Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3
Enjoy Reading!
LUCY GONZALES
Nakaharap ulit ako sa naglalakihang gate papasok sa Underworld. This was a hundred times taller and bigger than me, parang langgam lang kami kung ikukumpara sa gate na 'to. Nasa tabi ko yung secretary ni Hades pero nangingig ang mga tuhod ko sa kaba.
"Shall we?" tanong niya. Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim
"Tara"
Dahan-dahang nagbukas ang gate at pinakita nito ang pamilyar at madilim na kapaligiran. Ang nagsisilbing ilaw lang ay ang mga lava na nasa paligid at ang tanging ingay ay ang mga taong sumisigaw ng tulong.
This is the scene that I saw in my vision. Alam kong babalik ako dito, alam kong mapipilitan akong bumalik dito.
Pumunta kami sa malaking Casino ng walang kinakaharap na problema. Sumakay ulit ako sa pamilyar na elevator kung saan dinala ako sa pinakamataas na bahagi ng building.
Bumukas ang elevator na hudyat na pagdating namin sa main office. Umapak ako sa marble na sahig na nakalikha ng ingay. Agad naman na lumibot ang swivel chair at humarap ang taong minsan ko nang nakita.
"I told you, you'd come back" sabi ni Hades. Nakasandig siya sa upuan niya at tinanggal ang eyeglasses na suot niya. Nakasuot parin siya ng corporate attire na walang suit.
"Bakit mo ginawa yon?" seryoso kong tanong "Why did you try to kill him?"
Tumaas ang kilay niya at bahagyang pinaluwagan ang necktie na suot niya. Inilagay niya ang siko niya sa mesa at pinagdikit ang dalawa niyang kamay at pinahinga ang kanyang baba sa ibabaw nito.
"You can't kill gods" sabi niya "I barely gave you an offer that you cannot refuse"
"Well that's a dirty way to run a business" sagot ko sa kanya. Nagkibit-balikat siya.
"So, are you ready to accept my offer?" tanong niya "sabagay, wala ka namang ibang choice"
"Hindi" sabi ko "Hindi ko tatanggapin yung inaalok mo"
Hindi siya nagulat pero tumayo siya at nag-inat. Naglakad papunta sa harap ng mesa niya at sumandig doon.
"Why are you here then?"
"I have come to bargain" panimula ko, he looked at me with an amused face.
"You are not the type to make deals, mortal" he said in a low and dangerous tone "You cannot play games with me"
"hindi ako nakikipaglaro sayo. Hindi ko isusugal yung buhay ng kaibigan ko" sagot ko sa kanya. Napangisi siya, and it was not out of amusement. It reminds me of how predators snarl at their preys, warning them that they will bite.
"Kaibigan? kailan pa?" dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin "They are not your friends mortal, gods can never have friends. We are bound to live alone because you never know that someone might stab you in the back"
"Wala akong pakialam" sabi ko sa kanya "They saved me many times and I want to pay them back"
Gusto kong matawa sa sarili ko dahil sa pinagsasabi ko ngayon. It's funny how I wanted to live when I just wanted to disappear for a long time. It's funny how I wanted to save people who are only going to use me in the end.
Nagbuntong-hininga siya at minasahe ang templo niya.
"So" panimula niya "What can you offer?"
tumikhim ako at lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)
FantasyCHILDREN OF OLYMPIANS SERIES #1 TAGALOG-ENGLISH Lucy Gonzales was a peculiar girl with the gift to see things that weren't there, she could see if a person will die minutes before their deaths, she could see visions of what was going to happen. Tina...