Dale's POV
"Sino ang lalaking nagugustuhan mo Dale." Seryosong tanong ng Kuya Donny niya.
Kakauwi lang nila sa bahay after nilang magpunta sa hospital. At ito siya ngayon ginigisa ng mga kuya niya dahil nagmukha silang tanga sa hospital. Malay ba niyang ganun pala ang feeling pag nagkakagusto ka. Tsk isa pa unang kita gusto agad? Kalokohan ng doctor na yun.
"Dale." Kuya Marco said kaya tiningnan niya ang mga to.
"Eh kuya diko nga siya kilala. Isa pa unang pagkikita nga namin kanina dahil nilapitan niya ako at ginamot." Katwiran niya.
Bumuntong hininga ang mga to bago siya tabihan ng upo ng kuya Robi niya. "Ang sakit mo sa ulo bunso." Sabi nito kaya napanguso siya. "But I guess it's also our fault dahil dika namin hinanda sa ganito." He said bago siya hinila para yakapin ng patagilid. "Dalaga na ang prinsesa namin. Akala ko pa naman tibo ka talaga."sabi nito bago tumawa.
Inis na hinampas niya ang balikat nito. "Kuya naman eh, babae nga ako. Isa pa baka kinabahan lang ako ng subra dahil estranghero siya. Yun baka yun nga." Katwiran niya.
"Tsk basta Dale crush lang muna wag magjojowa. At kung magnonobyo ka, papuntahin mo muna dito ng mabalatan namin." Her kuya marco said bago nito ginulo ang buhok niya. "Tinakot mo talaga kami kanina bunso. Pero tangna nakakahiya yung pagkataranta namin kanina. Tsk wag na tayong magpa ospital sa hospital na yun kuya ha."sabi nito kay kuya robi na agad namang tumango.
She can help but grin upon remembering the scenario in the hospital. Her three brothers are literally in panic na agad hinila ng kuya Donny niya ang isang doctor at agad namang nag request ng heart monitor ang kuya Robi niya habang ang kuya Marco niya ay natatarantang tinanong ang doctor kung gaano kalala ang sakit niya sa puso at kung ilang araw o buwan siya tatagal. Hahaha so I guess they really made a scene.
Nabalik lang ang pag iisip niya ng may pumitik sa noo niya. It was Donny. "Sino na naman ang nakaaway mo?" Tanong nito.
Napakagat labi siya bago nag iwas ng tingin. Akala pa naman niya matatakasan niya ang mga tanong nito kung bakit siya may bangas.
"Dale?" Naiinip nitong sabi kaya agad siyang ngumawa na nagpagulat sa tatlo niyang kuya.
"Wahhh kuya diko naman sinasadya. Tsaka sila naman ang nauna kaya lumaban lang ako." She said. Bago hinarap ang kuya Robi niya. "Kuya pwede kabang magpunta sa school bukas?" She ask na ikinataas ng kilay nito kaya napakamot siya ng ulo. "Anak kasi ng isang prof ang nakalaban ko."
"Napuruhan mo?" Tanong nito kaya umiwas siya ng tingin.
"Ata?" She response. "Pero kuya dalawa naman sila tas mag isa lang ako. Kaya nga ako nasugatan dahil dalawa sila."
Kita niya ang pagpisil nito nang ilong. "Ano ba ang dahilan sa away niyo? Bunso first sem palang pero pangatlong beses ko na tong pagpunta sa school mo." Tila give up nitong sabi.
"Tinawag kasi nila akong tomboy."
"Bakit hindi ba?" Donny said kaya napaingos siya.
"Babae ako sabi." Inis na sabi niya.
"Bunso sa lakas mong manuntok at sa pagiging sakit mo sa ulo nako walang maniniwala na babae ka." Her kuya Marco said. "But what you did is good. Tama talagang pinag aral kita ng martial arts." Proud na sabi nito kaya agad itong binatukan ng dalawang kuya niya.
"Kaya ganyan yan dahil sinusuportahan mo." Donny said bago siya tiningnan. "Mag shift ka nalang kaya ng course."
Agad siyang umiling bago ito irapan. Tsk she take criminology dahil talagang ito ang gusto niya. Sa kanilang apat mas maton pa nga daw ang kurso niya kesa sa mga to. Her kuya Robi is working as a CPA , Kuya Donny is a Manager in the bank while her kuya Marco is a chief sa isang hotel. Pero pag nasa bahay, ang kuya Donny niya at Kuya Marco ang taga luto at siya ang taga hugas ng plato at tega laba ng damit nila.
"Ayaw ko yah. Ako pa mag aadjust para lang sa kanila. Tsk sila ang nambubully, malas lang nila dahil lumalaban ako." She said bago hinarap ang kuya Robi niya. "At isa pa kaya ko lang naman nasuntok ang mga yun dahil sabi nila mga panget daw tayong pamilya Entrata." She said.
Ganun nalang ang pag ngisi niya ng magtayuan ang mga to sabay lakad palabas ng bahay nila.
"Kuya saan kayo pupunta."
Kuya Marco look at her bago siya sinenyasang lumapit.
"Punta tayo sa school niyo bunso. Maghahasik kami ng kagwapuhan don. Kapal ng kalaban mo ha, tayo panget? Baka mas maganda pa ang pwet ko kesa sa mukha niya." Sabi nito sabay bulong sa kanya. "Nabali mo ang ilong?" Tanong nito kaya tumango siya na nagpangisi dito. "Good job bunso. Dahil diyan may mcdo ka sakin mamaya."
Now this is life
---------------------------####-------------------------
Gabriel143
BINABASA MO ANG
Opposite Attract
FanfictionShe is Astig, He is tahimik. She is basagulero, He is Mabait. She is always madungis, He is the Mr. neat and clean. magkaiba pero sabi nila bagay. magjowa? bah kung sasagot siya.