Chapter 28

2.1K 193 46
                                        

Dale's POV

Kagat labing nakatingin siya kay Edward na ngayon ay kinakausap ang isang pasyente. Yes nasa ospital sila ngayon dahil literal na binitbit siya nito papasok sa trabaho. After niya itong sagutin kanina ay ayaw na nitong mahiwalay sa kanya, tsk even until now na nagrarounds ito ay kasama din siya na ipinagtaka nang mga nakakasalubong o ng kasama nilang nurse ar doctor. She told him na sa clinic nalang siya nito mag hihintay pero di ito pumayag. Napaka clingy but she's loving it alot.

"Gwapo talaga ni Doc noh?"

Napalingon siya sa likuran niya at napakunot noo nang makita ang tatlong nurses na tila kilig na kilig habang nakatanaw kay Edward. Bali nasa may pintuan lang siya at hinihintay ito habang nakikipag usap ang huli sa mga pasyente.

"Tama, jusko ang bango tingnan at ang bait pa." Sagot naman ng isang nurse.

"Pero sabi may asawa na daw yan si Doc, nakita daw nang ibang nurse kanina na hawak hawak ni Doc ang kamay habang papasok sa clinic nito."

"Ganun ba? Eh wala namang singsing si Doc ah, baka fake news ka te."

"Sus fake news hindi ah madami ang nagsabi at nakakita. Tas kagabi sabi nang mga nurse na night shift pinaalis daw ni Doc ang isang nurse para linisin ang sugat nang babae. Tas after daw niyakap daw ni Doc, sabi nang iba yun daw ang asawa tas na confirm ngayon dahil nga dala dala ni Doc Ed ang asawa pagpasok kanina."

"Ay dinig ko yang kagabi. Sabi nabaril daw ang babae. Pulis kasi pero diko nalaman na asawa yun ni Doc."

"Ganun? Shet ang swerte niya kung ganun."

When one of the nurse look at her ay tila nagulat pa ito nang makitang naka tingin siya sa tatlo. "Ahm bakit po ma'am?" Tanong nito.

Umiling siya at sasagot na sana nang bigla niyang maramdaman ang isang kamay na yumakap sa bewang niya na ikinalaki nang mga mata nang tatlong nurse sa harap niya.

"May problema ba dito ladies?" Edward said at agad nag ilingan ang tatlo bago nagmamadaling nagpa alam na umalis habang siya ay napangiti nalang sa nangyari. "You ok babe?"

Isa pa yan, jusko di na nahiyang tawagin siyang babe o di kaya ay baby. Kaya hindi narin siya nagtataka sa mga tsismis na nadinig niya sa tatlong nurse dahil wala ata sa vocabulary ni Edward ang bawal ang PDA.

"Yup, naaliw lang ako sa mga kwento nang mga nurse dito. Tapos ka na?" She ask.

Tumango ito bago inayos ang buhok niya. "Yup, Im also done giving my assistant some instructions para ifollow up ang mga pasyente na kailangan ifollow up later. And I don't have a patient so date tayo?" Nakangiti nitong sabi kaya tumango na din siya.

Her heart is melting seeing him so happy. Kung siya man ang dahilan nang kasiyahan nito sana mapanatili niya ang saya at ngiti sa labi ng kasintahan. Edward intertwined their hands bago sila naglakad pabalik sa clinic nito.

"Dale."

Sabay silang napalingon nang biglang may tumawag sa kanya. And before she could react ay yumakap na sa kanya ang matandang babae. "Nay beth." She said.

"Jusko anak, bat di kana pumapasyal sa bahay namin?" Tila nanenermon nitong sabi.

Ngumiti siya bago bumitiw kay Edward para mayakap ang matanda. Nanay Beth and her Husband tatay Dante ay ang dalawang matanda na tinuring niyang kapamilya. When she was just starting as a police officer ay napalapit ang loob niya sa mga ito lalo na nung mahuli niya ang adik na anak nang dalawa. Their apo is only 20 years old at napasama sa mga masasamang barkada hanggang sa naging adik ito sa bawal na droga. Sa awa niya sa dalawang matanda ay lagi niyang pinapasyalan ang dalawa lalo na nung malaman niyang wala na palang ibang pamilya ang mga to maliban dun sa apo. The old couple are so nice to her that she grew fond of them. Tipong mga lola at lolo na niya ang mga ito. At kahit busy siya sa trabaho ay may inuutusan siyang tao para bilhan at ihatid sa bahay nang dalawang matanda ang grocery kada linggo. And even her brothers knows about them and they are even willing to take care of them pero ang dalawang matanda na ang umayaw. Dahil subra subra na daw ang naitulong niya para sa mga ito.

Opposite Attract Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon