Chapter 14

2.3K 55 3
                                    

"Sa Sabado na lang ulit natin ituloy yung group project." Suhestiyon ni Diary.

Marahan akong napatango para sumang-ayon. Masmaganda nga iyon para mas mahaba ang oras namin.

"Ok sige, sa bahay nyo ba ulit?" Tanong ni Marie kay Faustin.

Napabaling ang tingin ko sa kanya. Mula sa hawak nyang cellphone ay bumaling ang atensyon nya sa amin habang nakakunot ang noo.

"Sorry, ano nga ulit iyon?" Nagtatakang tanong nya, sya namang nakapagpasimangot kay Marie.

Napangiti ako dahil sa itsura nya, hindi ko alam pero gusto ko ang ekspresyon ng mukha nya kapag seryoso sa isang bagay. Halatang mayroon syang malalim na iniisip.

"Mas maganda siguro kung sa inyo na lang Coligne." Napanguso na lang si Marie at sa akin ibinaling ang atensyon.

Kaya napakamot sa batok si Faustin dahil hindi na sya kinausap ni Marie.
Awtomatiko akong napa-iling.

"Hindi pwede Marie, baka kasi magpunta ang mga kaklase ni Kuya sa bahay. Maingay ang mga iyon baka hindi rin tayo makagawa." Paliwanag ko, pero sa halip ay nakitaan ko sya nang pagkainteresado sa sinabi ko.

"Talaga? Mas maganda kung ganoon!" Napailing na lang ako ng marinig ang boses ni Jona sa likod ko.

"Buhay ka pa pala Jona. Akala ko nakaburol kana." Patawang biro ni Marie sabay hampas sa balikat ni Jona.

"Shut up! Marie. So, sa inyo ang meet-up sa Sabado hah 9 am!" Napairap ako sa sinabi nya, marami akong ginagawa sa gano'ng oras lalo na at weekends.

"After lunch." Pagtatama ko sa kanya pero parang wala itong narinig.

Napa-irap na lang ako, hindi magandang ideya na sasabay kami sa mga barkada ni Kuya.

"Ok lang sa akin kung sa inyo na lang Coligne. Masmaganda nga iyon at mas malapit." Napalingon ako kay Faustin at wala nang nagawa kundi mapatango.

"S-sige" Nauutal kong sabi.

Mabilis lumipas ang sumunod na mga araw dahil sa sobrang daming project. Halos lahat na yata ng subject ay mayroon.

Halos limang araw ko na din na hindi nakikita si Vincent ang huling kita ko sa kanya ay noong hinatid nya ako sa bahay at nagkwento sya tungkol sa usapan nila ni Kuya.

Maya't maya nya din akong tinatawagan at tinetext para tanungin kung kumain na ba ako o kung ano ang ginagawa ko. Pero parang may kulang pa rin.

"Good morning, babe." Marahan kong kinusot ang aking mga mata at naghikab bago sya sinagot.

"Good morning din." Mahina kong bati sa kanya.

Narinig ko ang mahina nyang tawa kahit hindi ko sya nakikita ay alam kong nakangisi na sya.

"Nagising ba kita?" Tanong nya, mas lalo tuloy akong inantok dahil sa lambing ng boses nya.

Awtomatiko akong napailing kahit na alam kong hindi nya naman ako nakikita. Napatingin ako sa orasan at mabilis na napatayo nang makita kung anong oras na.

"Ayos lang naman, tanghali na din naman. Gagawa kami ng project ngayon dito sa bahay." Mula sa kabilang linya ay may narinig akong malakas na pagsara ng pinto. Napakunot ako dahil doon.

"Ok ka lang?" Tanong ko ng hindi sya sumagot sa una kong sinabi. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nya

"Sorry about that, wala lang iyon. Kumain kana muna may gagawin lang ako." Napa-ismid ako sa sinabi nya.

"Hindi ka ba pupunta ngayon dito sa amin?" Tanong ko saka marahang hinilot ang sentido. Nasobrahan yata ako sa pagre-review kagabi.

"Na-miss mo na agad ako?" Pang-aasar nya, mas lalo akong napa-ismid. Limang araw ka kayang hindi nagpakita.

Seducing My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon