CHAPTER 15: Slapping a King

947 66 0
                                    

Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3

Enjoy Reading!

LUCY GONZALES

We were actually looking at the living King Minos. The very first king of Crete, well at least that's what is written in the book. Nakaluhod pa rin si Theseus sa harapan niya at nakatutok ang mga espada sa kanya.

Mabilis na tumakbo si Ariadne papunta sa ama niya at nag-aalalang tumingin kay Theseus. 

"Ama! bakit mo tinututukan si Theseus?" galit na sigaw niya sa kanyang ama. Humikab lang ang Hari at hindi pinansin si Ariadne, binalik niya ang tingin niya kay Theseus.

"Sabihin mo, paano ka nakalabas? nasaan ang iba mong kasamahan?" tanong niya dito. Dahan-dahang inangat ni Theseus ang kanyang ulo at tiningnan ng masama si Minos. Nagtiim ang panga ni Theseus at kinuyom ang kamao nito.

"Isa kang hangal!" Sinigawan niya ang hari. Nagulat ang hari at malapit nang mahulog paatras ngunit mabilis siyang sinalo ng mga alalay niya sa likod. Tinadyakan siya ng isang kawal kaya bumagsak siya sa lupa. 

Tumayo ang hari at sinenyasan ang mga kawal. Mabilis na pumunta ang mga kawal sa gilid niya at tumayo sa dalawang linya. Lumapit siya kay Theseus at inapakan ang likod nito. 

"Sabihin mo sa akin, paano ka nabuhay?" galit pero kalmadong tanong niya kay Theseus. Walang nagawa si Ariadne kundi manuod lang sa isang gilid,sinubukan niyang tumakbo kay Theseus ngunit pinigilan siya ng mga alalay ng kanyang ama.

Tatakbo na sana ako palapit pero hinawakan ni Deimos ang braso ko, lumingon ako kay Phobos para manghingi ng tulong pero inilingan niya lang ako. Paano nila nasisikmura ang manuod lang? Isang hari ang inaabuso ang kanyang kapangyarihan at sinasaktan si Theseus pero wala kaming magawa.

"Pinatay ko" sabi ni Theseus gamit ang isang maliit na boses. Parang nabingi ang Hari at tinanong ulit siya. Napairap ako, ako nga na malayo narinig 'yon, siya pa kaya.

Inangat ni Theseus ang paningin niya at ngumisi "Pinatay ko ang pinakamamahal mong laruan!" sigaw niya. Gulat ang ekspresyon ng hari ang biglang namula ang mukha nito, napuno ng galit ang kanyang mga mata at kinuha ang espada mula sa isa niyang kawal.

Bago pa niya masaktan si Theseus ay tumakbo ako palapit.Nabigla sina Phobos at Deimos at humabol sa akin. Bago pa ako makalapit, tinutukan ako ng mga espada ng kanyang mga kawal.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na puno ng pagtataka. Sinenyasan niya muli ang kanyang mga kawal at pumunta ito sa gilid. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya at marahang yumuko. Tiningnan ako ni Theseus ng pagtataka, nakadapa parin siya sa lupa pero wala na ang paa ng hari sa likod niya.

"Sino ka?" biglang tanong ng hari sa akin. Ngumiti ako sa kanya at yumuko ulit. 

"Pagpasensyahan niyo na ang kasuotan ko dahil kalalabas lang din namin mula sa Labyrinth" Binigyan ko siya ng napakatamis ng ngiti. Ikinagulat niya ito at binalik ang tingin kay Theseus pagkatapos ay tumingin ulit sa akin.

"A-ano ang ibig mong sabihin?" nagtataka niyang tanong "Wala akong maalala na ganyang kasuotan" 

"Narinig ko, ikaw ang pinakamatalino at pinakamalakas na tao dito kaya ikaw ang naking pinakaunang hari" puri ko sa kanya. Kumunot ang noo niya pero tumikhim at mukhang nakuha sa sinabi ko.

"Tama ka diyan, ako ang nagpatayo ng Crete upang ito ang maging pinakamalakas na nasyon" sabi niya na puno ng kayabangan. Inayos pa niya ang kanyang suot upang ipakita ang mga nakakasilaw niyang mga alahas.

Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon