"Are you playing with me Coligne?" Tanong nya sa paos na boses.
Napahinto ako dahil sa tanong nya, mariin akong napapikit bago muling idinilat ang aking mga mata.
"No, I'm not." Pagsisinungaling ko, mariin kong itinikom ang labi.
"Then why are you so busy entertaining someone else!" Pahiyaw nyang sabi.
Kumuyom ang kamao nya at kitang-kita kong mas lalong pumula ang kanyang mukha hanggang sa leeg.
Marahas akong napalunok dahil sa ipinakita nyang galit. Hindi ba dapat ako ang magalit dahil sa ginawa nyang pag-iwas sa akin?
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. You're just drunk." Mahinahon kong sabi saka nag-iwas ng tingin dahil sa sobrang lakas nang tibok ng puso ko.
"Then make me sober." Sabi nya sa malamig na tono.
Hindi ko inaasahan ang biglaan nyang paglapit kaya napaatras ako ng ilang beses maiwasan lang ang pagdikit ng katawan nya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi rin maalis ang tingin ko sa mga mata nyang kulay abo. Nang wala na akong maatrasan ay ikinulong nya ako gamit ang isang kamay. Ang isa naman ay iniangat nya para hawakan ang kaliwa kong pisngi.
"I tried so hard to avoid you because that's the right thing to do." Marahan nyang sabi saka inilapit pang lalo ang mukha sa akin.
Pumungay ang kanyang mata habang mataman akong tinititigan. Maingat akong lumunok, ayokong marinig nya ang kalabog ng aking dibdib.
I can hardly breathe!
"L-lasing kana." Halos ayaw lumabas ng mga salitang iyon sa labi ko.
Napasinghap ako ng bumaba ang hinlalaking daliri nya papunta sa nangangatal kong labi saka marahan nya iyong binakas.
Hindi sya agad sumagot sa halip ay lumambot ang kanyang ekspresyon. Kung kanina ay galit ngayon naman ay para syang maamong tuta.
Napabuntong-hininga sya bago saglit na ipinikit ang mga mata pero agad din syang dumilat para salubungin ako ng tingin.
Awtomatikong napapikit ako ng inilapit nya pang lalo ang kanyang mukha. Saglit akong hindi huminga. Ang akala ko ay hahalikan nya ako sa labi ngunit hindi iyon nangyari.
Nang maramdaman ko ang paglapat ng labi nya sa aking noo ay saka lang ako napanatag. Wala sa sariling napadilat ako at sinalubong sya ng tingin.
Yes, I felt relieved but not contented.
Naiinis ako sa sarili dahil sa naramdaman na panghihinayang.
I bit my lower lip as I stared back at him.
Bumaba ang tingin ko sa mapupula nyang labi habang pinapasadahan nya ito gamit ang kanyang dila.
"Let's give it a try, please date me Coligne."
Hinaplos ng hinlalaki nya ang kaliwang pisngi ko habang ang namumungay na mga mata ay seryosong nakatitig pa rin sa akin.
Wala sa sariling napatango ako, walang salita ang gustong kumawala sa mga labi ko.
Oh, come on Coligne what happened to your smart mouth?
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomanceBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...