7

2.3K 57 0
                                        

"Hey Bea! Pwede ba tayong maging magkaibigan?"

Luh. Para namang tanga Jho eh.

"Ah, Bea? I know we didn't had a good first encounter. But can we start all over again?"

Ano ba yan Jho! Jowa mo ba yang si Bea?!

"Okay, Bea. I know you hate me, and the feeling is a little bit mutual."

Jusko Jho. Bitch lang?!

Napabuntong-hininga na lang ako at iniangat ulit ang tingin sa harapan ng salamin.

"Bea... Can we be friends?"

Kru kru kru kru.....

Napa-kurap na lang ako at sinabunutan ang sarili. Simula nang makabalik ako sa De Leon Residence kaninang umaga, hindi na ako tumigil kaka-rehearse sa pwede kong sabihin kapag naka-harap ko na ulit si Bea.

Pero parang ni isa sa pinaggagagawa ko ay hindi magiging effective para mapa-amo si Bea.

Shonga-shonga mo rin kasi Jho. Bakit ka ba kasi pumayag?! Pwede naman kasing kumontak na lang kayo ng totoong Pyschologist eh. Nagpapaka-bayani ka na naman. 🙄

Kasalanan ko bang mabilis akong nadala at nakonsensya sa mga pinagsasabi ng Dr. Rex Intal na yun?!

"Ayoko naaaa." I said at tsaka nagpa-gulong-gulong na sa kama ko.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Ano na ba talagang role ko sa kondisyon ni Bea? Jusko! Kung alam ko lang na ganito ka-komplikado ang sitwasyon niya, edi sana tinanggihan ko na lang ulit yung offer ni Dr. Pareja na Medical Director namin. 😒

Char! Alam ko namang di ko matatanggihan tong ganitong bagay dahil aaminin ko, madali talagang napukaw ang atensyon ko ng kalagayan ni Bea.

Sa una pa lang na binigay sa akin ang information sheet tungkol sa aksidente ni Bea nung nasa Pilipinas pa ako, gusto ko na agad umoo para matulungan siya at ang pamilya niya dahil aminin man natin o hindi, sobrang lala talaga ng naranasan niyang aksidente. Hindi ito ganon kadaling gamutin kasi kung madali lang, edi sana sa Pilipinas na lang sila nag-stay diba?

Eh kasi naman eh! Kung hindi lang ganon ka-galit si Beatriz, baka naghahanda na kami sa operasyon niya sa mga araw na to!

Agad kong pinukpok ng unan ang ulo ko tsaka ulit nagpagulong-gulong sa kama.

"Oh my gosh Jho! What's happening to you?!"

Bigla akong napa-tigil nang may marinig akong boses.

"T-tita Det?!"

Na-shock ako at agad napabalikwas ng bangon, napaupo ako ng maayos sa kama at hinawi ang gulo-gulo kong buhok.

Nakakahiya ka naman Jho.

"Anong nangyari sayo? Is there any problem?" nag-aalala itong lumapit sa akin.

"Ah-ah, w-wala po tita. Ano lang, h-hindi lang po ako m-makapag-pahinga. Medyo madami lang po kasi akong iniisip." napakamot na lang ako sa noo.

Napa-tango naman ito pero halatang nagtataka pa rin.

"Ah, may kailangan po ba kayo?" I said as I combed my hair using my fingers.

"Oh right, I came here kasi I was about to ask you if you could help me bake cookies? Pasensya na at hindi na ako kumatok ha?"

Napangiti naman ako. "Sure tita. I can help you with that po."

"Sige, sumunod ka na lang sa kitchen, okay?" She smiled at nauna nang lumabas ng kwarto.

Agad naman akong tumayo para ayusin ang damit ko at magsuklay dahil nakakahiya talaga na naabutan ako ni tita Det na parang kiti-kiti kakagulong sa kama 😑

BORROWED TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon