Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3
Enjoy Reading!
3rd PERSON'S POV
Naglakad sila papunta sa sira-sirang kubo. Hindi na ganoon kalakas ang ulan ngunit delikado pa ring magpatuloy sa dilim. Hindi rin nila alam kung may madadaanan pa ba sila.
Nakatingin si Deimos sa likod ni Lucy na nakapasan sa likod ni Jeremy habang nakatingin naman sa gilid ng kanyang mukha si Maia na nakapasan din sa kanya.
Ramdam ni Maia ang init sa likod ni Ares at tahimik na napangiti ngunit nawala ito nang mapagtanto na kay Lucy lang ito nakatingin.
Hindi naman umiimik si Lucy. Hindi niya mawala sa isip niya ang pagbitaw sa kanya ni Deimos, binitawan siya ni Deimos para tulungan si Maia. Kung hindi dumating si Jeremy ay siguro tuluyan na siyang nahulog sa bangin. Mas siniksik ni Lucy ang kanyang mukha sa leeg ni Jeremy para pigilan ang mga luha.
Hindi niya mapigilang ikumpara ang kanyang sarili kay Maia. Iniisip niya na siguro hindi tinuloy ni Deimos ang halik dahil naalala niya si Maia. Sumikip ang dibdib ni Lucy habang iniisip iyon, sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nagsimula siyang magkagusto sa hindi tao.
Nakarating sila ng kubo. Sira-sira na ito pero maaari pang masilungan, madilim at walang nakikitang kahit ano. Maingat na binaba ni Jeremy at Deimos ang mga babae sa upuan na nasa gilid ng kubo.
Kinuha ni Jeremy ang bag niya at may kinuha mula dito.
"Deimos subukan mo ngang maghanap kung may tuyong kahoy na pwede nating gawing bonfire." sabi ni Jeremy at ginuha ang posporo. Hindi umimik si Deimos at naghanap ng pwede niyang mahanap.
Nang makagawa na sila ng apoy ay sabay-sabay silang umupo sa harap nito. Walang nag-usap at walang nag-imikan, nanatiling nakatulala si Lucy sa harap ng apoy at nanatiling nakatitig dito.
Napansin ni Deimos ang sugat nito sa katawan at lumingon kay Lucy.
"Tanggalin mo yung damit mo, gamutin natin sugat mo" sabi niya ngunit tiningnan siya ni Lucy nang walang emosyon sa mga mata.
"Wag na. Hindi na kailangan, gagaling din naman ito agad. Si Maia nalang atupagin mo" malamig niyang sagot kay Deimos.
Nagulat silang lahat sa inasta ni Lucy. Kahit kailan hindi pa nila narinig si Lucy na ganon ang pakikitungo kay Deimos. Hindi nagsalita si Deimos at napatingin lang sa kanya.
May kinuha si Jeremy sa bag niya, isang kahon ng band aid. Kumuha siya ng isa at kinuha ang kamay ni Lucy.
"Sabi ko hindi na kailangan" inis niyang sabi kay Jeremy pero hindi ito nagpatinag.
"Wag kang magreklamo, kahit na hindi ka normal na tao si Lucy ka pa rin sa paningin ko" sabi ni Jeremy at nilagay ang band aid sa sugat sa kamay ni Lucy. Narinig niyang suminghot si Lucy kaya napatingin ito sa kanya.
"Oh, umiiyak ka?" tanong ni Jeremy sa kanya. Mabilis na umiling si Lucy.
"Ikaw nalang yata yung nagpapaalala sa akin na tao ako" natatawa niyang sabi at suminghot. Hindi makapagsalita si Deimos, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Nakakramdam siya ng inis at galit pero hindi naman niya alam kung bakit, ngunit siguro alam niya pero ayaw lang talaga niyang aminin.
Napatingin si Maia sa kanya, may malulungkot na mata, isip ni Maia na sana siya nalang ang tinitingnan ni Deimos ng ganyan.
--
BINABASA MO ANG
Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)
FantasíaCHILDREN OF OLYMPIANS SERIES #1 TAGALOG-ENGLISH Lucy Gonzales was a peculiar girl with the gift to see things that weren't there, she could see if a person will die minutes before their deaths, she could see visions of what was going to happen. Tina...