"Woah! Akalain mo yun sinuwerte kayo, nag-title pa." Bati ni Marwin saka inakbayan si Faustin.
Yumuko ako para tulungan si Jona na magtanggal ng high heels.
"Sadyang magaling lang talaga kami, di ba Faustin?" Mayabang na sabi ni Jona.
"Sorry, kinabahan ako kanina." Nahihiyang paumanhin niya ng hindi sinasagot ang tanong ni Jona.
"Natural lang 'yon Faustin, huwag mo nang isipin ang mahalaga nanalo tayo." Tumayo na ako at nagsimula ng magligpit.
"Oo nga, instant heart throb ka tuloy ngayon." Biro ni Marie.
"Nasaan nga pala si Diary?" Nagtatakang tanong ni Jona, inilibot ko ang paningin sa buong kwarto pero wala sya.
"Kasama lang namin 'yon kanina eh. Sobrang tahimik kasi kaya hindi ko alam kung katabi ko pa ba o hindi." Paliwanag ni Marie, inilabas nya ang cellphone at sinimulan ng tawagan.
"Hindi sinasagot eh ." Reklamo ni Marie
"I-message mo para pagnabasa nya magre-reply na lang sya." Suhestiyon ko, agad naman tumango si Marie.
"What the hell?!" Bulyaw ni Jona na nakaagaw ng pansin naming lahat.
Kaya sinundan namin ang tinitignan nya, agad na nagsalubong ang kilay ko ng makita si Kobe na naglalakad patungo sa amin.
Kahit na nakasalamin ay gwapo pa rin itong tignan. Lumipat ang tingin ko sa lalaking katabi nya, awtomatikong napangiti ako ng makitang nakatingin din ito sa akin. May bitbit pa syang plastic bag, kapwa naka-uniform pa silang dalawa.
Mabilis akong kumilos para pagpagin ang suot na pantalon medyo madumi ang likod dahil sa inupuan ko. Pinasadahan ko ang nakasabog kong buhok bago ulit nagbalik ng tingin sa kanya.
"Pwede na akong mamatay, pero please huwag muna ngayon." Rinig ko pang bulong ni Jona habang kinikilig sa tabi ko.
Nang tuluyan na silang makalapit sa amin ay pinasadahan nila kami ng tingin. Nakita ko ang pag-angat ng kanan na kilay ni Kobe habang sinusuri si Jona mula ulo hanggang paa.
"Congrats," Walang interes na bati nito kay Jona.
"Congratulations!" Si Vincent habang nakangising bumati rin.
Pasimple itong lumapit sa akin na agad naman nagpapula ng pisngi ko. Nakatingin sa amin ang mga kaklase ko habang ang iba naman ay nag-aalisan na. Kuryoso ang ipinupukol nilang tingin sa dalawang lalaking kararating lang.
"Thank you," Nakangiting sabi ni Jona kay Vincent, pagkatapos ay makahulugan itong tumingin kay Kobe.
Kinalabit ko si Vincent para isenyas na may sasabihin ako. Bahagyang yumuko ito para itapat ang tainga sa bibig ko.
"Kanina pa kayo dito?" Marahan syang tumango sa tanong ko.
"May gagawin pa ba kayo?" Tanong nya sa akin at kinuha ang hawak kong bag na may laman na mga damit.
"Wala na ibabalik na lang namin ang ibang gamit sa classroom." Sabay turo ko doon sa mga props na ginamit kanina. Tumango lang ulit sya bago tumulong sa pagsisinop ng gamit.
"Congrats nga pala Faustin." Mahina kong bati saka sya nginitian, nagpunas sya ng pawis sa noo bago ako hinarap buti na lang at abala pa si Vincent sa pagtulong.
"Salamat," Binasa nya ang pang-ibabang labi bago sumulyap sa labas ng kwarto.
"Gusto ko sana kayong imbitahan sa bahay bago ako umalis." Dugtong nya sa huling sinabi.
"Sige at sasabihin ko kila Marie, kailan ba?"
"Bukas sana dahil aalis na ako sa Linggo." Halata sa boses nya ang pagkalungkot.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomanceBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...