Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3
Enjoy Reading!
LUCY GONZALES
Dahan-dahan namin na inalalayan ang duguan na katawan ni Isabela sa higaan. Umupo siya at sumandig sa headboard at mukhang nahihirapan.
"Ano ang nangyari sayo?" tanong ni Deimos sa kanya. Tumayo ako at pumasok ng CR para kumuha ng tuwalya at binasa ito, inabot ko na rin ang medicine kit at dinala ito sa gilid ng higaan.
"Kailangan ko ng tulong niyo" nahihirapan niyang sabi. Lumapit ako sa kanya at dahan-dahan na pinunasan ang kanyang mukha.
"Paano ka namin matutulungan kung hindi namin alam ang nangyari sayo?" tanong sa kanya ni Phobos.
Bagamat nahihirapan, pinilit niya ang sarili niya na abutin kung ano man ang meron sa bulsa niya. May kinuha siya na bagay mula sa kanyang bulsa at iniabot ito kay Deimos, tiningnan namin ito ng maigi.
Parang isang piraso ng tela ngunit may disenyo na humahawig sa mga kaliskis. Hinimas ito ni Phobos at kumunot ang noo niya.
"Fck" bulong niya sa sarili. Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya.
"Sinubukan niyo siyang patayin?" seryosong tanong ni Deimos kay Isabela. Malungkot na napayuko si Isabela at napatango, maya-maya narinig ko siyang sumisinghot.
"Dapat hindi nalang kami pumunta doon." naiiyak niyang sabi. "I don't want to lose more of my sisters, please. Please help me."
Napatigil ako sa pagpupunas sa kanya. Isabela is a daughter and follower of Artemis, she vowed to be brave and to show no weakness because of her patron but seeing her like this, something serious is really happening.
"Nasaan sila?" tanong ko.
"Lucy" seryosong banta ni Deimos sa akin ngunit hindi ko siya nilingon. Hinawakan ko ang mga kamay ni Isabela. "Isabela tutulungan ka namin, nasaan sila?"
"Lucy nahihibang ka na ba?" inis na sabi ni Deimos sa akin. Maging si Phobos ay nanatiling tahimik at halata sa mukha niya na ayaw niyang gawin ito.
"Deimos," mahina kong sabi sa kanya "If it were to happen to me, if it were to happen to Maia, sa tingin mo ano ang gagawin ko?"
Nagkatinginan kami. Hindi siya makapagsalita at ginulo ang kanyang buhok, inis siyang tumayo ng upuan at naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ngunit bumukas ito at pumasok si Maia.
Nagkatinginan si Deimos at Maia, halatang umiyak si Maia dahil sa namamaga nitong mga mata. Deimos was at a loss for words, he stared at Maia, not knowing what to do then Maia threw herself into his arms.
Napatigil ako, umiiyak si Maia sa mga bisig ni Deimos na mukhang hindi alam ang gagawin.
"Maia" mahina kong bulong. Napalunok ako at napayuko, hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko.
Lumingon ako kay Isabela at nagpatuloy sa paggamot ng mga sugat niya.
"Lucy" mahinang tawag ni Isabela sa akin ngunit yumuko ako. Sinigurado kong hindi nila makikita ang mukha ko, parang ang tanga ko naman kapag umiyak ako dito.
After everything, I'm still the unluckiest person in the world.
Ang nangyari ay dito natulog si Maia at Isabela sa kwarto. Ngayon lang nagkakilala si Maia at Isabela at todo iyak si Maia habang nagkwekwento kung paano sila nag-away ng ama niya. Nagulat din siya nang makita kung ano ang estado ng katawan ni Isabela.
BINABASA MO ANG
Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)
FantasyCHILDREN OF OLYMPIANS SERIES #1 TAGALOG-ENGLISH Lucy Gonzales was a peculiar girl with the gift to see things that weren't there, she could see if a person will die minutes before their deaths, she could see visions of what was going to happen. Tina...