Chapter 16

2K 197 83
                                    

Dale's POV

"Seriously I don't see nothing special to her para gawin siyang girlfriend ni Edward. Eh mas maganda pa ako sa kanya eh"

Kanina pa siya nayayamot habang nakatingin sa tatlong babae na hayagan kung itsismis siya. Parehong naka all white ang mga ito yup a nursing uniform kaya bilib din siya sa mga effort ng mga to na magpunta sa balwarte niya para lang itsismis siya.

She was sitting infront at kasama niya ang dalawa niyang kaklase na may ginagawa sa likuran habang yung tatlo ay nasa may pintuan at may disgusto sa mga itsura habang nakatingin sa kanya.

"Miss di ba kayo titigil?" Tanong ng isang classmate niyang lalaki bago lumapit sa may pinto. "Tangna wala namang ginagawa si Entrata sa inyo ah? Tinatanong niyo kung anong meron siya na wala sa inyo? Pwes di siya tsimosa gaya niyong tatlo. Kababae niyong tao kayo pa naghahabol ng lalaki. Maawa kayo sa mga magulang niyo oi, pinagpa aral kayo para matuto hindi para lumandi." Dennis said bago ito bumalik sa likuran habang naiwan naman silang apat na babae na nakanganga sa inasta nito.

"H-how dare you say that?" Namumulang sabi nang babae sa kaklase niya bago ito bumaling sa kanya. "This is all your fault, kung hindi mo nilandi si Edward sana may chance kami sa kanya. Akala mo maganda ka? Pwes hindi, I bet na chachallenge lang sayo si Edward. Dapat mawa---."

"What are you doing here Espinosa?"

All of us look to the new comer at agad siyang napakagat labi nang makita si Edward na kunot noong nakatingin sa tatlong babae.

"I'm asking you, what are you guys doing here? As far as I'm concerned this is not your classroom. So answer me what are you doing here with your minions." He said na nagpasinghap sa tatlo, habang siya naman ay gulat na nakatingin lang dito.

"W-we just wanna see your girlfriend." Nauutal na sabi nung tinawag ni Edward na espinosa.

"Sinungaling, nagpunta ang mga yan dito para itsismis at lait laitin si Entrata. Kesyo hindi daw kayo bagay dahil mas maganda siya kay Entrata. Tangna nasaan ang ganda sa pagmumukhang yan?" Dennis said na ngayon ay nakahalukipkip habang nakatingin sa tatlo habang ang isa naman nilang kaklase ay tila inaantok na nakatingin lang sa kanila. "Magtapat ka nga Edward, naging girlfriend mo ba ang isa sa tatlong itlog? Maka asta kasi parang naging jowa mo ang mga to."

Edward shook his head bago siya tiningnan, ngumiti ito bago naglakad palapit sa kanya. And to her surprise ay hinalikan siya nito sa noo. "sorry for keeping you wait. May pinatapos kasi si prof sa akin." Sabi nito.

Hindi niya alam kung guni guni niya lang pero tila naging malambing ito sa kanya. "A-ano ahm ok lang." nauutal na sabi niya bago namumula ang mukha na umiwas nang tingin dito, at halos magdugo ang labi niya sa diin nang kagat niya don nang masulyapan nang tingin ang tatlo na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.

"Come on, lets have lunch already." Edward said bago kinuha ang bag niya. "You want me to carry you?" Tanong nito na agad niyang inilingan.

"Wag na, ahm kaya ko namang maglakad." She said bago inabot ang saklay niya para hindi niya magamit ang namamaga niyang paa. She look at her two classmates para sana mag paalam nang pareho lang na sumaludo ang dalawa sa kanya at nauna pang lumabas sa kanila. Habang inirapan muna siya nang tatlong babae bago umalis ang mga ito na ikinailing lang niya.

Opposite Attract Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon