Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3
Enjoy Reading!
LUCY GONZALES
Mahigpit ang hawak ni Deimos sa pulsohan ko habang nakasakay kami sa isang limousine. Masama ang tingin niya sa lalaking nakabusiness suit na nasa harap namin.
Hindi ako mapakali, ito ang unang pagkakataon na hinahawakan ako ni Deimos na hindi sapilitan. Palagi niyang sinasabi na ayaw niyang humawak ng mortal dahil madumo daw, pero eto kami ngayon.
Napilitan lang kami na sumama nung sinabi nung lalaki na naghihintay daw sa amin ang boss niya. Kung sino mang boss ang tinutukoy ng lalaki, sigurado ako na hindi ito basta-basta lang masusuway ni ng kahit na sino, kahit na si Deimos.
Naging tahimik ang biyahe na nagtagal ng ilang oras. Hindi ko alam kung nasaan kami dahil hindi nakikita kung ano ang nasa labas ng limousine pero sa buong biyahe, hindi ako binitawan ni Deimos.
Biglang tumigil ang limousine at sumilip mula sa driver's seat ang isang lalaking mukhang bankay na nakasuot ng uniform ng driver. Walang kabuhay-buhay at nangingitim ang mga mata nito, may sinabi siya sa lalaking nakabusiness suit na hindi ko maintindihan dahil ibang linggwahe ang ginamit nila.
"No matter what, do not talk to the dead." bulong ni Deimos sa akin. Bigla naman akong kinilabutan sa sinabi niya.
Bumaba kami ng sasakyan na pinagbuksan nung driver. Halos mahulog ako sa sasakyan dahil hindi ko tiningnan ang inaapakan ko, mabuti nalang at nasalo ako ni Deimos at inalalayang tumayo. Napasighap ako sa nakita ko, parang napunta kami sa ibang mundo.
"Maaari ka nang bumalik sa pwesto mo, Charon." sabi nung lalaking nakabusiness suit sa driver. tumango lang ang driver na tinawag niyang Charon at bumalik sa loob ng limousine at nagdriver palayo.
Nasa ilalim kami ng napakadilim na langit na pati buwan at mga bituin ay wala. May malalaking isla na lumulutang at mga tulay ang nagdudugtong-dugtong dito. May lumilitaw na mga gamit sa parang umaagos na tubig sa gilid ng bawat tulay. Naglakad ako sa may katapusan ng lumilitaw na Isla at kinilabutan sa nakita.
May mga taong nalulunod sa dagat ng lava, sumisigaw at humihingi ng tulong. Dahil sa gulat ay napaatras ako at biglang nagcollapse yung parte ng lupa na naapakan ko. Mabilis na hinawakan ni Deimos ang braso ko at hinila papunta sa kanya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa malakas na kalabog nito, malapit na akong masunog ng buhay.
"Sumunod kayo sa akin" sabi nung lalaki at nagsimulang maglakad. Sumunod naman kami ni Deimos sa likod niya.
"N-nasaan tayo?" tanong ko. Biglang dumilim ang mukha niya bago ako sagutin.
"Underworld."
napatigil ako sa paglalakad ng marinig iyon. Tiningnan ko siya kung nagbibiro lang ba siya o hindi. Inilibot ko ulit ang tingin ko sa paligid at napagtatanto na totoo talaga ang sinasabi niya. Bigla akong natakot at tumakbo palapit sa kanya at humawak ng mahigpit sa manggas ng damit niya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa pakarating kami sa pinakamataas at magarang building dito sa Underworld. May umiilaw na label sa taas ng building na may nakasulat na mga letrang hindi ko maintindihan.
"Kazino ton nekron." bulong ni Deimos sa kanyang sarili habang nakatingin din sa malaking building "Casino of the dead."
Casino? para sa mga patay? hindi na ako nakapagsalita dahil pumasok kami sa isang elevator sa tabi ng entrance. Malaki ito kumpara sa normal na elevator at gawa ito sa ginto.
BINABASA MO ANG
Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)
FantasyCHILDREN OF OLYMPIANS SERIES #1 TAGALOG-ENGLISH Lucy Gonzales was a peculiar girl with the gift to see things that weren't there, she could see if a person will die minutes before their deaths, she could see visions of what was going to happen. Tina...