Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3
Enjoy Reading!
LUCY GONZALES
"Okay na ba 'to?" tanong ni Phobos sa akin at pinakita ang naglalakihang maleta na kanyang dala. Napangiwi ako at tiningnan siya.
"Dalawang gabi lang tayo dun Phobos, hindi isang buwan" sabi ko sa kanya. Inihiga niya ang maleta niya at binuksan ito.
Napasinghap ako nang makita ang laman nito. Puno ito ng pagkain, gamot at iba-iba pa.
"Grabe ka Phobos" di ko makapaniwalang sabi sa kanya. Ngumisi siya at tumayo.
"Hindi natin alam ang pwedeng mangyari kaya naghanda ako ng mabuti" sabi niya at ikinakasaya ang ginawa. Huminga ako ng malalim, minsan naiisip ko na parang ina namin si Phobos eh. Kung hindi pumapatay ng halimaw ay nagluluto ng masasarap na pagkain.
Napalingon kami nang biglang bumukas ang pintuan ng apartment. Pumasok si Maia dala-dala ang kanyang bag.
"Sorry ngayon lang ako, pinapunta kasi kami sa bahay ni Richard." sabi niya, mukhang pagod siya at naiinip.
"Bakit? anong nangyari dun?" tanong ko sa kanya, I'm not concerned about anything pero bakit pati si Maia apektado?
Binaba niya ang bag niya at umupo sa maliit na sofa.
"Wow, that's one big bag" sabi niya nang makita ang ang maleta ni Phobos.
"I brought snacks" sabi ni Phobos. Nag-aprrove sign si Maia at kinindatan si Phobos, ginaya din naman siya ni Phobos at nagtawanan sila.
"Ano nga nanguari?" tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at sumimangot.
"Tinanong lang kami ng daddy niya kung ano ang nangyari pagkatapos nung party a few days ago" panimula niya "Apparently nabugbog si Richard, nagexplain lang ako na umuwi ako agad kaya di ko alam. Hindi sa masaya ako dahil sa nangyari sa kanya pero at least wala siyang malolokong babae sa ngayon."
Naningkit ang mga mata ko, bugbog? yung aroganteng lalaking yon?
Saktong-sakto lumabas si Deimos mula sa kwarto na magulo ang buhok. Napatikhim ako at umayos ng upo si Maia. Nagulat si Phobos sa inasta namin at tiningnan ako na puno ng pagtatanong pero umiwas agad ako.
Nagkatinginan kami ni Deimos pero mabilis siyang nag-iwas tingin. Napasimangot namana ko, naalala ko yung nangyari nung gabing yun at biglang nahiya. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin ng hindi sinasadya at nagbuntong hininga.
Ikaw ba naman makakita ng mukha 'to? Hindi magkakagusto si Deimos sa mukhang ito jusko naman Lucy.
"Ang weird lang" biglang sabi ni Phobos at tiningnan ako at si Deimos. "Kaya pala ang tahimik ng bahay, di na pala kayo nag-aaway."
Tumingin ako kay Deimos pero ni hindi man lang niya ako nilingon, napatawa ako ng malakas at hinampas si Phobos sa braso.
"Sira ka talaga haha!" natatawa kong sabi sa kanya, napangiwi siya sa reaksyon ko "Tara na baka mahuli tayo"
Sumakay kami sa kotse ni Maia papunta sa campsite. Nagdesisyong mag-outing ang batch namin since last naman na daw. Ewan ko sa kanila, dami nilang pera may pacamping-camping pa silang nalalaman. Sinama pa 'tong kambal na 'to. Natatakot nalang ako na may mangyari nanaman.
Umupo ako sa tabi ni Maia sa shotgun seat, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe. Napatingin ako sa bintana at nakita na puro puno nalang ang nadadaanan namin.
BINABASA MO ANG
Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)
FantasyCHILDREN OF OLYMPIANS SERIES #1 TAGALOG-ENGLISH Lucy Gonzales was a peculiar girl with the gift to see things that weren't there, she could see if a person will die minutes before their deaths, she could see visions of what was going to happen. Tina...