Chapter 8: A Hero a Day Keeps The Creeps Away

1.4K 73 10
                                    

Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3

Enjoy Reading!

MAIA RICAFORT

Hindi ko masyadong maalala. Ang sinasabi lang nila ay nawalan ako ng malay sa labas ng building, sometimes I dream of tiny bits of scenarios like I was in some sort of vehicle and there were people and--

"Maia, mauna na ako. May bibilhin pa kasi ako" Naputol ang pagmumuni-muni ko nang nagpaalam si Lucy sa akin. "Kaya mo bang umuwi?"

Galing kami sa coffee shop para magbonding. Dahil siguro sa away namin dati mas naging close na kami ngayon.

Tinanguan ko siya at nginitian. Nagising nalang ako sa clinic ng resort na pinuntahan namin at nakitang maluha-luha si Lucy. Niyakap niya ako at basang-basa siya.

"Di ka ihahatid ni Jeremy?" tanong ko sa kanya. Umiling siya

"May practice sila, palapit na rin kasi ang laro nila kaya hindi na siya masyadong nakakatakas. Tapos hindi naman na ako bata para ihatid" sabi niya. Napayuko ako at ngumiti, sana may kaibigan din akong ganun. Ang swerte talaga niya, may Phobos, Jeremy at Deimos pa siya.

Nagpaalam siya sa akin at tuluyan nang umalis. Nagdecide akong maglakad-lakad lang muna. Napadaan ako sa isang park na puno ng mga bata. Rinig na rinig ang mga tawa nila kasama ang mga magulang nila.

Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan sila. I felt pathetic for being envious of kids with their parents. Huminga ako ng malalim para matanggal ang bigat na nararamdaman ko.

"M-Maia"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Garry. His hair was messy well his whole image is a mess. Nakasuot lang siya ng normal na damit kumpara sa mga mamahalin niyang damit dati at mas lumaki ang tiyan niya ngayon, Mas tumanda din ang mukha siya at halatang hindi na nagshashave ng mukha, mapupula din ang mga mata niya at may hawak-hawak siya yosi at tinapon ito sa gilid at nagsimulang lumapit sa akin.

I heard that there was a rumor that his dad kicked him out of the family that's why he's jobless and homeless.

 Kumulo ang dugo ko at napairap. Nagsimula akong maglakad palayo at sinundan naman niya ako.

"Maia, ano ba ang nagawa ko? kung dahil man 'yon sa nangyari sa bar sorry na di ko sinasadya"

Napairap ulit ako at hindi siya pinansin nang hinatak niya ang braso ko kaya napadaing ako.

"Aray! Ano ba!" inis na sigaw ko sa kanya. May sasabihin sana siya pero tinikom niya an bibig niya at ginulo ang buhok niya

"Pwede ba? ayaw na kitang makita so please don't ever show yourself to me ever again!" sabi ko sa kanya.

"Bakit ba? ano ba kasi ang nagawa ko?!" Tanong siya. I scoffed, ang galing niyang umarte kala mo naman kung sino.

"First of all, you hit me" panimula ko "and second of all, I saw you making out with some other girl that night at the beach and lastly! I don't even like you!"

Parang gumaan ang loob ko pagkatapos ko siyang sigawan. I've been keeping it to myself because I didn't want trouble but this guy just keeps testing me. 

Hindi siya makapagsalita dahil sa sinabi ko pero biglang nag-iba ang tingin niya at hinawakan ang braso ko

"you btch! di ko gagawin ang lahat ng ito kung hindi dahil sayo! I've been laughed at and been branded abusive pig because I hit you one time!" 

Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon