"I told you, she's not going to stop until you fuck her." Papasok palang ako sa bahay namin ng makarinig agad ng ingay na nagmumula sa living room. Rinig mula sa labas ang malakas nilang tawanan.
Nang makapasok ako ay si Vincent agad ang una kong nakita, tumatawa ito na tila aliw na aliw sa sinabi ng kaibigan. Diretso lang akong naglakad at hindi ko sila pinansin. Pero hindi nakaligtas sa akin ang malalim na titig ni Vincent. Kaya napabaling din ang iba pang barkada ni Kuya sa akin.
"Hi, Coligne." Masiglang bati ni Bench sa akin at kumaway pa.
Ginantihan ko lang sya ng tipid na ngiti bago ako dumiretso sa itaas. Naligo agad ako at nagsimulang gawin ang mga assignments. Siguradong mapupuyat na naman ako nito. Hapunan na ng magpasya akong bumaba dahil nagugutom na ako.
"Coligne tawagin mo na ang Kuya mo pati na rin ang mga barkada nya. Kakain na tayo." Utos sa akin ni mama habang abala sya sa ginagawa.
"Opo" Simpleng sagot ko bago nagsimulang magtungo sa kwarto ni Kuya.
Ang buong akala ko ay nakauwi na sila. Siguro ay may tinatapos silang group project.
Hindi na ako kumatok dahil hindi naman naka-lock ang pinto. Kaya madali akong nakapasok sa kwarto ni Kuya.
"Kuya kakain na daw." Mahina lang ang pagkakasabi ko sapat lang para marinig nila.
Medyo nagtaka ako dahil madilim masyado sa kwarto nya. Paano sila nakakapag-aral ng ganito kadilim?
Sabay-sabay silang napalingon sa akin, pero hindi ko inaasahan ang kasunod na narinig.
Isang mahabang ungol ng babae ang nagsilbing background music nila habang natatarantang nagsitayuan. Kaya ba nagkukumpulan sila sa harap ng TV?
"Shit, where's the fucking remote Cole!" Napatakip ako sa aking bibig habang unti-unting umakyat ang dugo sa aking mukha.
Napasinghap silang lahat, halata ang pagkabitin sa pinapanood. Para akong nakarinig ng pag-awit nang ibong adarna dahilan para maging bato ang aking katawan.
"Just unplug it!" Sigaw ni Kuya habang abala sa kung anong hinahanap.
Nakita ko ang mabilis na paghila ni Vincent sa saksakan. Nanatili akong nakatayo sa bandang pinto at hindi alam ang susunod na gagawin.
"Susunod na lang kami, Coligne. Mauna kanang bumaba." Seryosong pagkakasabi ni Kuya sa akin.
Ang malalaking butil ng pawis nya agad ang napansin ko habang mariin na nakaigting ang panga.
Mabagal ang ginawa kong pagtango. Mabilis nya akong tinalikuran para linisin ang nagkalat na tissue sa kwarto.
Hindi ko maiwasang tanawin ang itsura ni Vincent. Katulad ni Kuya ay pinagpapawisan rin ito at mariin ang pagkakaigting ng panga habang tinutulungan si Kuya sa paglilinis.
Tila ba may sariling isip ang mata ko at curious na bumaba ito sa harap ng slack pants ni Vincent.
Marahas akong napalunok ng makita ang umbok sa harapan nya na tila ba may nagca-camping roon at dahil slack pants ang suot nya kaya kitang-kita iyon.
Ganoon ba iyon kalaki? I unconsciously licked my lower lips.
Nang ibinalik ko ang titig sa mukha nya ay nakita ko ang madilim nyang mata. Tumikhim sya at mabilis akong tinalikuran.
Saka ko lang napansin na nawala ang ibang barkada ni Kuya. Wait! wag mo sabihin na sabay-sabay silang gumamit ng CR?!
Napangiwi ako sa naiisip, kaya nagmadali na akong bumaba at hindi makatingin ng diretso sa mga mata nila mama at papa. Hindi ko na hinintay ang pagbaba nila Kuya. Nagsimula na akong kumain para hindi ko sila makasabay.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomanceBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...