Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3
Enjoy Reading!
3RD PERSON'S POV
"Sa iyong pagkapanaw, ang iyong kaluluwa ay habang buhay na maglalakbay sa mundo ng nag-iisa. Iyan, ang iyong kaparusahan sa kasalanan na iyong ginawa."
Nagsisigaw si Lucy at napabalikwas ng bangon. Nagising siya na tumatagaktak ang pawis at kumakabog ang dibdib. Napatingin sa mga kamay niyang nanginginig at nilibot ang kanyang tingin. Umupo si Maia na nasa tabi niya at kinusot ang kanyang mga mata.
"Lucy okay ka lang? masama ba yung panaginip mo?" Inaantok na tanong ni Maia. Binalanse ni Lucy ang kanyang paghinga at umiling.
"Sorry Maia nagising kita, balik ka na ulit sa pagtulog magpapahangin lang ako."
hindi na hinintay ni Lucy ang sagot ni maia at lumabas ng tent. Maliwanag na ang langit at unti-unti nang sumisilip ang araw. Napayakap siya sa sarili nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang balat.
Tahimik ang kapaligiran at umuusok pa ang labi ng bonfire nila kagabi. Huminga siya ng malalim at umupo sa harap ng sunog na kahoy ng bonfire. Napasimangot siya habang nakatingin dito.
"Ako yung nanguha ng kahoy pero di naman lang ako nakaharap sa bonfire." bulong niya sa sarili.
"Bakit ka ba kasi hindi lumabas kagabi?" Nagulat si Lucy nang may nagsalita sa likod niya. Tumikom ang bibig niya nang makitang si Phobos ito, ngumiti ng tipid si Phobos sa kanya at umupo sa tabi nito.
"Masaya sila dito kagabi, nagkantahan at kwentuhan. Sayang hindi maganda ang pakiramdam mo" sabi niya. Hindi nagsalita si Lucy, alam naman niya na alam ni Phobos na nagsisinungaling lang siya kagabi.
Napatingin si Lucy sa tent na katabi ng tent nila ni Maia, nakabukas ang labasan ng tent at nakikitang tulog sa loob si Deimos at si Jeremy na nakayakap kay sa kanya.
Nahihiya siyang tumingin kay Phobos at binalik ang tingin niya sa kanyang mga kamay at pinaglaruan ang mga ito.
"Pasensya a na kahapon" panimula niya "Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin. Nafrufrustrate lang ako kahapon."
Umiling si Phobos at tumingin sa malayo.
"Hindi namin alam ni Deimos kung ano ang plinaplano ng aming ama. Nung una oo, wala kaming pakialam sa mga tao pero habang tumatagal kami dito doon ko napapagtanto kung bakit nahulog si Deimos sa isang mortal dati." sabi niya at tumingin kay Lucy.
"diyos kami pero may mga emosyon kami Lucy" nakangiting sabi ni Phobos "prutas kami ng digmaan, sanay kaming maligo sa dugo at pampalipas oras lang sa amin ang pagpatay. Pero hindi lahat ng oras ay gusto naming pumatay, hindi namin pinili na maging anak ng digmaan."
Binuhusan si Lucy ng pagsisisi dahil sa sinabi niya kahapon. Nanatili siyang nakayuko at nahihiya.
"Sorry sa nasabi ko sayo kahapon Phobos. Nag-aalala ka lang sa akin pero inaway pa kita" mangiyak-ngiya na sabi ni Lucy. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Phobos at ginulo ang buhok niya.
"Hindi lang naman ako ang nag-aalala sayo" sabi ni Phobos "Madaling araw na natulog si Deimos kakabantay sayo sa labas ng tent niyo, hindi rin siya sumali sa kantahan at sa tent mo lang tumambay. Apparently, may mga umaaligid na hindi taga mundo niyo."
Napalingon ako sa tent nina Phobos at nakitang nakaupo si Deimos at nakatingin sa kanila at parang naiinis. Nagkakalat din ang buhok niya at halatang bagong gising, marahas din niyang tinanggal ang braso ni Jeremy sa tiyan niya.
BINABASA MO ANG
Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)
FantasiaCHILDREN OF OLYMPIANS SERIES #1 TAGALOG-ENGLISH Lucy Gonzales was a peculiar girl with the gift to see things that weren't there, she could see if a person will die minutes before their deaths, she could see visions of what was going to happen. Tina...