Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3
Enjoy Reading!
3RD PERSON'S POV
the night before...
Isinarado ni Phobos ang pintuan ng apartment at nilibot ang tingin sa paligid, wala itong laman na kahit anong gamit pambahay. Lumapit siya sa gitna ang kumuha ng isang maliit na dagger mula sa bulsa at sinugatan ang daliri.
gumuhit siya ng simbolo sa sahig sa gitna ng apartment gamit ang kanyang dugo, sunod naman a sinugatan ni Deimos ang kanang sarili at pinatakan ng dugo ang simbolo pagkatapos ay dinikit nilang dalawa ang kanilang mga palad at may binulong.
Nagkaroon ng apoy ang simbolong kanilang ginawa at lumabas dito ang isang imahe ng isang tao ngunit hindi nito kita ang mukha, sabay silang yumuko bilang paggalang.
"Ama" sabay sabi nilang dalawa
"Ano ang nangyari?" isang malalim na boses ang nanggaling sa imaheng kanilang kinausap.
"The harpies found her" sagot ni Phobos na nakayuko pa rin. "Siguro ay naamoy nila ang dugo niya, namin. paumanhin"
Matagal na hindi sumagot ang taong nasa imahe, ngunit bigla itong sumigaw ng malakas dahil sa galit. The twins stepped back in fear.
"Hindi magtatagal ay malalaman ito ng mga kapatid ko at sigurado akong uunahan nila ako sa kanya." sabi ng lalaki sa imahe "kailangan niyo siyang bantayan ng mabuti. Patayin niyo lahat ng nilalang na magtatangkang kunin siya. Kailangan ko pa ng oras para maghanda"
"Pero ama," biglang sabi ni Deimos "Siya mismo ang nagsabi na ayaw niya, mukhang hindi rin siya magtatagal sa mundong ito at napakahina niya, hindi ko alam kung bakit napakaimportant--"
"Inutil!" pasigaw na pagputol ng lalaki, agad na yumuko si Deimos at humingi ng paumanhin "Nagpapanggap lamang ang babaeng yan. darating ang araw na babalik lahat ng nangyari sa kanya at wala siyang rason para tanggihan ang iaalok ko sa kanya. Dahil nung una palang, malaki na ang kasalanan ng mga kapatid ko sa kanya"
tumawa ng malakas ang imahe sa apoy, tumigil ito para titigan ang dalawa.
"Sundin niyo nalang ang iuutos ko sa inyo at manatili lang muna kayo sa mundo ng mga tao." May itinapon ang lalaki mula sa apoy at agad itong sinalo ni Phobos. Dalawang tableta na kulay asul.
"Dapat hindi malaman ng mga kapatid ko na nasa mundo kayo ng mga tao. Tatabunan niyan ang presensya niyo at mag-aanyong tao hanggang sa itinakdang oras. Wag niyong gagamitin ang mga armas niyo kapang hindi kailangan."
Pagkatapos ay biglang nawala ang imahe sa apoy at naiwang madilim ang loob ng apartment.
LUCY GONZALES
Humigop ako ng hininga at idinilat ang mga mata ko. Nilibot ko ang tingin ko at nalaman na nasa gitna parin kami ng sidewalk, Kunot noo akong tinitingnan ni Deimos habang hawak ako ni Phobos sa braso niya.
Bigla kong naalala ang nakita ko at mabilis na tumayo pero biglang umikot ang paningin ko kaya hinawakan ako ni Deimos sa braso at tiningnan ako ng masama.
"Wag kang tumayo bigla kagigising mo lang." sabi nia pagkatapos ay binitawan agad ako na para bang ang dumi ko. Kumunot ang noo ko.
"Bakit dumudugo ang ilong ko at nahihimatay pagkatapos? hindi naman ako ganito dati ah." sabi ko. Simula nung insidente sa oso at malapit na akong mamatay, pangalawang beses na akong nawawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)
FantasyCHILDREN OF OLYMPIANS SERIES #1 TAGALOG-ENGLISH Lucy Gonzales was a peculiar girl with the gift to see things that weren't there, she could see if a person will die minutes before their deaths, she could see visions of what was going to happen. Tina...