Chapter 29: Sister of War

781 44 0
                                    

Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3

Enjoy Reading!

3RD PERSON'S POV

Naglaho ng parang bula si Circe at naiwan kami, kasama na rin ang mga taong nagsisigawan sa labas.

"Dito lang kayo" sabi ni Phobos at tumayo mula sa stool na kinauupuan niya pagkatapos ay lumapit sa pintuan at may sinilip.

Nanlaki ang mga mata niya at tumakbo palapit sa amin pagkatapos ay tumalon.

"Takbo!" 

Ngunit huli na ang lahat, tumilapon kami sa may pader at bumagsak sa sahig. Nang binuksan ko ang mga mata ko, nakita ko si Deimos at Phobos na nakahiga sa ibabaw namin ni Maia.

"Ah shit" daing ni Deimos at dahan-dahang tumayo.

Sumunod kami at pinagpagan ang sarili namin. Napasinghap kami nang makita namin ang nasa harapan namin. 

The whole inn was broken in half and were exposed outside. Nakarinig ako nang pagbagsak ng kagamitan sa gilid at napalingon dito.

Sa tabi ko, nakatayo ang caretaker ng inn na may gulat na ekspresyon.

"M-my inn" sabi niya, namumutla siya at mukhang umalis na sa katawan niya  ang kanyang kaluluwa.

"A-ano yan" takot na sabi ni Maia habang may tinuturo. 

Napatingin ako sa tinuturo niya. Nagsimulang gumalaw ang malaking bundok ng mga piraso ng mga kahoy na nasira mula sa pagsabog. 

Dahan-dahang umangat ang mga piraso ng kahoy at lumabas mula dito ang isang naglalakihang nilalang.

"It's a fcking Chimera" sabi ni Phobos at inilabas ang kanyang kalasag.

The creature shook the debris off its fur. Now that I'm looking at it, it had a huge head of a male lion, a freaking goat's head on it's back has a snake for a tail. 

Not to mention it was looking straight at us. It roared and fire blasted in our faces. Natusta na sana kami kung hindi lang ni Phobos itinapat ang kanyang kalasag sa harapan namin ngunit ramdam pa rin namin ang init mula sa apoy na tumatama sa kalasag.

"It's freaking hot!" sigaw ni Phobos habang hinahawakan ang kanyang kalasag na namumula na dahil sa apoy.

Tumigil ito sa pagbuga ng apoy at tumalon ang Chimera papunta sa kinatatayuan namin. Sabay kaming gumulong ni Maia sa kabilang dereksyon kung nasaan ang Chimera.

"Lumabas kayo dito!" sigaw ni Deimos.

Hindi na ako nag-isip at mabilis na hinawakan ang pulsohan ni Maia at hinila siya palabas ng inn. Binugahan kami ng apoy ng Chimera kaya tumilapon kami palabas at bumagsak sa lupa.

Mabilis na tumakbo si Deimos palapit dito at sumakay sa likod ng Chimera at kinulong ang ulo nito gamit ang kanyang sibat na hawak niya sa magkabilang dereksyon.

Hindi ko na makita ang mga sumunod na nangyari dahil nagpatuloy kami ni Maia sa pagtakbo palayo.

"Iiwanan lang natin sila doon?" hinihingal na tanong ni Maia.

"Wala tayong magagawa, magiging hadlang lang tayo sa kanila." sabi ko sa kanya.

Lumiko kami sa isang eskinita para magtago ngunit may nakita kaming hindi namin inaakala.

Sa madilim na eskinita na ito ay may naglalakihang Chimera na mas malaki pa sa kinakalaban nina Deimos. It was looking down on us, eyes glowing and mouth snarling. 

Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon