Maaga akong umalis kahit na hindi parin sigurado kung sisiputin ako ni Faustin dahil hindi man lang ito nag-abalang mag-reply.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko syang seryoso ang mukha at malayo ang tingin. Hindi ko akalain na maaga syang pupunta at naunahan pa ako.
Hindi pa man ako nakakalapit ng tuluyan ay nakita na nya ako. Nakita ko ang lantaran nyang paghagod sa kabuoan ko.
"Kanina ka pa ba nandito?" Namamangha kong tanong, hindi ko talaga akalain na mas mauuna pa ito sa akin.
"Hindi naman." Walang kangiti-ngiti nyang sagot, ramdam ko ang lamig noon.
Bigla ko tuloy nakalimutan ang mga sasabihin. Napakamot ako sa aking batok at nahihiyang ibinalik ang tingin sa kanya.
"Maupo muna tayo." Aya ko sa kanya at agad na inilibot ang paningin sa paligid para maghanap ng lugar na walang masyadong tao.
Mas magandang pribado ang pag-uusap namin. Tahimik lang syang nakasunod sa akin kaya hindi ko maiwasang kabahan. Kahapon lang ay maayos naman ang pakikitungo nya sa akin pero bakit parang may mali?
Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Pinagsalikop ko ang dalawang kamay sa ilalim ng lamesa saka huminga ng malalim.
"Gusto ko ng itigil 'to tutal ay inamin na ni Vincent na mahal na n'ya ako. Siguro naman ay ngayon na ang tamang panahon para makipag-hiwalay ako sa kanya." Sinadya kong hinaan ang aking boses sapat lang para marinig.
Pinagmasdan ko ang ekspresyon nya ngunit mas lalo lang akong kinabahan dahil blangko iyon.
Wala sa sariling binasa ko ang labi dahil sa kaba. Nakatitig lang sya sa akin at hindi kumikibo.
"A-ayos ka lang ba?" Kinakabahang tanong ko.
Gumalaw sya para isandal ang likod sa upuan saka ipinatong ang kanan na kamay sa lamesa.
Mariin syang pumikit habang nakaigting ang panga. Hindi na ako komportable sa pagkakaupo.
Muli syang dumilat, diretso ang mga mata sa akin at parang marami syang gustong sabihin. Habang tumatagal ay unti-unti kong nakikita ang mga emosyong pilit nyang itinatago sa kulay ng kanyang mga mata.
Kalungkutan, galit, at sakit.
"Hindi," Sagot nya sa tanong ko.
Halos hindi 'yon lumabas sa labi nya, pilit syang ngumiti salungat sa kalungkutang ipinapakita ng mga mata nya.
Mabilis syang tumayo at tinalikuran ako. Tumayo na din ako at pilit binilisan ang paglakad para pigilan sya.
"Kung ano man ang problema mo, makikinig ako." Humigpit ang hawak ko sa braso nya.
Naramdaman ko ang pag-angat baba ng balikat nya. Yumuko sya, sinamantala ko iyon para hawakan ang nakakuyom nyang kamao at dahan-dahan syang hinila paharap.
Napasinghap ako ng makita ang nanginginig nyang labi.
He's crying.
Ang kaba ko kanina ay napalitan ng awa ng makita kong malayang tumutulo ang luha sa mga mata nya.
Walang alinlangan na niyakap ko sya at marahang tinapik ang likod nya.
Gusto kong tanungin kung bakit sya umiiyak pero ayoko naman na makialam.Naramdaman ko ang pagbaon ng mukha nya sa leeg ko habang pilit na pinipigilan ang paghikbi.
"K-kahit anong gawin ko bakit sya pa rin ang laging pinipili ng lahat? Nasasaktan din naman ako pero bakit walang may pakialam?" Nauutal nyang bigkas sa pagitan ng paghikbi.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomanceBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...