"Excuse me." paulit-ulit kong sabi habang nagmamadaling maglakad sa hallway ng Stanford Hospital.Hindi ko na alam kung may mga nabangga ba akong tao or kung ilang beses na akong natalisod, muntik nang matalisod or kung matatalisod ba ako.
Ang alam ko lang, ay naaksidente si Beatriz. Dahil yun ang sabi ni kuya Loel.
"Room 138. Room 138."
Paulit ulit ko ring banggit sa binigay na room number ni kuya Loel.
Mas binilisan ko pa lalo ng makita kong three rooms na lang at makakarating na ako sa room ni Bea.
Nagmamadali kong binuksan ang pintuan at ready nang magsising umalis ako kaya hinanap ako ni Beatriz at dahil doon, naaksidente siya. Pero ako pa ang nagulat.
"Bea?!" nanlalaking mata ko siyang tinignan na nakangiting kausap si Kuya Loel habang nakaupo lang sa hospital bed, at naka-sway pa ang paa.
Napatingin naman silang dalawa sa direksyon ko.
"Jhooo!" she excitedly greeted me. Parang bata kung umasta.
Punyeta. Akala ko malala na ang nangyari.
"Hi, Jho... Hehehe." kuya Loel greeted me pero mukhang may balak ata siyang takasan ako dahil mukhang pinalala niya lang ang nangyari kay Bea sa kwento niya sakin kanina.
Unti-unti ko silang nilapitan at napatayo naman agad si kuya Loel.
"Siguro, I'll let you two talk first. Bye!" he immediately said and then went out of the room as fast as he could.
Umupo naman ako sa inupuan ni kuya Loel kanina at mataman na tinitigan si Bea na mukhang minor injured shoulder lang yata ang tinamo dahil yun lang naman ang naka-benda.
"I thought you were lost..."
Malumanay niyang sabi sa akin.
"I thought malala talaga ang lagay mo." mataray kong sabi rito tsaka siya tinaasan ng kilay.
"Huh? No. This is just a minor injury. Ano kasi..." she scratched her head using her right hand.
"What?" masungit ko pa ring sabi rito.
"Nag U-turn ako. Tapos there was an SUV pala coming at my direction. I tried to get away from the road and fortunately, I drove the car into a garden. That's why I only had an injured left shoulder." she continued.
"Eh bakit ganon na lang kung makasabi si kuya Loel sa akin na naaksidente ka at malala ang nangyari, ha?! Bea, kung gagawa ka ng kalokohan, sana naman wag ganto! Naaksidente ka na nga noon, tapos ito pa yung mangyayari sayo ngayon kung kelan magaling ka na?! Hindi lahat nadadaan sa biro, Bea. Kung sa tingin mo nakakatuwa ito, pwes hindi!" naiinis kong sabi rito nang hindi inaalis ang eye contact ko sa kanya.
She bowed her head down at mukhang na-guilty at na-realize kung anong kalokohan na naman ang ginawa niya.
"I called my kuya kasi I told him that he should take over in finding you while I'm here being treated with the first aid... Hindi ko naman alam na ganon ang gagawin niya para mahanap ka. I'm sorry, Jho." maingat nitong sabi sa akin at tsaka tumahimik na.
I suddenly felt guilty sa mga sinabi ko sa kanya.
She called kuya Loel para hanapin pa rin ako kahit na may nangyari na sa kanya? Ako pa rin ang iniisip niya kahit na siya na yung nadisgrasya.
Napasabunot ako sa sarili ko sa isip ko dahil hindi ko pa napapakinggan ng buo ang explanation ni Beatriz tapos nagalit na ako sa kanya.
Tanga-tanga mo, Jho. Di naman ginusto nung tao na madisgrasya siya para lumitaw ka. Gaga.

BINABASA MO ANG
BORROWED TIME
Фанфик"Oh, it's Good to be True If our Hopes and Dreams Come True Wish that I had More Of this Borrowed Time If only it would Last a Lifetime" How on Earth would you spend your time with the least expected person you will fall in love with, if you knew i...