Chapter 22

2K 48 2
                                    

Magdamag akong gising mga alas tres na siguro ng umaga ako dinapuan ng antok dahil kakaisip sa mga sinabi ni Kuya.

I know how much Kuya loves me kaya hindi ko rin maiwasan na pagdudahan si Vincent. Maraming tanong ang nabuo sa utak ko sa isang gabi lang na iyon.

What if it's true?

Kapag iniisip ko na maaaring totoo iyon at hindi lang gawa-gawa ni kuya ay kumikirot ang dibdib ko.

After that night, Vincent keep on calling me but I didn't answer it.

I need some time to process everything. Feeling ko sasabog na ang utak ko dahil nagkasabay-sabay ang sa academics at ang problema sa relasyon namin.

Bago pa magising si kuya ay nagpasya na akong umalis. Pupunta kami nila Jona kila Faustin para sa despedida nya. Plain jumpshort na kulay navy blue ang sinuot ko saka tinernuhan ng sandals. Nagbaon na din ako ng pamalit dahil siguradong maliligo na naman kami sa batis.

"Good morning." Pormal kong bati nang makita si Faustin na kalalabas lang ng pinto at mukhang kagigising lang.

Wala itong suot na t-shirt, tanging board short lang. Bahagya pang magulo ang buhok nya, hinawi nya iyon pataas at nagkusot ng mata.

"Good morning din pasok ka muna."
Mas niluwagan nya ang pagkakabukas ng pinto bago kinuha ang damit na nakasampay sa kahoy na upuan.

"Mukhang kagigising mo lang pasensya na at nagising kita ng maaga. " Puna ko sa kanya, ibinaba ko muna ang hawak na bag saka umupo.

"Hindi naman, napagod lang ako kahapon." Paliwanag nya habang nagtitimpla ng kape.

"Magkape ka muna pasensya na at wala akong gatas. Itutuloy ko lang itong piniprito." Tinanggap ko naman iyon at sinabing ayos lang na kape dahil umiinom naman ako nun.

Pinanood ko syang tumungo sa kalan na may nakasalang. Inalok ko syang tutulong ako pero hindi sya pumayag kaya sa huli ay pinanood ko na lang syang magluto.

Pagkatapos magluto ay inaya nya muna akong kumain. Naging tahimik lang ang pagkain namin. Paminsan-minsan ay aalukin nya ako ng ulam at tatanungin kung gusto ko pa ng kanin.

Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nag-alok na maghugas ng pinggan habang sya naman ay naghihiwa ng karne at gulay para mamaya.

"Magpahinga ka muna pagkatapos mo d'yan." Nilingon ko sya saglit bago itinuloy ang ginagawa.

"Mamaya na, sisimulan ko na din ayusin yung tatambayan natin sa labas." Napagplanuhan kasi namin na maglagay ng picnic mattress at tent sa labas.

"Sige, pagkatapos ko dito tutulungan kita." Pag-sang-ayon nya, hindi na ako sumagot.

Hindi ko maiwasan na isipin si Vincent habang abala ako sa ginagawa. Ano na kayang ginagawa nya ngayon?

Nang matapos ay saglit ko munang tinignan yung cellphone ko. Ang ibang messages ay galing kila Jona at Marie. Samantalang pinaka-marami ang galing kay Vincent.

Una kong inilatag ang picnic mattress at inayos ang maliliit na unan. Buti na lang at merong ganitong gamit si Faustin. Minsan nakakapagtaka rin dahil mukhang bagong bili pa. Saan kaya sya kumukuha ng pera pambili ng mga ganito?

"Ako na dyan." Nag-angat ako ng tingin sa kanya, mabilis nyang nakuha sa kamay ko yung tent.

"Tapos kana?" Tanong ko sa niluluto nya. Inabot ko pa sa kanya yung manual kung paano i-assemble yung tent.

"Hindi pa, pero may nakasalang na." Nakatuon pa rin ang atensyon nya sa ginagawa.

Hindi nya pinansin ang inabot kong papel parang bihasa na sya sa pag-aayos noon. Nang matapos nyang ayusin 'yon ay sumulyap sya sa akin pero agad din ibinalik sa tent na nakaayos na.

Seducing My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon