Chapter 21

1.9K 192 39
                                        

Short update dahil may gagawin pa ako.

---------

Dale's POV

"You look happy." Edward said na agad niyang tinanguan.

Who wouldn't be? All of a sudden kinakausap na siya nang mga kaklase niya at yung mga nakaaway niya dati ay nag sorry sa kanya.

"I'm happy to see you smiling ." She look at Edward at agad napaiwas nang tingin nang makita itong titig na titig sa kanya. Nasa garden na sila at hinahanda na nito ang mga baunan nila. "Maybe I should buy some groceries then send it to your house." Sabi nito.

"Ha? Bakit naman?"

Ngumiti ito at ganun nalang ang gulat niya nang subuan siya nito na agad niya ding kinain. Literal ang nganga niya when he start eating using the same spoon he use to give her a bite.

"Cause Marco also include my lunch here. So I should buy some grocery para hindi ko kayo maabuso." He said bago subuan siya ulit.

"Ano, ahm kaya ko naman kumain." She said.

Sa pagtataka niya ay tumawa ito, peste ang gwapo. "I know, but this is part of me courting you princess. Let me feed you, I'm enjoying it anyway. Now open your mouth and eat this." He said kaya no choice siya kundi ang kainin ang sinubo nito.

The whole time their eating ay tahimik lang sila, and everytime magkakasalubong ang tinginan nilang dalawa ay agad din silang iiwas nang tingin.

"Di ba sumasakit ang paa mo?"

Their done eating and now ay nagrerelax nalang. She wanna lay down on the grass pero tangina tinubuan siya ng hiya bigla.

"D-di naman. Tsaka iniinom ko naman ang gamot na bigay mo."she said at sa gulat niya ay bigla itong lumuhod sa harap niya. "O-oi anong g-ginagawa mo." Nauutal niyang sabi lalo na nung iangat nito ang paa niyang may pilay sa hita nito.

"Ichicheck ko lang." seryoso nitong sabi. At ganun nalang ang pagkagat niya sa labi nang haplusin nito ang ibabaw ng bandage niya. Jusko ikakamatay ko ata ang ginagawa ng lalaking to. "Di na siya masyadong maga."he said bago tumingin sa kanya at ngumiti na nagpasikdo ng puso niya. "Makakalakad kana ulit ng maayos in the next few days."

"O-oo ano tayo kana."she said bago ito hinawakan sa kamay at hinila.

Hindi niya alam kung napalakas ang paghila niya o sinadya nito pero ganun nalang ang panlalaki nang mga mata niya ng makitang halos ilang pulgada nalang ang layo nang mukha nito sa kanya. Kitang kita niya ang pagbaba ng tingin nito sa labi niya habang siya naman ay tila di makahinga lalo na nung dahan dahan itong lumapit pa. She was about to close her eyes when.....

"Oi bakla dito pala ang tagpuan niyo."

Agad niyang naitulak si Edward na gaya niya ay subrang pula ng mukha. Dinig niya ang pagtikhim nito bago ito huminga ng malalim. And when he look at her ay agad siyang napaiwas ng tingin bago naisipang huminga.

"Shet ka Pao mukhang naisturbo natin sila."

she look at the one who's talking at namula ng makita ang mga ngisi nina Paolo, Dennis at Elena.

"Dale."

Napabaling siya kay Edward at iiwas sana ng tingin nang hawakan nito ang mukha niya, he then trace his thumb on her lower lips bago ito bumitaw at ngitian siya.

"Soon." He whisper na dinig naman niya di lang niya na gets.

Ano kaya ibig sabihin niya sa soon?

-----------####----------
Jusko itay bilang punong hokage, you are now hired hahahahahaha

Gabriel143

Opposite Attract Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon