Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3
Enjoy Reading!
3RD PERSON'S POV
Kumunot ang noo ni Lucy dahil sa sakit ng kanyang ulo. Unti-unti niyang binuksan ang mga mata niya at nanlalabo ang kanyang paningin. Pumikit siya ulit para i-adjust ang kanyang paningin.
Napalingon siya sa paligid at dahan-dahang umupo , hindi niya maalala kung ano ang nangyari kagabi. Nilibot niya ang ang tingin sa hindi pamilyar na lugar. Bumukas ang pintuan at pumasok si Deimos na may dalang palanggana.
Nagkatinginan sila ni Lucy at mabilis na inilatag ni Deimos ang dala sa mesa at mabilis na lumapit kay Lucy at hinawakan ang noo nito.
"Ayos ka lang ba? ano ang nangyari sayo kagabi?" nag-aalalang tanong nito sa dalaga. Napatingin si Lucy sa kanya na may mga nagtatanong na mga mata.
"A-ano ang nangyari? nasaan tayo?"
Napatigil si Deimos sa kanyang ginagawa at napatingin kay Lucy.
"Di mo maalala?"
"Magtatanong ba ako kung naaalala ko?"
Hindi nakapagsalita si Deimos. Ano ang nangyari kay Lucy kagabi? bakit ganyan siya umasta? wala ba talaga siyang naaalala? dahil ba ito sa ichor?
"Nasaan tayo Deimos?" pag-uulit ni Lucy.
"Nasa bahay tayo ni Maia. Pagkauwi natin galing camping pinaalis tayo sa apartment" sabi ni Deimos at napatigil, tiningnan niya ang reaksyon ni Lucy at nagbabaka sakaling may maalala. "Wala ka ba talagang maalala?"
Nanlaki ang mga mata ni Lucy.
"Ha?!" sigaw niya "Pinaalis tayo sa apartment? bakit?! Nagbayad ako ng renta ah!"
Akmang tatayo si Lucy nang biglang sumikip ang dibdib niya at nakaramdam siya ng matinding hilo, nasalo siya ni Deimos bago pa man siya tuluyang bumagsak sa sahig.
Napadaing si Lucy nang biglang sumakit ang kanyang ulo. May mga malabong imahe siya nakikita ngunit masyado itong malabo para malaman kung ano ito. Sa tuwing inaalala ni Lucy kung ano ang mga ito ay mas tumitindi ang sakit ng kanyang ulo.
"Lucy!" nag-aalalang tawag ni Deimos sa kanya, hindi siya pinapansin ni Lucy at nagpapatuloy lang ito sa pagsisigaw hanggang sa mapaiyak nalang ito sa sakit.
Di nagtagal ay nawala ang ingay at sakit ng kanyang ulo, unti-unting nagiging normal ang kanyang paghinga ngunit basang-basa ang mukha nito sa pawis at luha.
Bumukas ang pintuan at nakita ni Jeremy ang pangyayari. Nagmadali siyang kunin si Lucy mula kay Deimos at pinaupo ito sa higaan.
"Lucy, Lucy" tawag ni Jeremy kay Lucy habang hinahawakan nito ang mukha ngunit nanatiling nakapikit si Lucy at pinapakalma ang sarili. "Naririnig mo ba ako?"
Kumunot ang noo ni Jeremy nang makita ang sitwasyon. Galit siyang napatingin kay Deimos.
"Ano ba ang nangyari?!" sigaw niya. Yumuko si Deimos at umiling.
"Hindi namin alam.Pagkadating namin sa kusina may nangyari sa kanya, wala din siyang maalala simula sa camping--"
Mabilis na kwinelyuhan ni Jeremy si Deimos. Nagulat si Deimos sa nanlilisik na mga mata nito.
"Ipinagkatiwala ko siya sa inyo! Akala ko maaalagaan niyo siya ng mabuti!" galit niyang sigaw kay Deimos. Napatingin si Deimos sa mga mata ni Jeremy at kumunot ang noo nito nang may napansin.
BINABASA MO ANG
Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)
FantasyCHILDREN OF OLYMPIANS SERIES #1 TAGALOG-ENGLISH Lucy Gonzales was a peculiar girl with the gift to see things that weren't there, she could see if a person will die minutes before their deaths, she could see visions of what was going to happen. Tina...