Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3
Enjoy Reading!
LUCY GONZALES
"So ano ang una mong ipapagawa?" tanong ko kay Hades. Hindi siya sumagot pero may binigay siya sa akin na papel binuksan ko ito at may listang nakasulat.
1. Bring back Cerberus from the human world.
2. Find and bring Icarus' wings; and
3. Harvest a Pomegranate from Demeter's Sacred Garden
Kumunot ang noo ko. Ang alam ko lang ay ang Cerberus, the three headed dog that guards the gates of the underworld pero hindi ko na alam kung sino si Icarus at kung saan mahahanap ang Garden ni Demeter.
Nanlaki ang mga mata ko, kaya pala nakapasok kami dito ng walang kahirap-hirap. Wala pala si cerberus na nagbabantay.
"Nasa mapa ang mga lugar na dapat ong mapuntahan para mahanap ang iba" sabi ni Hades. "Good luck and stay alive"
--
"Lucy are you sure this is safe?" nag-aalalang tanong ni Jeremy. Nakatayo kami sa gitna ng sala, dala ko an bag ko at kanina pa pinapaliwanag sa kanya ang sitwasyon. Naririndi na ako sa kakatanong at pagpapaalala niya, he was the mom I never had.
"Jeremy, oo nga. isa pa, kasama ko sina Deimos at Phobos" pang anim ko nang sabi sa kanya. Huminga siya ng malalim. Agad naman siyang nilapitan ni Maia.
"Jeremy, you should calm down. We shouldn't underestimate them, they are different from us" pagpapaliwanag ni Maia sa kanya.
I appreciate Maia for understanding and believing in something that she can't see. Nung pinaliwanag namin sa kanya ang nangyayari ay hindi siya naghysterical pero pinilit niyang intindihin kung bakit ito nangyayari sa akin, sa amin.
"Pero ikaw Lucy, be careful. Hindi mo alam kung ano ang meron sa mundo nila" sabi ni Maia at niyakap ako ng mahigpit.
"Okay na ba?" sabi ni Phobos nang makalabas siya sa kwarto. Sumunod sa kanya si Deimos na mukhang naiinis. Kumunot ang noo ko, bakit ba inis nanaman ang isang 'to?
Nagulat kami ni Phobos dahil mabilis ang recovery ni Deimos at nagising siya ka agad. Nung una hindi siya makapaniwala na nalason siya ni Lamia. Pinagalitan din niya ako at sinigawan nung nalaman niyang binenta ko kay Hades ang kaluluwa ko.
"I never asked for your help!"
sabi niya kanina, umirap nalang ako. Hindi ako magpapaapekto sa mga sinasabi niya at hindi ko na siya papatulan.
"Okay na ako" sabi ko. Padabog na lumabas si Deimos dala ang kanyang bag at inirapan ako nang dinaanan niya ako. Sasabog na ako sa inis pero pinabayaan ko nalang. Hindi pa masyadong bumabalik yung lakas niya pero pinilit siya ni Phobos na bumiyahe.
"Pasensya ka na sa isa 'don, galit parin siya dahil hindi niya tanggap na tinalo siya ni Lamia na isang babae at niligtas mo siya, na isa ring babae" pagpapaliwanag ni Phobos sa akin.
I scoffed, that dude is really childish. Yumakap ako kay Jeremy at Maia na uuwi na sa kani-kanilang bahay at kami naman ay pupunta sa una naming misyon.
--
Ayon sa mapa, pupunta kami sa isang probinsya dahil nandoon ang Cerberus ni Hades. Napatitig ako sa mapang binigay ni Hades sa amin, makaluma at naninilaw itong papel na may linya kung saan kami dapat pumunta at may tuldok na gumagalaw, pinapakita nito kung nasaan kami kasama ang mga landmark na malapit dito.
BINABASA MO ANG
Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)
FantasyCHILDREN OF OLYMPIANS SERIES #1 TAGALOG-ENGLISH Lucy Gonzales was a peculiar girl with the gift to see things that weren't there, she could see if a person will die minutes before their deaths, she could see visions of what was going to happen. Tina...