Chapter 30: Two Goodbyes in One Day

761 47 4
                                    

Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3

Enjoy Reading!

LUCY GONZALES

Tiningnan ko si Salve sa huling pagkakataon. Nakatayo siya sa itaas ng hagdan ng eroplano habang nakangiting kumakaway sa akin.

'You have the rest of the day to rest. Someone will come and get you  when the sun sets. Do not even think of running away, Lucy. I have eyes everywhere'

Bumalik ang tingin ko sa kahon na hawak ko. Will this be worth it? will they let me go after this?

"Lucy." napalingon ako kay Deimos. Nakatayo sila ni Phobos hawak ang wheel chair kung saan nakaupo si Maia na walang malay.

Mabilis akong lumapit sa kanila at sumakay sa sasakyan na pinahiram ni Salve sa amin.

"Dalawa?" tanong ko sa kanila. Dalawang sasakyan na magkasunod ang nasa harapan namin.

"We won't fit in a single care" sabi ni Phobos at napatingin sa kambal niya. Tumango naman si Deimos at naglakad si Phobos dala si Maia sa kabilang sasakyan.

"S-saan-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil binuksan ni Deimos ang pintuan ng sasakyan na nasa harapan namin at pinapasok ako dito.

Isinara niya ang pinto at pinaandar na ng driver ang sasakyan. 

"T-teka sila Maia--" hindi ko ulit naituloy ang sasabihin ko dahil sumandig si Deimos sa kanyang upuan at pinikit ang kanyang mga mata.

Hindi ako nakapagsalita at nanatiling tahimik. Napatingin ako sa labas ng bintana at tiningnan ang mga nadadaanan namin.

Napatigil ako nang maramdaman ang pagdampi ng braso ni Deimos sa braso ko at hinawakan ang kamay ko. Napatitig ako dito at napakagat labi.

This was the first time someone ever held my hands like this. Napatingin ako kay Deimos na nananatiling nakapikit.

Something definitely changed after that kiss. I felt him closer and more here.

"Matutunaw ako kapag tinititigan mo ako ng ganyan" sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko at napaiwas tingin. Binitawan ko ang pagkakahawak sa kamay niya para lumayo dahil sa hiya pero mabilis niyang pinulupot ang kanyang mga kamay at braso palibot ng beywang ko at inilapit ako sa kanya.

He rested his head on my shoulder and pulled me closer to him, he held me like I was a stuffed toy.

Huminga siya ng malalim at mas siniksik ang ulo niya sa leeg ko. Hindi ako gumalaw, parang napako ako kinauupuan ko. This whole thing was too close, and too sudden.

"Dei-Deimos--"

"Let me rest Lucy," he mumbled "I need rest."

Napakagat labi nalang ako at hinayaan siyang yakapin ako. Di nagtagal nakaramdam na rin ako ng pagbigat ng tuklap ng aking mga mata at tuluyan nang nakatulog.

Ginising ako ni Deimos nang makarating kami sa harapan ng bahay nina Maia. Lumabas si Deimos ng sasakyan at nag-inat, sumunod naman ako sa kanya.

Lumapit ako kay Phobos at Maia at nakitang hindi pa rin nagigising si Maia. Why won't she wake up? Is she just tired or something isn't right?

"Maia!"

Napalingon kaming tatlo nang bumukas ang naglalakihang pintuan sa bahay nina Maia. Lumabas dito ang kanyang ama na nakasuot pa ng itim na robe. Mabilis siyang lumapit kay Maia at niyakap ito.

Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon