Chapter 14: Heroes still Fall

961 70 1
                                    

Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3

Enjoy Reading!

LUCY GONZALES

Dahan-dahan akong naglakad papasok ng daanan. Nauuna si Phobos sa akin na mahigpit ang hawak sa kanyang dagger. Hindi ko maitindihan kun bakit pinaggagawa ko ang lahat ng ito. Nanginginig ako sa takot. 

Biglang bumalik sa akin ang mga alaala ng mga nangyari ng mga nakaraang araw. Simula ng dumating sila sa buhay ko, araw-araw hindi normal, araw-araw pakiramdam ko nanganganib palagi ang buhay ko. 

Habang humahakbang kami palapit sa kamatayan bumabalik lahat ng mga desisyong ginawa ko at nagtataka kung tama ba 'tong ginagawa ko. 

Biglang tumigil si Phobos sa harapan ko at hinarang ang braso niya sa daanan. Tiningnan ko siya, nakita ko sa repleksyon ng mga mata niya at paggalaw ng isang napakalaking halimaw na nakatalikod mula sa amin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Phobos na walang ginagawang ingay. Sa kabilang dako naman, si Theseus at Deimos ay dahan-dahan ding naglalakad palapit sa Minotaur at pinapalibutan ito.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang prinsipe mismo ng kabilang bayan ang napili para isakripisyo, si Theseus, ang anak ng Haring Aegeus. Dahil sa dungis at itsura niya hindi ko malalaman na prinsipe pala siya.

"Dapat makuha namin ang pakpak ni Icarus at makatakas dito" sabi ni Phobos kay Theseus. Biglang tumawa si Theseus at tiningnan kami na para bang nababaliw.

"Oo, hindi kayo normal na tao pero wala pang nabubuhay sa pakikipaglaban sa halimaw na yon" sabi niya, kuminang ang mga mata niya habang sinasabi niya iyon, parang may masasamang alaala na ayaw niya nang balikan. "lahat ng sumubok na patayin yang halimaw na yan ay namamatay lang."

"Nasubukan mo na ba?" tanong ko sa kanya. Nagulat siya sa tanong ko ngunit biglang dumilim ang ekspresyon niya.

"Sinubukan namin ng mga kasamahan ko" sabi niya at napangiti ng mapait "Pero ako lang ang nakatakas, lahat sila namatay."

"Kailangan namin ang tulong mo" sabi ko sa kanya. Nawala ang ngisi sa mga labi niya at tiningnan ako ng masama.

"Wala kayong maasahan sa akin. Mamamatay lang tayong lahat" sabi niya at tumayo. Naglakad siya palayo pero hinabol ko siya.

"Kaya namin" sabi ko sa kanya "sinisigurado ko sayo, malalakas 'tong dalawang kasama ko at may plano ako" 

"Hindi mo ba naiintindihan? sabi ko, ayoko. Hindi ako papayag" sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. "Kayo nalang mamatay kung gugustuhin niyo."

"Ayaw mo bang ipaghiganti ang mga kasama mo?" pasigaw na sabi ko sa kanya. Bigla siyang napatigil sa paglalakad pero nakatalikod pa rin sa akin. "ayaw mo bang matigil ang tradisyon? kung hindi mo tapusin ngayon, mangyayari lang ulit 'to sa mga iosenteng tao pagkatapos ang pitong taon!"

Ang plano ay habang kinukuha namin ang pakpak, si Deimos at Theseus ang bahala a Minotaur kung sakaling may mangyari. Naglakad kami sa gitna ng Bilog na espasyo at kinapa ang sahig. Hinahanap ko yung pinindot ng matanda na makakapagpabukas sa daanan pababa.

"Ang talino ni Daedalus para ilagay dito ang pakpak ng anak niya" bulong ni Phobos habang naghahanap pa rin. Natigilan ako nang maalala ang nakita ko.

"Teka" sabi ko kay Phobos. Kinapa ko ang sahig, may maninipis na linyang nakaukit papunta sa isang maliit na butas na napapalibutan. "Nakita kong pinatakan ni Daedalus ng dugo ang sahig bago ito bumukas."

Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon