Pagkatapos nila mag-usap ay dumiretso na agad si Vincent sa gitna ng gym para bumalik sa practice. Habang si Kuya naman ay tinabihan ako sa upuan at ang atensyon ay nasa hawak na cellphone.
"Kuya ano ang pinag-usapan nyo kanina?" Curious na tanong ko, napatigil sya sa pagta-type sa cellphone bago ako sinulyapan.
"May pinapasabi lang yung coach namin sa kanya." Paliwanang nya, tumango lang ako at hindi na nagtanong pa.
Hinintay kong bumalik si Vincent sa upuan nya pero nabigo ako. Dahil parang ayaw nyang lumubay sa pagpa-practice.
Si Kuya naman ay iniwan na ako dito. Naiinip na ako kaya nilapitan ko na si Vincent sa court. Nang makita ko syang huminto ay mabilis kong kinuha ang dala kong inumin.
Pero napasimangot na lang ako nang makitang may ibang babae ng nag-abot sa kanya ng tubig.
Nakita ko ang bahagyang pagtawa nya nang abutan pa sya nito ng face towel. Napahigpit ang hawak ko sa mineral bottle.
Sa halip na sa kanya ko ibibigay ang hawak na tubig ay kay Bench ko nalang ito inabot. Sakto lang ang pagdaan nya sa harapan ko.
Bahagyang nagulat si Bench pero napalitan din ito ng ngisi at walang alinlangan na tinanggap ang tubig kahit na meron na syang hawak na tumbler.
"Thanks Coligne, sakto paubos na ang laman ng tumbler ko." Masigla nyang sabi.
Sinulyapan ko ulit ang dalawa, napalingon naman agad si Vincent sa amin. Mabilis ko naman binawi ang mata at ibinaling sa kausap. Peke akong ngumiti at nagpanggap na interesado sa sinasabi ni Bench.
"Gusto mo bang magmeryenda? Malapit lang ang cafeteria dito. Don't worry, my treat." Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na nya agad ako palabas.
"Buenaventura, saan mo dadalhin ang kapatid ko!" Sigaw ni Kuya mula sa malayo habang nagtatakang nakatingin sa amin. Sa halip na sagutin ay tinawanan lang ni Bench iyon.
Bago kami tuluyang makalabas sa gym ay lumingon muna ako sa banda ni Vincent. Mula sa malayo ay nakita ko ang pagdilim ng ekspresyon nya bago tumalikod.
Wala na akong nagawa kung hindi sumama kay Bench. Tinanong nya kung ano ang gusto ko at sya nalang daw ang bibili kaya hinintay ko nalang sya. Maya-maya lang ay bumalik syang may dala ng macaroons at juice.
"Kumain ka lang wag kang mahihiya sa akin." Nakangisi nyang sabi na parang bata ang kausap.
Ngayon ko lang napagtuonan ng pansin ang mukha nya. May dimples pala sya pero sapat lang ang lalim nito kaya hindi masyadong halata kahit na nakangiti.
Makapal rin ang pilik-mata nya bumagay sa kulay brown nitong mata. Medyo mahaba ang kanyang buhok halos sumasalat na sa tainga nya.
Pero kahit na ganoon ay mas nangingibabaw ang kagwapuhan nito. Bahagya akong napanguso dahil naalala ko si Vincent. Ano na kaya ang ginagawa no'n?
Madaldal si Bench kaya hindi ako nainip hindi ko namalayan na napatagal kami sa pagmimeryenda. Kaya nga lang ay madalas akong natutulala naagaw lang nya ang atensyon ko ng tumikhim ito.
"Uhh... by the way kamusa yung kaibigan mo?" Kuno-noo nitong tanong uminom pa ito sa juice kunwari'y hindi masyadong interesado.
"Si Jona ba? Ayos lang naman sya." Marahan naman itong tumango at parang may gustong sabihin.
"Oo nga pala may game kami sa Friday mas maganda kung manunood ka." Alok nya sa akin. "Pwede mo din isama yung mga kaibigan mo." Medyo mahina na nyang pagkakasabi na nakapagpataas ng kilay ko.
"Susubukan ko pero hindi ako sigurado kung sasama sila pagkatapos ng nangyari noong nakaraan sa party."
"Ah ganoon ba?" Tipid itong ngumiti "Gusto ko sana na humingi ng paumanhin sa kaibigan mo kaso hindi ko na sya ma-contact. Nabigla lang ako kasi ang sabi nya ay magkasing edad lang kami kaya..." Mariin itong napapikit na parang may naalala na hindi maganda. "Baka matulungan mo ako." Pahabol nya sa sinasabi.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomanceBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...