lalaki ay lagi din siyang may baon na sushi, she ask her kuya to teach her kung paano iyon gawin dahil kahit iniiwasan niya si Edward ay gusto niyang maging ready siya kung sakali na magkita sila gaya ngayon.

Nagpasalamat ito bago kumuha nang sushi habang siya naman ay nagsimula nang kumain, ang ulam niya ay pork adobo at may banana din siya para desert.

"Kamusta ka? It's been what? A week since we last saw each other." He sais kaya napatingin siya dito at tumango. "I'm always here every lunch time pero di ka pumupunta. So today ako na mismo ang nag punta sayo." Sabi pa niro bago siya tiningnan. "Tell me dale iniiwasan mo ba ako?"

Agad siyang nabulunan sa tanong nito kaya hindi ito mag kamayaw sa pagbukas nang tubig nito at ito pa mismo ang nagpainom sa kanya. "Sorry." Nag aalalang sabi nito.

Nang maging ok ay huminga siya bago ito tiningnan. "Ok na, tsaka oo umiiwas ako. Ang lala kasi nang mga sinasabi nang iba tungkol sa akin mula nang ma tsismis tayo. Ok lang sana pero yung iba bellow the belt na kasi kung makapang husga. Sorry ha, ang babaw ng rason ko." She said na tinanguan lang nito.

"It's ok at least nadinig ko ang rason mo." He said. "So tell me, iiwas ka ba ulit after today?" Tanong nito na agad niyang inilingan.

"Hindi na. Bahala nalang ang mga tsismosa diyan basta ba may cupcake ako lagi." She said na nagpangiti dito bago nito guluhin ang buhok niya.

Seriously sa isang linggong pag iwas niya dito hindi naman nakatulong dahil meron parin namang nasasabi ang ibang mga ka schoolmate nilang mga babae. Kaya bahala na nga, ignore nalang ang peg niya sa tsismis.

"Kumain ka na, para makapagpahinga ka." Sabi nito na masaya niyang tinanguan.

After eating ay humiga agad siya sa damuhan habang ito naman ay umupo sa tabi niya at ngayon ay nagbabasa nang medical book nito. They're just quite the usual, but it doesn't feel awkward or something.

"Dika matutulog?" Biglang tanong nito kaya napaangat ang tingin niya.

Umiling siya bago inayos ang pagkakaunan sa mga kamay niya. "Hindi, di naman ako inaantok gusto ko lang humiga. Nangangalay kasi ang mga braso ko."

Agad siyang umiwas ng tingin nang hindi ito sumagot instead ay tumitig lang ito sa kanya. "B-bakit?"

Dinig niya ang pag buntong hininga nito at bago paman siya makapagsalita ay ganun nalang ang gulat niya nang maramdaman ang kamay nito sa may noo niya pababa sa may buhok niya. Alam niyo yong hinahaplos ang noo pababa sa buhok ganern ang ginagawa nito.

"Get some sleep dale." Sabi nito bago tumingin sa librong binabasa habang ang isang kamay ay nakahaplos parin sa ulo niya. "Rest, namumula ka masyado."

Pesteeee

-------------------------####----------------------
Jusko itay bakit ka genyen. Hahahahaha

Gabriel143

Opposite Attract Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon