Chapter 25: Fighting a Gorgon with Blindfolds

753 47 3
                                    

Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3

Enjoy Reading!

LUCY GONZALES

 May mga tipak ng bato ang naihagis sa banda namin. Nakarinig din kami ng malakas na komosyon na nangyayari sa labas. Tumayo ako ng kaunti at sumilip sa mga nangyayari at nakitang si Phobos na nakahiga sa sahig at nakapikit na nanlalaban sa halimaw. 

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang buong itsura ng halimaw. Mas malaki siya sa inaakala ko, at mas malaki siya kumpara kay Lamia. Pilit niyang inaatake si Phobos na nakapikit ang mga mata at nanlalaban gamit ang kalasag nito.

Napaupo ulit ako sa sahig at lumingon kay Deimos.

"Deimos!" inis kong sabi sa kanya. Mukhang nagising siya sa katotohanan at napatingin sa akin.

"H-ha?" tanong niya. 

"Ano ang pwede nating gawin?! Inaatake na si Phobos!" taranta kong tanong sa kanya. Napakagat labi ako at may kinapa sa bulsa. Nanlaki ang mga mata ko at inilabas mula sito ang isang bote ng pepper spray.

"Pwede 'to" bulong ko sa sarili.

"H-ha?"

3RD PERSON'S POV

Napansin ng halimaw ang paggalaw ng isang bagay mula sa peripheral vision niya. Paglingon niya, nakita niya si Deimos na tumakbo mula sa pinagtataguan nito. Hahabulin na sana niya ngunit napansin niya ang paggalaw ng bato mula sa pinagmulan ng pinagtataguan ni Deimos at napansin ang ulo na nakasilip mula dito.

Napangisi siya at binitawan ang pagkakasakal kay Phobos at mabilis na pumunta sa kinauupuan ni Lucy.

"Mortal" Nakangising sabi niya at dinilaan ang kanyang mga labi gamit ag dila niya. Iniwan niya si Phobos na naghihingalo sa sahig at bumabawi ng hininga. Pagkalapit niya, napansin niyang wala na si Lucy mula sa kinauupuan nito. 

Naguluhan ang halimaw at nilibot ang tingin nito, hinahanap kung nasaan si Lucy. Ngunit paglingon nito, nakatayo si Lucy sa harap niya, nakapikit at may hawak na spray bottle sa harap nito. 

Kunot noo at naguguluhan siyang tiningnan ng halimaw at natatawa dahil sa inaasta ng isang mortal. 

"anóitos thnitós" (Foolish mortal)

Inilapit niya ang kanyang mukha sa spray bottle na hawak ni Lucy na siyang pinindot ang spray bottle. Napahiyaw at napaatras ang halimaw dahil sa ginawa ni Lucy at nagwala, gumalaw sa iba't-ibang dereksyon ang buntot ng ahas at sinisira lahat ng natatamaan nito.

Dumaan ang ahas sa paanan ni Lucy kaya napatid siya nito at bumagsak siya sa lupa. Napadaing siya at binuksan ang kanyang mga mata. Umangat ang tingin niya at nakita ang babaeng may mga ahas bilang buhok. Nakahawak ito sa kanyang mukha at tila namimilipi sa sakit. 

Kinuha niya ang dagger na binigay ni Deimos sa kanya at hinuli ang buntot nito at isinaksak ang dagger dito. Mas lumakas ang boses ng halimaw at kinuha ni Lucy ang oportunidad upang tumakbo palayo.

Pasikot-sikot siyang tumakbo sa gitna ng mga malalaki at sirang pillars ng templo at pati na rin sa mga bayani o mga taong sumubok na pumatay sa halimaw nang may humablot sa braso niya. Nagpumaglas si Lucy ngunit tinabunan ng tao ang kanyang bibig. Pinikit niya ang kanyang mga mata dahil akala niya ang halimaw na ito.

"Lucy! Lucy ako 'to!" sabi sa kanya ng boses. Mabilis niyang binuksan ang mga mata niya at nakita si Maia na madumi at pagod ang mukha.

Bumitaw si Maia sa pagkakahawak sa kanya at dinambahan naman siya ni Lucy ng yakap.

Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon