Chapter 22: Fear's little Human

794 59 3
                                    

Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3

Enjoy Reading!

LUCY GONZALES

"So apparently, wala kayong matutuluyan kasi you got kicked out of your apartment without notice at ngayon wala kayong mapuntahan?" pagkukumpirma ni Maia sa pagpapaliwanag ko sa kanya.

Napatango naman ako. Nilunok ko ang pride ko dahil wala na kaming ibang mapupuntahan, walang oras para maghanap ng bagong matitirhan at walang pera para maghotel. Naubos ang pera namin sa pagrerenta ng pick up truck para sa mga gamit namin.

"myghad Lucy bakit di mo nalang ako tinawagan? I would've sent my driver to pick you up!" sabi niya habang tinitingnan ako gamit ang nakakaawang ekspresyon. 

Bigla kong naalala ang nangyari kaninang madaling araw. Ano kaya ang sinabi ni Deimos sa kanya? Tumugon ba si Deimos sa halik niya?

"Maia, it took me courage to take us here. How could we expect na susunduin mo pa kami? masyadong makapal na ang mukha ko kapag ginawa ko yun." pagpapaliwanag ko sa kanya. 

"Woah! grabe Maia ang laki ng kusina niyo!" napalingon kaming dalawa nang lumabas si Phobos mula sa kusina at maliwanag ang mukha. "Ibang-iba sa bahay!"

"Pwedeng mong gamitin yung kusina kung kailan mo gusto" nakangiting sabi ni Maia kay Phobos. Nanlaki ang mga mata ni Phobos.

"Talaga?" namamangha niyang tanong. Kumunot ang noo ko at pinandilatan si Phobos, sana naman hindi gumaya kay Deimos na walang hiya.

"Oo naman, ako bahala kay Lucy" sabi ni Maia, lumingon siya sa akin at kinindatan ako. Ngumisi si Phobos at tumakbo pabalik sa kusina.

"Mabuti pa tv nila malaki" napalingon ako kay Deimos na nakahiga sa sofa, hawak ang remote at nanunuod ng TV. Ngayon ko lang din napansin na nakalatay ang mga paa niya siya hita ko.

Inis ko itong tinanggal kaya tiningnan niya ako ng masama. Umupo siya at padabog na kinuha ang unan sa tabi ko at niyakap ito.

"Para ang nag-aalaga ng mga pasaway na bata" natatawang sabi ni Maia. Huminga ako ng malalim at napasapo sa noo.

"Wait till you get to live with them. You wouldn't even know that they're greek gods. They're better at being human than me."

--

Napasandig ako sa upuan at tinanggal ang glasses na suot ko. Minasahe ko ang templo ko dahil sa sakit. Malapit na akong matapos sa first draft, edit at revision nalang pero alam ko naman na mas masakit pa sa pagsusulat ang pageedit at pagrerevise.

Sinara ko ang laptop at kinuha ang water bottle sa tabi nito at ininom kung ano ang natitira. Tumingin ako sa cellphone ko, alas tres na pala ng umaga. Kailangan kong magising ng maaga para magpalit ng drachma at makahanap kaagad ng matitirhan dahil nakakahiya kay Maia, ayaw ko naman na maabutan kami ng daddy niya dito.

Napalingon ako sa sahig at pinagmasdan ang dalawang lalaki na mahimbing na natutulog. I didn't even know that gods sleep. Tumayo ako at nag-inat at naglakad papunta sa kama. 

Pinagmasdan ko ang kwarto, ang laki nito para sa guestroom, singlaki na ng apartment na tinirhan ko. may sarili pang banyo at wardrobe, grabe ang yaman talaga ni Maia. Kahit na pagpasok na pagpasok namin kanina bumungad kaagad saamin ang naglalakihang chandelier.

Umupo ako sa kama at hinimas ang malambot na bedding ng kama. Nagbuntong hininga ako at humiga, nahanap ko ang sarili ko na nakatitig sa kisame. Di nagtagal ako tumagilid ako at tiningnan ang mukha ni Deimos na natutulog, nakatagilid din siya at sumisiksik ang katawan niya sa higaan ko dahil halos sakop ni Phobos ang buong foam nilang dalawa.

Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon